"FIVE"

2.7K 29 0
                                    

Hindi na siya magtataka kung bakit ito successful sa larangan ng business world, dahil sa pagkatuso nito sa lahat ng bagay. Hindi naman niya ito masisisi kung masyado itong maagang namulat sa gano'ng trabaho dahil ito ang panganay.

Nais niyang sakalin ang kapatid hanggang sa mawalan ito ng hininga, nanggigigil siya sa paraan ng pagtingin nito na para bang kahit anong gawin niya’y wala naman siyang pagpipilian dahil sa kahit saang lusot ay siya ang talo at ito ang mananalo.

“You work! Then you’ll going to have a good salary at magkakaroon kana ng sariling pera na hindi kailangang humingi pa sa asawa mo. Is it a bright idea lil’ bro?”

May nakaguhit na ngiti sa labi nitong tukso sa kanya. Isang ngiting tagumpay na lalo niyang ikinainis.
Nagtutunugan na ang mga bagang niya sa sobrang inis na nararamdaman sa sariling kapatid. Alam niyang plinano na nito ang lahat noon pa kung paano siya mapapabagsak sa mga kamay nito. At aminado siyang nagtagumpay ito at siya ang lubos-lubos na natatalo daig pa niya ang nasunogan ng fishpond at ito naman ang nanalo sa lotto.

“Fuck you!!”

“Thank you.” Mas lalong lumapad ang ngiti nito.

Pagalit siyang tumayo at padabog na naglakad palabas sa opisina nito at balibag na isinara ang pintuan, umuga ang buong opisina sa ginawa niya ngunit wala na siyang pakialam. Kung pwede lang niyang paguhuin ang buong building ay ginawa na niya kanena pa dahil sa sobrang galit na nararamdaman. Galit na galit siya sa ginawa nitong corner sa kalayaan niya at alam niyang kahit isumbong niya pa ito sa Papa nila’y wala din siyang mapapala dahil mas kakampihan ito ng Papa nila kesa sa iminamaktol niya.
Inis na pinaharurot niya ng takbo ang kanyang sasakyan.

Alas nuwebe na siya ng gabi umuwi sa bahay nila ni Monjover. Madilim parin ang loob ng bahay na indikasyon na wala parin tao sa loob. Sinilip niya ang kotse ng asawa sa garahe at wala parin ito. Anong oras na’y wala parin ito saan na naman kaya ito pumunta.

Mula ng ikinasal sila’y hindi naman ito nagtrabaho dahil sinu-suportahan naman ito ng pamilya, 'yon ang ikinabubuhay nilang dalawa at siya naman ay nagtitinda ng RTW sa online upang may matawag na sariling pera sobra na siyang nahihiya sa pamilya ng asawa dahil silang dalawa ang sinu-sustentuhan. Kahit makiusap siya dito na magtrabaho upang hindi na sila umasa sa pera ng pamilya nito’y hindi siya pinapakinggan nito sa halip ay sinasabihan pa siya;

“Nahihiya kapa? Alam ko naman na wala ka no'n kaya pwede ba, huwag ka ngang magkunware.”

Ang laging sinasabi nito kapag napag-uusapan nila ang bagay na iyon. Ngunit hindi niya lubos maisip kung bakit wala ito lagi sa bahay. Maaga itong umaalis na para bang may pinapasukang trabaho at umaga na ito kung umuwi.

Napabuntong hininga siya. Hindi niya alam kung hanggang kailan siya paparusahan ni Monjover sa kasalanan niya. Nagpasya siyang maglinis muna ng katawan bago matulog. Total naman ay kumain na siya sa bahay nila bago umalis. Nababagot na siya sa bahay nila saan na naman kaya siya pupunta bukas, hindi naman pwedeng sa bahay nila ulit dahil baka makahalata na ang pamilya niya sa nangyayari sa pagitan nilang mag-asawa kung inaraw-araw niya ang pagbisita sa bahay nila.

“Hay! Life,” aniya saka pumanhik sa sariling kwarto. Hanggang kailan ang kalbaryo niyang ito! “Pinili mo ‘to eh! Malandi ka kasi,” anang kontrabida niyang isip.

Nagmahal lang naman siya kaso malay ba niyang gano'n ang kahihinatnan ng pagmamahal niya.

Ewan! Makaligo na nga para makatulog.

----

“I’m sorry, babe. Hindi kasi ako free niyan dahil may kailangan akong gawin sa opisina.”

Hindi naman siya nakiki-chismis ngunit hindi niya sinasadyang marinig ang usapan ng asawa at ng babaeng tinatawag nitong Babe sa kabilang linya.

“Okay. Puntahan nalang kita sa bahay mo. Okay. I love you. Bye!” anito saka humakbang patungo sa labas.

Hindi niya alam kung ano ang meron at nakabihis ang asawa na para bang papasok talaga sa opisina.

“Saan ka pupunta?”

Hindi niya natiis at nagtanong na siya. Umakto pa itong tila nagulat sa presensiya niya.

“Nakakagulat ka naman!”

“Ayy! Sorry. Hindi ko sinasadyang gulatin ka.”

“Ayos lang, total gising kana rin naman baka pwedeng ipaghanda mo naman ako ng makakain dahil simula ngayon papasok na ako sa trabaho. Pinapapasok kasi ako ng Kuya Monjour.” Biglang nalukot ang mukha nito ng banggitin ang kapatid.

“Himala!” wala sa sariling sambit niya.

“Anong himala?” salubong ang kilay nitong sambit.

“Ahh! Ha? W-wala 'yon. Sige maghahanda na ako,” aniya.

Bakit naman niya nasabi ang bagay na iyon. Baka magalit na naman ito sa kanya.
Nagmadali siyang maghanda ng makakain ng asawa.
Anong nangyari at napapayag ito ng Kuya Monjour na pumasok na sa opisina sa wakas. Bigla siyang napaisip kung ano kaya ang naging kapalit para mapapayag ang matigas ulo na bunso nitong kapatid. Hindi siya maniniwala kung walang kapalit ang pagpasok nito sa trabaho. Napatingin siya sa asawang ngayon ay may kausap ulit sa cellphone. Napabuntong hininga nalang siya, mabuti pa ang mga babaeng tinatawagan nito dahil alam nila ang numero ng kanyang asawa. Samantalang siya na asawa’y hindi niya alam kung ano ang CP number nito.

Mabuti pa ang isang Slave Woman dahil binibigyan pa ng pansin ng lalaki. Ngunit siya kahit kunting pansin ay hindi nito magawa sa kanya. Napapansin lang siya nito kapag may kailangan ito sa kanya katulad nitong kailangan nito ng maghahanda sa pagkain nito at kapag umiinit ang katawan nito’y do'n lang siya naaalala ng lalaking nag-eexist pala siya sa mundo.

“Naka-handa na ang almusal mo, Mon. Maaari kanang kumain,” nakangiti niyang sambit.

Tinanguan lang siya nito at agad din ibinalik ang buong atensyon sa kausap. Kaya naman imbes na pakinggan pa ang sweet na usapan nito at ng babae sa kabilang linya ay napag-desisyonan niyang magwalis sa bakuran at magdilig ng mga halaman. Wala siyang naisip na pupuntahan ngayong araw kaya kesa mag-gala ay mananatili nalang siya sa bahay. 

-Flor de Luna

Mission Not-So Accomplished!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon