TRENTA 'y SINGKO

2.4K 33 2
                                    

"Oo!" walang pagdadalawang isip niyang sambit. "Tapos na ako sa paghihirap ko sa'yo, Monjover. Bumalik ako ng Pinas hindi para bumalik sa buhay mo. Bumalik ako dito dahil may kailangan akong gawin na trabaho," paliwanag niya. "Matagal na tayong tapos. Kaya sana huwag mo na ulit guluhin ang buhay ko upang patayin ulit ako sa pagmamahal na ibinibigay ko sa'yo. Please stop killing me," seryoso niyang sambit.



"Anong gusto mong mangyari kung gayong ayaw mo ng bumalik sa'kin?"



"I want an annulment!" desidido niyang sambit. She wanted to end all of this nonesense! Ayaw niya ng ibalik ang sarili sa empyernong kinasadlakan niya sa piling nito noon. Oo! Mahal niya pa ang lalaki, but too much love can kill you, at ayaw na niyang maranasan ulit ang masakit na nakaraan. Takot na siya na baka hindi na niya kayanin ang sakit at baka bumigay na siya ng tuluyan sa mental hospital, at bansagan siyang nabaliw sa pag-ibig.

Sapat na ang parusang naranasan niya noon sa piling nang lalaki. Kung magmamahal man siya ulit, sisiguraduhin niyang mas mahal siya ng lalaki kaysa mahal niya ito.



------




Alas singko ng umaga'y nagising siya dahil sa naramdamang tawag nang kalikasan. Ihing-ihi na siya at pakiramdam niya ay puputok na ang kaniyang pantog. Nanaginip na nga siyang naihi na siya, buti na lang at hindi nangyari sa totoong buhay, kung nagkataon ay maglalaba siya ng bed sheet nang wala sa oras.




Kalalabas lang niya sa banyo ng maringgan ang cp na nag-iingay. Hindi iyon ang tunog ng kaniyang alarm, kaya agad nagsalubong ang kaniyang kilay. Sino ang tumatawag sa kaniya sa ganitong dis oras nang gabi? Nagmadali siyang pumanhik sa itaas at natatarantang kinuha ang selpon upang sagutin ang sinomang tumatawag sa kaniya. Hindi na niya inabalang tignan kung sino ang tumatawag.




"Joss! Can you please rush to the hospital right now. Nasa Tarlac pa kasi ako, umuwi kasi kami ni Ara, kanina pa kita tinatawag—"



"Hello! Sino ba 'to?" hindi niya kilala ang kausap. Hindi din niya mapag-sino ang boses nito dahil inaantok pa talaga ang diwa niya.



"Si Monjour 'to. Nasa hospital kasi ngayon si Monjover, ang asawa mo na aksidente, Joss…"




Hindi na niya narinig ang iba pang paliwanag nito. Ang omi-echo na lang sa utak niya ngayon ay ang paulit-ulit na salitang; "Ang asawa mo nasa hospital!" para iyong nakasalang sa isang recorder at paulit-ulit na nagpi-play sa utak niya.



Hanggang sa namatay ang tawag ni Monjour ay nakatulala pa din siya. Nahihirapang magproseso ng maayos ang utak niya, dahil sa pinaghalong antok at pagkagulat. Nagising lang ang diwa niya ng biglang tumunog ang message tone ng kaniyang selpon at nabasa ang mensahe ni Monjour, tungkol sa kompletong address nang kinaroroonan ni Monjover.




Agad niyang hinablot ang kaniyang jacket at kinuha ang wallet at agad iyong inilagay sa bulsa. Hindi na niya alintana kung nakapag-bra ba siya o wala? Ang importante ay mapuntahan niya agad ang address ng hospital, nais niyang malaman kung ano na ang lagay ni Monjover ngayon.




Ilang oras lang ay nasa hospital na siya, agad niyang tinakbo ang information desk at tinanong kung may Monjover bang ipinasok ngayon lang sa E.R nang mag-oo ang nurse ay nagpaturo siya kung saan iyon banda at dali-daling tinakbo. Ngunit wala na ang asawa sa E.R ayon sa mga natatarantang staff ng hospital ay nasa Operating Room na ito, kaya dali-dali siyang tumakbo sa O.R.




Ngayon nga ay nasa labas siya, hinihintay ang resulta kung kumusta ang sinagawang operasyon? Wala pa siyang nakakausap na kahit na sinong Doctor dahil natataranta ang lahat.



“What happened, Mon?” ang tanging tanong niya sa sarili.



Kasama niya lang ito kagabi. Bakit ngayon nakikipaglaban na ito sa buhay at kamatayan? Mas pinili na lang niyang umupo dahil ramdam niyang hindi na siya kakayanin ng kanyang tuhod, nanginginig iyon at nanghihina na siya.  Nagtext si Monjour kung nasaan siya, nireplyan naman niya agad at ilang sandali lang ay nakita niya na itong papalapit sa pwesto niya.



“Ano nang nangyari, Joss?” tanong nito sa kanya ng tuluyang nakalapit.



"Wala pa din po akong balita kuya. Nang dumating ako dito ay abala na ang lahat at wala nang may gustong kausapin ako mukhang grabi yata ang aksidenteng natamo ni Monjover," malungkot niyang wika.  "Paano niyo nalaman ang aksidente?" tanong niya rito.



“I really don’t know, Joss. Basta may tumawag na lang sa'kin at ibinalita ang masamang nangyari sa kapatid ko. According to PO1 Santos, ang unang nagrescue sa kaniya at siyang tumawag sa'kin ay malala daw ang pinsala ng aksidente but don’t worry dahil gagawin ko ang lahat mailigatas lang si Jover,” paliwanag nito. 



Alam niyang nagpipigil lang din ito ng totoong nararamdaman. Ngunit halata din dito na sobrang nag-aalala na ito sa bunso ng pamilya. Mayamaya lang ay nagdatingan na din ang pamilya ng dating asawa. Agad siyang niyakap ng kaniyang dating beyanang babae.




"Joss, what happen to Jover," tanong ng mama ni Monjover. Namamaga ang mga mata nito sa kakaiyak.




"Wala pa po kaming balita ni Kuya Jour, pero huwag na po kayong mag-alala magiging maayos din po ang lahat, tahan na." niyakap niya si Mrs. Maniquis upang pawiin ang labis nitong pag-aalala para sa bunsong anak. 



"Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sa bunsong anak ko, Joss," humahaguhol na naman ito sa bisig niya.



"Wala pong mangyayaring masama sa kaniya ma," wika naman niya habang marahang hinahagud ang likuran nito.



"Tahan na Ma," saway naman ng tatlong lalaki. Ang Papa nila, si Monjour at si Monico Jr.



    F L O R D E L U N A

Mission Not-So Accomplished!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon