"SIXTEEN"

2.5K 44 0
                                    

"Bakit ka ba napadpad dito? Buti hindi ka naligaw."

Sinasamahan siya nito sa kusina habang nagluluto, halatang naiilang ito sa mga kapatid niya kaya nakadikit ito sa kanya na parang tuko.

"Nagtanong-tanong ako."

"Dapat hindi kana nag-abala pa, kaya ko naman umuwi mag-isa," aniya ngunit hindi na siya nito sinagot.


Kaya walang magawang ipinagpatuloy niya ang ginagawa ng tahimik, halata naman na ayaw siya nitong kausap, wala lamang talaga itong choice. Nang matapos na ang lahat ng dapat gawin ay inihanda na nila ang mesa saka niya inaya ang lahat. 


"Mabuti naman Monjover at nagawi ka dito," nakangiting sambit ng Papay niya.

"Susunduin ko lang po talaga dapat si Joshua, kasi baka po mahirapan siyang sumakay pauwi," magalang nitong sambit.


Kung nagkataon lang sigurong iba ang sitwasyon nila ngayon ay baka nag-blush na siya at kinilig. Ngunit sa sinabi nito ay hindi man lang siya nakaramdam ng saya, dahil alam naman niya ang totoong dahilan kung bakit siya nito sinusundo. Siguro ay may dadating itong bisita at kailangan na niyang linisin ng bonga ang bahay nito.


"Mabuti naman kung gano'n. Kumain ka ng marami Monjover, masarap kaming magluto na magpapamilya," pagmamalaking sambit ni Claire na agad naman tinanguan ng lahat maliban sa kanya.


"Kumain na tayong lahat at magpa-party tayo pagkatapos para mag-celebrate," masayang sambit ni Jake.


Alam niyang may inuman na naman na magaganap. "Haist!" napabuntong hininga nalang siya. Wala siyang magawa, hindi niya maaring itaboy ang asawa, baka magduda pa ang pamilya niya.



Hindi naman masyadong umiinom si Monjover dahil hindi siya sanay sa alak na nasa mesa, sanay siya sa mga branded na whisky at hindi pa niya nasusubukan ang lasa ng Emperador Lights.

"Pasensya kana bayaw, hindi kasi kami umiinom ng mamahaling alak.  Nanghihinayang kasi kami sa mahal na alak tapos parehong amats lang naman." Kausap sa kanya ni Jake.


"Okay lang 'yon kuya," alanganin niyang ngiti.


Iniisip niya kung saang dictionary niya ba hahanapin ang salitang binigkas nito, ang 'amats'. Masarap din naman palang kasama ang mga kapatid ni Joshua, panay tawa lang at likas na masiyahin ang mga ito. Ang kinamamangha niya ay pantay lamang ang turingan ng lahat, para lamang  magkakapatid ang mga ito pati ang mamay at papay nila dahil  kung makipagbiruan ay wagas, medyo malayo sa pamilya niya.

Nagbibiruan din naman sila minsan, pero hindi ganitong animo'y tropa lamang nila ang mga magulang. Baka pinagsasapak na sila ng Papa nilang si Monico Sr. kung tropa-tropa lang ang turingan nila. Napatingin siya sa gawi ni Joshua na ngayon ay katabi ang mga kapatid at sumasali sa tagay ng mga ito. Nakita niya ulit ang Joshua na nakilala niya noong kolehiyo palang sila, ang masayahin at masiglang si Joshua.


Nakikipagbiruan ito sa mga kapatid at malakas na tumatawa, hindi ito tumabi sa kanya mula pa kanenang nagsimula na silang mag-inuman.  Nilalapitan lang siya nito para tanungin kung may alak pa ba siya at pulutan pagkatapos ay muling aalis at tatabi sa mga barako nitong kapatid.


"Bunso, ikaw naman ang kumanta kanena pa kami kumakanta e, napapansin ko nga na parang concert ko talaga 'to." Narinig niyang sambit ni Claire dahilan upang matawa ng malakas ang asawa.

Humahalakhak ito kahit wala namang nakakatawa siguro ay natatamaan narin ito sa alak na iniinum kaya medyo wala na itong pakialam sa paligid. Nakita niyang inabot nito ang mikropono at pumindot ng numero sa remote.

"Sige! Ako na naman ang mambubulabog ah," anito at tumawa ulit. "Hello, hello sound check."


Minsanman mula pa noong koleyeyo pa lamang sila ay hindi niya narinig na kumanta si Joshua, kaya hindi niya alam kung anong tunog ba ang dapat niyang asahan. Kung maganda ba o nambubulabog lang. Sumalang na ang kantang napili nito;  Someday by: Nina  ang nakasulat sa screen ng tv.

 
Someday,
you'll gonna realize
One day,
you'll see this through my eyes.
By then,
I wont even be there,
I'd be happy somewhere
Even if I can't.
I know you don't really see my worth.
You think, you're the last guy on earth.
Will I've got news for you.
I know I'm not that strong.
But it wont take long,
wont take long... 

  
Ramdam na ramdam niya ang bawat ibig sabihin ng lyriko ng kanta, ang bawat hapding sinasabi nito na dinaan lamang sa kanta. Alam niyang kanta nito iyon para sa kanya. 

'Coz someday
Someone's gonna love me.
The way I won't need you to need me.
Someday,
Someone's gotta take your place, Oooh!
One day,
I'll forget about you.
You'll see I wont even miss you,
Someday, Someday.  

 
Nakikita niya ang sakit na dumadaan sa mga mata nito habang kinakanta ang 'Someday' nais niyang mainis sa sarili. Paano nga kung bukas may lalaking handang magmahal dito ng buo, kaya niya bang makita itong masaya sa piling ng iba? Mga bagay na ni minsan ay hindi niya nagawa dito. 


Right now,
I know you can tell.
I'm down & I'm not doin' well.
But one day this tears, they will all run dry.
I won't have to cry.
Sweet goodbye..
I know someone's gonna be there...

 
Malungkot na nagpalakpakan ang mga kapatid nito ng matapos ang kanta. Gaya ng ibig sabihin ng kanta ay gano'n din ang reaksiyon ng mga ito.

"Wala ka pa din talagang kupas kapatid," proud na sambit ni Jake rito.

"Salamat, salamat huwag ninyong kalimutan sa darating na eleksiyon JOSHUA MADRIGAL." Nakukuha padin nitong magbiro sa kabila ng malungkot nitong kanta kane-kanena lang.

  -Flordeluna

Hmm… nga pala, ccto: sa kanta hehe. Sana ma-enjoy niyo mga vaaakkkllllaaa!

Mission Not-So Accomplished!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon