TRENTA 'y OTSO

2.5K 32 4
                                    

Nang tuluyan ng maisara ang pintuan ay iniharap siya agad ni Monjover sa gawi nito upang magkatitigan silang dalawa.



"Pasensiya ka na kay Monico, alam mo naman ang kagaguhan ng kapatid kung 'yun," nakangiting wika nito na agad naman niyang tinanguan.




Matagal na niyang kilala ang pasaway na si Monico at sanay na siya sa ugali nito. Wala sa loob na napangiti siya sa mga ganap na biglang naglaro sa kaniyang isipan dahil kay Monico. Muntik naman siyamg mapatalon sa gulat ng biglang tumikhim si Monjover.




"Anong iniisip mo bakit napapangiti ka?" tanong nito.



"Ahh- w-wala. May mga naaalala lang ako," maiksi niyang sagot.



"Natakot ka ba talaga nung akala mo hindi na ako magigising pa?" muling tanong nito. 




Nalungkot tuloy siya ulit dahil sa tanong nito. Biglang nagdagsaan ang halo-halong emosyon sa kaniyang isipan. Lalo na nung unang araw niyang nakita ang lalaking walang malay na nakahiga sa kama at ang daming aparatong nakakabit sa katawan. Ilang araw siyang nagsisimba, halos araw-araw nga ay dumadaan siya sa simbahan upang hilingin na sana gumising na ito at huwag silang iwanan ng lalaki. Masyado pang bata si Monjover para kunin agad ni San Pedro. 




"Sorry. Sorry kung tinakot kita, Joss. Sorry sa lahat ng maling ginawa ko. Sana may puwang pa din ako d'yan sa puso mo, sa kabila nang lahat ng mga pananakit ko sa'yo noon," madamdamin nitong wika.





Muli ay pakiramdam niya natatabunan na naman ng luha niya ang kaniyang lalamunan. Gusto niyang magsalita pero hindi niya magawa. Baka kasi pagbuka pa lang niya sa bibig ay bigla na lang siyang humagulhol ng iyak.





"Patawarin mo ako. Pangako kung tatanggapin mo ako ulit babawi ako. Babawi ako sa lahat ng ginawa kong mali noon," nagsusumamong wika ni Monjover habang hawak-hawak ang kamay niya at panay ang halik niyon. "Alam kong hindi sapat ang paghingi ko ng kapatawaran, Joss, sa lahat ng maling ginawa ko sa'yo. Alam kong wala akong karapatan para humingi ng pangalawang pagkakataon. Masyado kitang sinaktan noon kaya wala akong karapatan para magmakaawa ngayon. Pero kapag nawala ka pa ulit sa'kin ngayon ay hinding-hindi ko na kakayanin," humihikbing wika ni Monjover.





"Matagal na kitang napatawad Mon," mahina niyang sambit. "Sa simula pa lang alam ko naman na ako ang nagkamali dahil pinikot kita at pinagsisihan ko ang bagay na iyon dahil naging selfish ako at nagpadala sa sobrang pagmamahal ko sa'yo na may kasamang galit. Simula pa lang ako naman talaga ang may kasalanan kung bakit ako nalagay sa ganung sitwasyon, kaya hindi kita masisisi kung ginawa mo sa'kin ang bagay na iyon. Pero patawarin mo rin ako dahil napagod ako," hindi na niya napigilan ang pag-agos ng mga luhang kanina pa nagbabadyang umagos sa kaniyang pisngi. "Napagod akong mahalin ka kaya ako sumuko. Sa panahon na nawala ka sa piling ko akala ko tuluyan na akong nakalaya sayo. Naisip ko wala nang papatay sa puso kasi wala ka na. Dahil ikaw lang naman ang may kakayahang patayin ang puso ko. Natakot akong bumalik. Natakot akong bumalik sa buhay mo dahil takot na ulit akong maramdaman ang sakit na para akong pinapatay ng sobra.  Ngunit mas natakot ako nung nalaman kong nadisgrasiya ka. Nung akala ko'y iiwanan mo na ako ng tuluyan. Mas nakakatakot pala—" hindi na niya kayang magsalita dahil sa pagsinok.






Ang tagal na niyang hindi nakakaiyak ng sobra. Bakit ba kapag napapalapit siya kay Monjover ay nagiging iyakin siya? Kailan ba mauubos ang luha niya? Nakakapagod umiyak habang nagsasalita. Ang hirap bigkasin ng bawat salita kapag umaagos ang luha.





"Ssshhh," hinapit ni Monjover ang kaniyang ulo upang ilagay sa dibdib nito kung saan naka-pwesto ang puso ng lalaki.




"Natakot akong baka iwanan mo na ako ng tuluyan. Natakot ako na baka hindi ko na masabi sa'yong mahal kita. Mahal na mahal pa din kita at walang ibang minahal ang puso ko mula noon hanggang ngayon kundi ikaw lang. Natakot ako na baka wala na akong chance sabihin sa'yo ang bagay na iyon," pag-amin niya. Kung hindi niya aaminin ang totoong nararamdaman niya, baka mahuli na ang lahat. You will never know what tommorrow brings. Baka ngayon nakakausap niya pa ang lalaki, hindi niya alam kung bukas ganun pa rin ba? Kaya hangga't naririnig pa nito ang gusto niyang sabihin ay sasabihin na niya lahat.





"Natakot din ako na baka hindi ko na masabi sa'yong sobrang mahal kita, Joss," wika ni Monjover.





Nahinto ang pag-iyak ni Joshua dahil sa labis na pagkabigla. Tama ba ang rinig niya? Sinabi banni Monjover na mahal siya nito? O kathang isip lang niya ang lahat? Ayos lang naman sa kanya kahit hindi siya mahalin nito, matagal na niyang tanggap ang bagay na iyon.





"Natakot din ako dahil akala ko hindi na ako magkakaroon ulit ng pagkakataong sabihin sa'yong mahal na mahal kita. Sobrang mahal na mahal kita, Joss. Mula noong kolehiyo pa lang tayo kahit noong panahon na pinapahirapan kita at hanggang ngayong umiiyak ka sa harapan ko. Hindi nawala ang pagmamahal ko sa'yo yam," muling wika ni Monjover.




Biglang umurong ang luha niya sa endearment na binigkas nito. Alam ba talaga ni Monjover na siya ang kausap nito? O baka natutulog pa rin ito hanggang ngayon? Sino si 'yam'? Bakit naisingit nito ang endearment na iyon?  Nagsisimula na sana siyang umasa na mahal nga siya ng lalaki tapos bigla-bigla niyang maririnig ang 'yam' na iyan? Nakakainis ng slight!




"A-anong sinabi mo?" nais niyang klaruhin nito ang sitwasyon. Sino si 'yam'?



xxflordelunaxx

May mga nagbabasa pa rin ba ng kwentong ito?
Pasensiya na kayo ah. Ngayon ko lang na-update hehe

Thank you 💜

Mission Not-So Accomplished!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon