"EIGHT"

2.4K 27 0
                                    

“Magbihis ka dahil may pupuntahan tayo.”

Abala siya sa paglalaba ng biglang dumating ang asawa at pinagbibihis siya.

“B-bakit? Saan tayo pupunta?”

“Basta huwag kanang marameng tanong,” anito.

“K-kaso may nilalabhan pa ako.” Hindi niya ma-iwan ang labahan.

“Taposin mo 'yan mamaya,” anito. “Utang na loob umakyat kana at magbihis. Iyong pormal na damit.” Taboy nito sa kanya kaya naman nagmadali na siyang umakyat.

May pormal ba siyang damit? Tinignan niya ang kanyang damitan. Ngunit lahat ng damit niyang puro pantalon at t-shirts lang dahil hindi naman siya mahilig magpalda at magsuot ng magagandang damit. Wala din siyang kahilig-hilig sa ganoong bagay.

Napalingon siya sa may pintuan, hindi niya alam kung saan sila pupunta at bakit kailangan niya pang magsuot ng pormal na damit. Alam naman nitong wala siyang gan'ong klaseng damit. Imbes na mag-reklamo pa ay pumili nalang siya sa mga damitan niya ng magandang t-shirt na hindi naman niya masyadong nagagamit kaya kung titignan ay mukha pa iyong bago.  Pinaresan niya iyon ng bagong bili niyang pantalon. Hindi naman iyon nakakahiya dahil branded naman ang pantalon niyang iyon.
Naglagay siya ng pulbo sa mukha upang hindi naman siya oily tignan at nag lagay din siya ng kunting lipstick upang hindi siya maputla.

Sinilip niya ulit ang mukha sa salamin ng makuntento sa repleksyon nito’y nagpasya na siyang bumaba.

“Tara.” nakangiti niyang sambit.

Sa palagay niya’y maayos naman ang itsura niya. Ngunit iba ang sinasabi ng mukha ng asawa, mukhang hindi ito natuwa sa nakitang ayos niya.

“Bilisan mo at may pupuntahan muna tayo saka tayo tutuloy sa mansiyon,” anito na nagmadali ng lumabas ng bahay.

Lakad takbo ang ginawa niya upang makahabol sa mabilis nitong lakad.

“Pumasok kana,” anito na agad ng sumakay sa passengers seat.

Kahit kailan talaga ay hindi ito gentleman pagdating sa kanya.
Samantalang sa ibang babae’y napaka-gentleman nito. Kung makaalalay daig pa isang mamahaling crystal pero pagdating sa kanya— hindi na siya magrereklamo. Wala na siyang iisiping magpapasakit sa utak niya.

“Saan tayo pupunta?” mahina niyang sambit ngunit hindi man lang siya nito inabalang sagotin.

Ilang minuto lang ay nakarating din sila sa pupuntahan nila. “Bilisan mo ang pagbaba may kunting oras lang tayo upang ayusan ka,” anito na agad bumaba at diretsong pumasok sa loob ng  botique.

“Pilian mo nga ng magandang damit ang babaeng ito iyong babagay sa kanya,” utos nito sa isang saleslady atsaka kampanteng naupo sa sofa ng store.

"B-bakit? Hindi ba bagay ang suot ko?" reklamo niya. Ngunit hindi na ito nagsalita pang ulit.

“This way Madam,” magalang na sambit sa kanya ng saleslady.

Labag man sa loob ay walang magawang agad siyang sumunod dito upang mapilian na siya  ng magandang damit. 

“Magkano ang halaga ng isang damit dito, Miss?” tanong niya, dahil mukhang mamahalin ang lugar.

Namamahalan na nga siya sa mga branded na damit na kanyang binibili ano pa kaya dito.

“Ito po Madam, nagkakahalaga po ito ng two thousand five hundred and sixty pesos.”

Kulang nalang ay lumabas sa lagayan ang eye ball niya. Grabe! Ang mahal naman ng damit na ito. Kung tutuusin ay hindi naman maganda at napaka-simple lang. Saan ba gawa ang materyales ng damit na ito at sobrang mahal. Namamahalan na nga siya sa presyo ng Tribal. BNY at kung ano-ano pang branded na damit ito pa kaya? Huwag nalang kaya siyang bumili maayos naman ang damit niya.

“Wait lang Miss, kakausapin ko lang ang lalaking 'yon.” Turo niya sa asawa.

Hindi niya kayang sabihin na asawa niya ang lalaking kasabay na pumasok kanena dahil baka i-discriminate lang siya nito.

“Teka lang! Ang mamahal naman ng damit dito. Pwede narin naman ang damit ko kaya gora na tayo,” aya niya sa asawang abala sa binabasang magazine.

“Bumalik ka do'n, Joss at kailangan mo ng matinding transformation kung ayaw mong pagtawanan ka ng mga tao mamaya,” seryosong sambit nito.

Kaya naman kahit labag sa loob ay wala siyang magawa kundi bumalik sa Saleslady na nag-assist sa kanya kanena.

“Magkano ba ang dilaw na damit na iyan?” turo niya sa hawak-hawak nitong Sleeveless cocktail knit dress . Isa iyong vibrant crocheted lace overlay that shapes a bateau neckline and sleeveless bodice. At sa palagay naman niya ay babagay ang damit  sa kanya dahil sa perfect shape ng damit at mas lalo pang makikita ang kaputian niya dahil sa kulay nitong soft yellow.

“Ito po Madam ay nagkakahalaga lang ng four thousand and four hundred and twenty pesos. Ito po kasi ang pinaka-latest stock namin,” nakangiting sambit ng saleslay sa kanya.

Muntik na siyang himatayin sa presyo ng damit. Bakit naman ang mamahal ng damit ng mga mayayaman.

“Ahh! Gano'n ba? Bigyan mo nalang ako Miss ng old stock ayos lang naman sa'kin kahit hindi latest.”

Agad naman na naghanap ang babae ng damit na babagay sa panlasa niya na hindi gano'n kamahal katulad ng nauna. Mayamaya ay bumalik ang Saleslady sa harapan niya na may bitbit na isang Navy Blue Polka Dot Cocktail Dress. Maganda din ang isang ito at sleeveless din na purong navy blue ang kulay at ang sa may bandang palda ay polka dot ang style na pinaresan ng manipis na belt upang i-emphasize ang hubog ng kanyang katawan.

“Magkano naman yan, Miss?”

“Mura lang po ito, Madam kesa do'n sa nauna. Two thousand and twenty six pesos lang po.”

Mahal padin pero ayos na kesa naman doon sa nauna.
Maganda din naman ang isang ito simple but elegant, samantalang 'yong isa naman ay medyo daring ang style.

“Sige 'yan nalang ang pipiliin ko,” aniya. "Total si Monjover naman ang magbabayad atleast nakinabang naman ako kahit kunti sa pera niya," dagdag pa ng kanyang isipan.

Agad naman iyong pinasuot ng saleslady sa kanya upang masukat kung bagay ba at sakto lang. Nang maisuot ay agad niya iyong ipinakita sa asawa ngunit isang tango lang ang ibinigay nito at binulungan ang Saleslady dahilan upang hilain ulit siya nito sa loob. Hindi niya alam kung ano ang ibinulong nito.

Mission Not-So Accomplished!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon