"SEVEN"

2.5K 29 0
                                    

Kinabukasan

Hindi na niya alam kung anong oras na siyang nakatulog kagabi sa kakahintay kung kailan uuwi ang bisita ng asawa.

Nagbakasali siyang kumatok sa kwarto nito. "Mon," tawag niya habang kumakatok.

Nakailang katok muna siya saka nito pinagbuksan ang pinto. “Maaari ba tayong mag-usap?” kagigising lang nito dahil ang gulo pa ng buhok at hindi pa nito halos maibuka  ang mga mata.

He was half naked! Kaya biglang nanuyo ang lalamunan niya. Alam niyang wala na ang bisita nito dahil wala na sa garahe ang pink na kotse.

"Ano ba ang dapat natin pag-usapan?" sinuklay ng sariling kamay nito ang buhok saka tumingin sa kanya, na para bang slow motion at sa simpleng galaw nito ay napaka-sexy nitong tignan. Sumasabay sa bawat galaw nito ang muscle na kahit bagong gising ay napaka-hot parin tignan.

Ipinilig niya ang kanyang ulo, upang alisin sa isipan ang masasamang naiisip. Hindi siya dapat magpadala sa ka-machohan ng kanyang asawa, dahil marami siyang nais sabihin dito. Kahit na ba nag-iinit na naman ang pakiramdam niya.

“Magbihis ka muna at hihintayin kita sa baba, mag-uusap tayo!” aniya saka tumalikod.

Isang malakas na bagsak ng pinto ang narinig niya. Nairita na naman ba ito sa kanya dahil ginising niya ito? Malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya at tuluyang bumaba.

Ilang minuto din ang hinintay niya bago ito bumaba, ngayon ay bagong paligo na ang itshura nito. Kung kanenang nakita niya itong bagong gising ay naaakit na siya, lalo na ngayong presko na ito, daig pa niya sinilaban.

He was wearing a maong short na pinaresan nito ng V-neck na kulay puti, but his simpleness didn't mean that he is lack of appeal. Dahil kahit saang anggulo ito tignan ay nag-uumapaw ang appeal nito.

Agad itong umupo sa bakanteng upuan. "Ano ba ang kailangan nating pag-usapan?" bagot na bagot nitong tanong. 

Tumikhim muna siya bago nagsalita. Sa uri ng tingin nito sa kanya ay nais na niyang umurong at huwag ituloy ang nais sabihin. Ngunit hindi maaring hindi niya sabihin ang mga bagay na sobra na nitong ginagawa.

Nagtanggal muna siya ng bara sa lalamunan bago nagsalita.
“Hanggang kailan mo ba balak magdala ng babae sa pamamahay na ito, Mon?” Nakita naman niya kung paano ito natigilan sa sinabi niya. “Kailan mo ba balak na itigil ang mga ginagawa mo sa'kin?” patuloy niya.

“Bakit sawa kana? Bukas ang pinto malaya kang makakaalis kung gusto mo."

Nasasaktan siya sa sinasabi nito. Kapag nagrereklamo siya'y gano'n lagi ang natatanggap niyang sagot.

"Nasasaktan din ako, Mon. Hindi naman ako robot. Hindi din ako manhid para hindi makaramdam ng insecurities, tapos ang turing pa ng mga babaeng dinadala mo dito sa'kin ay isang katulong! Ano ba ang dapat kong maramdaman?"

Sinikap niyang huwag umiyak sa harapan nito. Hindi ito ang tamang oras para umiyak siya, atsaka wala na siyang mailuha. Kahit kailan hindi man lang nito inisip ang nararamdaman niya. Bakit ba napakahirap para dito ang mahalin siya. Sobrang hirap ba niyang mahalin? Kahit huwag nalang siyang mahalin nito, kahit i-respeto nalang siya nito kahit hindi bilang asawa, kundi bilang babae.

"Kung hindi mo na kaya, Joss. You are free to leave. Hindi kita pipigilan, wala akong balak pigilan ka. So don't act as if ino-obliga kitang mag stay sa tabi ko. 'Coz you know it in yourself, that I don't care if one day you will walk away."

Kailan ba siya magsasawa sa mga pananakit nito? Kailan ba siya susuko? Humihinga siya ngunit pakiramdam niya ay patay na ang puso niya.

"I know," ang tangi niyang nasabi.


----


“Buti kapa masaya ang buhay may asawa, Kim.”

Nasa Centrio Ayala Mall Makati sila ngayon ng bestfriend niyang si Kimberly.
Niyaya siya nitong mamasyal at hindi naman niya tinanggihan dahil kung mananatili siya sa bahay nila’y baka matuluyan na ang utak niya.

“Oo naman, Joss. Kasi pareho naming mahal ni Alfonso ang isa’t-isa kaya naman masaya kami at parehong walang pinagsisihan. Lalo na ngayong magkakaanak na kami.” Sabay himas nito sa malaking tiyan.

Limang buwan na itong buntis. May parte ng sarili niya ang naiingit sa kaibigan dahil makikita nadin nito sa wakas ang sariling lahi at masaya pa ang buhay nito may asawa nito, hindi kagaya niyang miserable.

Naalala niya ang namatay na anak. Kung nabuhay kaya ito at kung inalagaan niya ito sa kanyang sinapupunan? Ilang taon na sana ito ngayon.


Malungkot siyang napangiti sa naalala. Hindi siguro talaga iyon para sa kanya. Dahil kung nagkataon ay makikita pa ng anak ang paghihirap niya sa Daddy nito, kaya nga ayaw na niya ulit mabuntis sa pagkakataong ito dahil baka maulit na naman ang nangyari noon. Kaya kahit ano-anong pills ang iniinum niya upang huwag lamang mabuntis ulit. Kawawa lang siya at ang magiging anak. Ayaw niyang masaksihan nito ang ginagawang pananakit ng ama. Tama na 'yong siya nalang ang nahihirapan, may plano nga siguro si God kaya maaga niyang kinuha ang batang ipinagbubuntis niya noon. Dahil ito lang din naman ang mararanasan niya sa piling ng ama nito.

“Kaya nga eh, buti kapa,” aniya sabay buntong hininga ng malalim.

“Hindi padin ba kayo magkasundo ni Monjover hanggang ngayon? Diba dalawang taon nadin naman kayong kasal?” tumango siya, hindi na niya kailangan pang sagutin ang tanong nito ang ibinabadya palang ng mukha niya ay naroroon na ang lahat ng sagot.

“Masaya ka parin ba?”

Napatitig siya sa mga mata ng kaibigan ng tanungin siya nito ng gano'n.  Kung tatanongin niya ang sarili kung masaya padin ba siya’y hindi niya na alam ang isasagot. Dahil sa sampong masayang alaala niya sa asawa ay meron ding isang daan na sakit ang ibinibigay nito sa kanya, kaya hindi na niya alam ang sagot.

“Sa totoo lang, Kim. H-hindi ko na alam kung masaya padin ba ako. Simula’t sapol wala naman siyang ginawa kundi ang saktan ako ng saktan at wala din akong ibang isinusukli sa kanya kundi ang mahalin siya ng mahalin. Nagbulag-bulagan ako may pagkakataon pa nga na sarili ko na mismo ang sinisisi ko sa mga nangyayare. Sarili ko ang sinisisi ko kung bakit niya ako sinasaktan ng ganito. Akala ko may katapusan ang lahat ng sakit na ibinibigay niya sa'kin. 'Yong mga preso nga may parol eh kapag nagpakabait lang sa loob ng kulungan. Bakit ako? Bakit pakiramdam ko wala akong kalayaan sa mga parusa niya. Bakit wala akong parol sa kasalanang nagawa ko sa kanya.”

Hindi na niya napigilan ang pagpatak ng luha. Inilabas na niya sa kaibigan ang lahat ng sama ng loob sa asawa.

“Ilabas mo lang yan, Joss.” Niyakap siya ng kaibagan habang iyak siya ng iyak sa balikat nito. “Pasensya kana kung hanggang dito lang ang kaya kong ibigay sayo. Huwag mong itago yan mabigat yan sa puso.”

Tama nga ang kaibigan.
Siguro ito ang kailangan niya upang gumaan ang pakiramdam. Ang tagal na panahon niyang sinolo ang problema, ngayon lang niya nalaman na masarap palang umiyak sa harap ng kaibigan.

Mission Not-So Accomplished!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon