"FOURTEEN"

2.4K 41 0
                                    

Pinili ni Joshua na maligo sa swimming pool kahit na napakainit at tirik na tirik ang araw. Naka-bra at short lang siya dahil siya lang naman mag-isa sa bahay at wala naman silang katulong at hardero o ano pa, dahil siya naman ang gumagawa ng lahat ng iyon. Kanena pa siya pabalik-balik sa paglangoy, ngunit hindi padin siya kuntento. Isa ang swimming sa pantanggal ng stress para sa kanya, at pakiramdam niya ay naii-stress padin siya kaya naman hindi padin siya tumitigil sa paglalangoy. Nakapagluto na siya ng ulam at kanin niya kaya wala na siyang ibang iisipin.

"Anong oras na ba? Bakit parang kumakalam na ang tiyan ko?" tanong niya sa sarili, habang himashimas ang tiyan.
"Isang round nalang, aahon na ako tapos kakain."


Agad siyang tumalon sa tubig at lumangoy. Hindi niya na alintana kung ilang oras niyang inilublob sa ilalim ang katawan, at ilang oras siyang nagpabalikbalik ng langoy. Hanggang sa muntik na siyang malunod ng sa pag-ahon ay nakita niyang parang kapreng nakatayo si Monjover sa gilid ng pool.

"Aahh! Akala ko sino." Gulat niyang sambit habang hawak-hawak ang dibdib, muntik ng lumabas ang puso niya sa sobrang kaba. "Ba't ka ba ng gugulat?" 

"Dito ako kakain," sambit nito at agad ding umalis sa harapan niya.

"Eh di wow," bulong niya sa sarili atsaka nagpasyang umahon sa tubig at sumunod dito.

Wala siyang dalang tuwalya kaya hindi niya napatuyo at matatabunan ang sarili, magma-mop nalang siya mamaya. Gusto na niyang deretsohin ang hagdan ngunit ayaw naman niyang lampasan ito kaya sinusundan niya nalang ang bawat hakbang ng asawa, saka nalang siya tatakbo paakyat kapag nasa tapat na siya ng hagdan. Ngunit bago paman siya tumapat sa hagdan ay bigla itong huminto sabay lingon sa kanya.

"Bakit ganyan parin ang suot mo?" salubong ang kilay nito.


Alam niyang isa siyang masakit sa mata para sa asawa kaya sinikap niyang takpan ang sarili ng dalawang kamay ngunit hindi padin kinaya.


"W-wala kasi akong dalang tuwalya, kaya tatakbo nalang ako paakyat," nahihiya niyang sambit.


"Ahh… G-gano'n ba? Sige na dalian mo sabay na tayong kumain."

Bahagya siyang nagulat sa sinabi nito. May sakit ba ito at bigla-bigla ay gusto siya nitong makasabay sa pagkain. Ano ba'ng meron? Nauntog ba ito at biglang nagalawa ang utak. Dati kasi ay ayaw nitong kasabay siya sa pagkain, daig pa niya ang katulong noon kung ituring nito, kaya nakapagtataka naman kung bakit ngayon…


"S-sige." Nagtataka man ay hindi nalang niya binigyang pansin. Pinili na lamang niyang lampasan  ito upang makapanhik na at makapagbihis na.

-----

Ngayon lang niya na-appreciate ang kahubdan ng asawa, nakikita naman niya ang katawan nito kapag may nangyayari sa kanila ngunit hindi niya iyon binibigyang pasin dahil mas nagfu-fucos siya sa init na nais niyang ilabas. Pero ngayon lang niya nakita ang asawa sa gano'ng ayos. That perfect shape of breast, is it thirty six cup B? Ang beywang nitong kaya lang niyang sukatin sa dalawang kamay, ang suot naman nitong short na humuhulma sa bilogin nitong pang-upo at sa hita nitong malaman.


She was so damn sexy. At ngayon lang niya na-realize ang bagay na iyon. Alam naman niya na pinagpala ang asawa, mula sa sopistikada nitong mukha na para ba'ng nililok ng isang magaling na iskultor, ang perpektong hubog ng katawan. What is beauty if the brain is empty. Naalala niya ang kasabihan na iyon na lagi niyang naririnig sa mga pa-kontest, pero hindi iyon para kay Joshua, dahil lahat meron sa kanya. She had brain, beauty, the slender body was almost perfect! Ngunit hindi niya pinapansin ang lahat ng iyon dati maliban kanenang nakita niya itong basang-basa at ang tanging suot ay bra at short's lang.


Inalala niya ang itsura nito kanena. Ang bra nitong hindi naman kayang tabunan ang pinagpalang hinaharap— biglang nanuyo ang lalamunan niya sa naalala. Napalingon siya sa may hagdan ng maramdaman niyang pababa na ito. Agad siyang pumasok sa kusina at umupo sa upuan. Hinayaan niyang maghanda si Joshua ng makakain nila.

"Nakaluto kana pala?" kailangan niyang magsalita upang kahit papaano ay hindi nakakailang.


Ngayon lang niya niyaya ang asawa na sabayan siya sa pagkain, kaya ramdam na ramdam nila ang ilang.


"Hmmm," tango nito.


"Ah!" Wala tuloy siyang maisip na sabihin upang matuloy ang usapan nila, sa tipid nitong sumagot.

Nang matapos itong maghanda ay agad siyang kumuha ng kanin upang lagyan ang sariling pinggan, iniisip niyang sandukan narin sana ito ngunit pinigil niya ang sarili. Baka biglang mailang si Joshua sa ginagawa niya dahil hindi ito ang Monjover na ipinakita niya rito mula ng magpakasal sila.


Tinitigan niya ang asawa, ang laki na nga pala ng ipinayat nito. Noon ay mas cute ito dahil medyo may pagka-chubby ito noon, chubby cheeks, ngayon lang niya napansin na medyo hapis na ang mukha ng asawa.


"Kain kana," mahinang aya nito saka nagsimulang sumubo ng kanin.


"Sige."


Natapos silang kumain na hindi man lang nag-iimikan, sanay naman siya, sanay na sanay siya noon at mas gusto pa nga niyang huwag siyang imikan ni Joshua. Ngunit naninibago siya ngayon, nagulat pa siya ng biglang tumunog ang telepono na agad namang sinagot ni Joshua.


Tinititigan niya ito, ang bawat galaw habang nagsasalita sa kabilang linya. "Oo nga, hindi ko man lang napansin na pumayat siya," aniya sa sarili.


"Si Lesiel, nasa kabilang linya."

Iyon lang at umalis agad ito sa harapan niya at ipinagpatuloy ang paghuhugas. Naguguluhan man ay walang magawang  kinuha niya ang telepono upang sagotin ang babae sa kabilang linya.

"Yes, Lesiel. Huh? Kaso tapos na akong kumain, Les. Sige bukas nalang. Bye." Marahan niyang ibiniba ang telepono at muling nilingon ang asawa na ngayon ay nakatalikod sa gawi niya.

Abala ito sa paghuhugas ng pinggan, hindi niya alam kung tinutubuan na ba siya ng konsensiya. Pero, naaawa siya bigla kay Joshua.
Pinaparamdam nito sa kanya ang pag-iwas nito kataka-taka man ay hindi niya talaga  nagugustuhan ang malamig na  trato nito. Nasanay lang siguro siya na kahit magkaaway sila ay gigising siyang nakangiti ito at masayang nakikipag-usap sa kanya kahit puro bulyaw lang ang natatanggap nito mula sa kanya.



Bahagya siyang nagulat ng gabing nagkasagutan sila ng sobra at bigla nitong sinabi na maghiwalay nalang sila at mag-file ng annulment. Hindi man niya ipinahalata dito ay may bahagi sa puso niyang biglang naapektuhan sa sinabi nito. Hindi niya mabigyang pangalan kung ano ba ang ibig sabihin ng nararamdaman niya ngayon, kaya ipinasya nalang niyang bumalik sa opisina at problemahin ang sarili sa mga papeles na nakakainis basahin.

-FlorDeLuna

Hope you'd enjoy all!

Mission Not-So Accomplished!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon