Mahigit kumulang isang oras din siyang naghintay kay Joshua kung kailan ito matatapos. Pina-make over niya ang Asawa dahil hindi talaga siya natuwa sa ayos nito kanena. Isang ripped jeans na pinaresan nito ng fushia pink na t-shirt. Maganda naman ang suot ng asawa ngunit hindi nga lang nababagay sa pupuntahan nila ngayon.
Sa ayaw at sa gusto niya’y kailangan nilang pumunta sa mansiyon dahil iyon ang utos ng kanyang mga magulang. Tama naman ang mga ito na matagal nadin silang hindi nakakadalaw na mag-asawa sa magulang niya sa kadahilanang marami siyang pinagkakaabalahan kaya wala siyang panahon para bisitahin ang Mama at Papa niya.Sinipat niya ulit ang relong pambisig at halos mag-aalas siyete na, kailangan bago mag-alas nuwebe ay nasa mansiyon na silang mag-asawa. Ilang oras paba ang hihintayin niya? naiirita na siya ng kaunti. Nahihirapan ba ang mga nag-aayos sa mukha ng asawa? Kaya hanggang ngayon ay hindi padin ito lumalabas. Naiintindihan niya ang bagay na iyon.
“Nandito na po ang Girlfriend mo, Sir. Pasensya na po sa matagal na paghihintay,” anang saleslady na nag-assist sa asawa. At tanging tango lang ang isinagot niya.
Hindi niya maintindihan kung bakit pinapatagal pa ng mga itong palabasin si Joshua, alam naman niyang walang pagbabago sa mukha nito dahil kahit naman ayusan ito’y gano'n padin ang mukha ng asawa.
“’Lika na, Madam.”
Narinig niyang tawag ng saleslady sa asawa. Agad naman niyang nilingon ang pintuan kung saan lalabas si Joshua upang makita kung may nagbago man lang ba sa itshura nito. Slowmotion na para bang sinadyang mag-dahan-dahang lumabas ng asawa sa may pinto. Marahan itong naglakad patungo sa kanya, marahan at mukhang bilang ang bawat hakbang. Hindi niya maintindihan ngunit pakiramdam niya ay nasa isang pelikula sila at pakiramdam niya'y bigla siyang nanigas sa inuupuan habang hinihintay ang tuluyang paglapit nito sa kanya. Gano'n bigla ang naramdaman niya na para bang tumigil saglit ang oras sa pag-ikot at bumagal ang lahat sa paligid at tanging si Joshua lang at siya ang bukod tanging gumagalaw.
Dahan-dahan niyang iniangat ang paningin patungo sa mukha ni Joshua, bigla ay hindi niya ito nakilala.
“J-joshua?” mahina niyang sambit.
Naninigurado lang siya kung tama ba ang nakita at pagkakilala niya at kung ito ba talaga ang kanyang asawa.
Hindi ito sumagot, sa halip ay binigyan siya nito ng isang nahihiyang ngiti. Bagay naman pala sa asawa ang tuwid na buhok. Ang dating itim na itim nitong buhok na tulad ng gabi, ngayon ay may kunting kulay na. Hindi nga lang siya sigurado sa tawag ng kulay na iyon. Ash Blonde o Ash Brown? Ang mukha nitong dati ng maganda, ngayon ay mas lalong gumanda dahil nadin sa kunting make-up na nilagay. Ang kulay ng damit nito ay bumagay sa kutis nitong mas lalong tumingkad ang kaputian dahil sa kintab ng damit. Ang paa nitong halatang ngayon lang nakasuot ng mahabang heels dahil naa-out of balance pa minsan.
“What do you think, Sir?” boses ng saleslady ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.
Hindi niya alam kung ilang minuto siyang natulala sa gandang 'di niya inakalang taglay ng Asawa.
“O-okay naman. Thank you sa effort,” aniya sabay kapa ng wallet upang makapagbayad na at makaalis na sila sa lugar. Nahiya siya bigla sa sarili, sa kung anong dahilan ay hindi niya mabigyang pangalan.
“Tara na, Joss!” matigas niyang sambit matapos makapagbayad.
Agad naman niyang naramdaman ang pagsunod nito sa kanyang likuran.
BINABASA MO ANG
Mission Not-So Accomplished!
Fiksi Umumsᴇʀɪᴇs sᴛᴏʀʏ... ➡️ 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 : 𝟐𝟎𝟏𝟗 Monjover Maniquis ( book one ) R [ 16 ] xxx Dahil sa pagmamahal ni Joshua Madrigal kay Monjover Maniquis, ay labis siyang nasaktan ng malaman ginamit lang pala siya nito noon upang school works nito...