Tatlong araw lang silang nanatili sa Cagayan De Oro at umuwi rin naman sila agad, ngayon nga ay nasa opisina na naman silang lahat.
"Good morning, Gina," masayang bati niya sa Sekretarya ni Monjover, ngunit tango lang ang sagot nito. Mainit talaga ang dugo nito sa kanya. Kaysa intindihin pa ito ay pumasok nalang siya sa loob ng magulat dahil may nakapatong na naman na malaking boquet ng bulaklak sa kanyang mesa.
"Sino ba ang nagpapadala sa'kin ng bulaklak?" bulong niya, saka naman may nagsalita sa kanyang likuran.
"Bakit di mo alamin?" pormal na sambit ni Monjover na kanina pa pala nakatayo sa kanyang likuran nang hindi man lang niya namamalayan.
"Ay! Kabayong tikbalang!" gulat niyang sambit. Muntik pang mahulog ang puso niya. "Hindi ka man lang nag-warning knock?" sambit niya.
"Bakit naman ako mag-wawarning knock?" anito tsaka deri-deritsong naglakad patungo sa sariling mesa.
Kahapon lang ay nasa good mood ang lalaki. Pero bakit ngayon ay mukhang sa maling dako ng kama ito nagising?
Naglakad na lang din siya palapit sa sariling mesa at binuhat ang bulaklak, hinanap niya ang note at dismayadong bumuntong hininga sa nakitang isang malaking smiley face lang ang nakalagay. Ipinatong niya ito sa kabilang mesa at magsisimula na lamang siyang magtrabaho. Ilalagay nalang niya ang mga bulaklak sa altar mamaya kapag nakauwi na."Kaneno galing?"
Hindi niya alam kung ilang kape ba ang nalaklak niya ngayong araw at bakit napaka-magugulatin niya. Para naman kasi itong multong bigla-bigla na lang sumusulpot sa tabi niya dahil hindi man lang niya namamalayan na nasa tapat na niya ito.
"Walang nakalagay eh." Kanino ba kasi galing ang mga bulaklak? Halata naman na hindi iyon galing kay Monjover, kasi kung dito nga bakit nagtatanong pa ito at bakit mukhang kulang na lang ay pira-pirasuhin nito ang bulaklak.
"May gagawin ka ba mamaya?" pag-iiba nito sa usapan.
"W-wala naman, bakit?"
"Yayayain sana kitang kumain sa labas."
Nag-yayaya ba ito ng date? Pero bakit hindi naman ganun ang tono ng boses nito, na para bang nag-aya lang itong tumambay sila sa rooftop ng building at magpahangin saglit sabay yosi-yosi, ganern! Pero hindi naman siya nag-yoyosi. Kung makaaya kasi ito ay para bang tropa lang silang dalawa.
"Ahh, bakit?" hindi niya man gustong isa-tinig ang bakit na iyon ay huli na para bawiin.
Ang daming tanong sa isipan niya, hindi naman sila naging okay kahit na nung nasa Cagayan De Oro sila'y normal lang ang pansinan nila kahit na magkasama sila ng tinutulugan dahil sa sofa ito nakahiga habang nasa kama naman siya. Nag-uusap lang sila kapag tungkol sa project, hanggang doon lang. Hindi nga lang niya ito natanong noon kung kumusta na ang buhay at pag-ibig nito. Pero sa kanilang dalawa'y alam niyang hindi pa din sila maayos. Baka pag-uusapan na nila ang annulment kaya siya niyaya nito.
"Ahh... S-sige. Total wala naman si Rio, kasi may inaasikaso sa antipolo branch ng kompanya kaya okay lang," agap niyang nabigkas. Hindi niya alam bakit kailangan pa niyang isali si Rio sa usapan nila. Ano naman ang pakialam ni Rio kung mag-usap sila hindi naman niya ito nobyo. "Ginagawa mo'ng panangga si Rio, girl?" entra naman ng kontrabida niyang isipan.
Sa nakikita niyang reaksyon ni Monjover nitong nakaraang araw ay masaya ang lalaki at alam niyang may dahilan iyon, lalo na kapag nakakapit tuko sa kanya ang malandutay nitong sekretarya. Sa mga usapang naririnig niya mula dito at sa mga kasamahan nila ay mukhang ito na nga ang kinikilalang girlfriend ng VP para sa lahat dahil daw sa sweetness at lambingan ng dalawa. Pero ano naman ang pakialam niya sa love story ng dalawa?
Bahagyang nagsalubong ang kilay nito pero agad din iyong nawaglit tsaka nagsalita. "Sige, susunduin kita sa bahay niyo mamayang eight," anito at bumalik na agad sa mesa at prenteng naupo.
Ang hinang gumana ng utak niya ngayon at hindi niya alam kung bakit? Bakit nga ba? Dahil ba sa presesya ng dating asawa. Hindi niya alam kung anong meron at para itong sirang makina na ang bagal umikot. "Ha! Bakit sa bahay pa?"
"Para maipagpaalam kita ng maayos kina Mamay at Papay," hindi man lang ito tumitingin sa deriksyon niya habang nagsasalita. Kaya hindi nito nakita ang ngiting gumuhit sa labi niya dahil sa sinabi nito.
"Huh! Hindi ka ba takot na mabugbog ng mga kapatid ko?" tanong niya dahilan upang matigilan ito. "Mga barako ang kuya ko, kaya baka mabugbog sarado ka lang nila," aniya. Sabi na nga ba niya at takot din ito eh, aatras na ito ngayon ng maalala ang mga barako niyang kapatid.
"Bakit naman ako matatakot? Kung bubogbugin nila ako, magpapabugbug ako. Kung 'yon ang dahilan para tanggapin nila ako ulit," wika nito.
Natulala siya sa sinabi nito.nTama ba ang dinig niya? Bakit ganun? Ang hina na nga kumatch-up ng utak niya ngayon, nabibingi pa siya. "A-nong sabi mo?" nais niyang ulitin nito ang sinabi dahil baka nagkamali lang siya ng dinig.
"Wala. Sige na magtrabaho na ulit tayo, basta mamaya susunduin kita sa bahay niyo, ipagpapaalam kita kila Mamay at Papay." Iyon lang at inabala na ulit nito ang buong atensyon sa harapan ng computer.
Napabuntong hininga siya, mula ng umuwi siya ng Pinas galing Japan ay lagi ng nagwawala ang puso niya sa lagayan nito. Lagi siyang kinakabahan at hindi mapakali. Baka magkaroon pa tuloy siya ng heart failure kapag nagtagal pa siya rito. Ang tagal namang matapos ng nine months! Sana bukas paggising niya nasa Japan na ulit siya.
Malakas na buntong hininga ang pinakawalan niya, hindi na kasi siya makahinga dahil pakiramdam niya'y napupuno na ng hangin ang puso niya. Bakit kasi kailangan pang isama ni Monjour si Rio sa Antipolo, wala tuloy siyang makausap at maipanangga kay Monjover. Kainis!
xxFLORDELUNAxx
I love you all guys,
Here's the update.
BINABASA MO ANG
Mission Not-So Accomplished!
General Fictionsᴇʀɪᴇs sᴛᴏʀʏ... ➡️ 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 : 𝟐𝟎𝟏𝟗 Monjover Maniquis ( book one ) R [ 16 ] xxx Dahil sa pagmamahal ni Joshua Madrigal kay Monjover Maniquis, ay labis siyang nasaktan ng malaman ginamit lang pala siya nito noon upang school works nito...