Nag-iinuman sila ngayon dahil selebrasyon daw sa pagdating nila. Hindi naman siya uminom ng marami dahil alam niyang may pasok pa siya bukas ng maaga.
"Hoy! Huwag niyong lalasingin si Rio, alam niyo naman na unang araw nang pasok namin bukas."
Naihanda narin naman niya ang lahat ng dapat niyang ihanda upang hindi na sila mataranta pa bukas.
"Oo naman, bunso. Alalay lang 'tong inum ni Rio." Tinapik pa ni Claire ang braso ni Rio.
Alam niyang medyo naiilang kunti ang lalaki sa mga kapatid niya ngunit bilib din siya sa pakisama nito, natural na mabait ito katulad ng ama nitong si Mr. Furukawa.
"Maiba nga pala tayo, kumusta ang pagkikita niyo ni dating bayaw, Josh?" biglang tanong naman ni JM dahilan upang matigilan siya.
"Ayos lang naman, bakit?"
"Noong nagkita ba kayo, wala bang tumunog na 'muling ibalik'?" singit naman ng kanyang loko-lokong kapatid na si Claire at mukhang kinikilig pa.
Hindi niya makita ang point ng sinasabi nitong muling ibalik? Bakit naman may tutunog na gano'n? Nanlaki ang mata niya ng biglang kumanta ang mga kuya niya.
Muling ibalik
Ang tamis ng pag-ibig.
Muling pagbigyan ang pusong nagmamahal!
Muling ibalik—
"Ang o.a grabii!" nakaismid niyang sambit.
Kahit may mga asawa na ang mga ito ay mga loko-loko parin. Ngunit kahit gano'n ay nakita niya ang pag-pupursige na mabuhay ang sariling pamilya at 'yan ang hindi niya nakita noong mga binata pa ang mga Kuya niya, kaya naman sobrang natutuwa siya ngayon sa mga ito.
"Alam mo bunso, pwede kaya 'yon. Slow motion ang ganap," wika ni Claire na parang nangangarap.
"Nagtagpo ang inyong mga mata," segunda naman ni Jake habang ina-akto naman ni JM at Calvin ang tagpong binabanggit ni Jake.
Hindi niya na kailangan pang hulaan, dahil alam na niya kung sino ang babae sa dalawa-- si Calvin na iyon!
"Tinatanong sa sarili kung anong nagyari, kung bakit kayo humantong sa ganito. Sabay yakap."
Halos mandiri siya sa nakitang yakapan ng dalawa niyang Kuya.
"…Nagkamustahan!"
Naghiwalay naman ang dalawa at nag-shake hands.
"…Nagkatitigan ulit! Habang dahan-dahang nagkalapit ang mukha, nagkalapit pa ulit, malapit na malapit, sobrang lapit at—" saka sabay-sabay na nagkantahan nang MULING IBALIK.
"Letche! Ang daming alam," natatawa niyang sambit.
"Bakit? Walang gano'n na tagpo?" takang tanong ni JM.
"W-wala 'no! Hanep din ang mga imahinasyon niyo ah, Bravooh! Ahaha," tawa siya ng tawa habang pumapalakpak. "Matutulog na ako, ang gulo niyo kausap," aniya atsaka ngali-ngaling tumayo. Mas maigi na iyong takasan niya ang mga ito para iwas intriga.
"Oh! Rio, maaga pa tayo bukas kaya halika na matulog na tayo," aya niya sa kanina pa nakikitawang si Rio dahil sa mga kagaguhan ng mga kapatid.
BINABASA MO ANG
Mission Not-So Accomplished!
Художественная прозаsᴇʀɪᴇs sᴛᴏʀʏ... ➡️ 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 : 𝟐𝟎𝟏𝟗 Monjover Maniquis ( book one ) R [ 16 ] xxx Dahil sa pagmamahal ni Joshua Madrigal kay Monjover Maniquis, ay labis siyang nasaktan ng malaman ginamit lang pala siya nito noon upang school works nito...