Ito ang tagpong natagpuan ni Monjover, kaya bigla siyang nanigas sa kinatatayuan.
Si Joshua at ang isang matangkad na lalaking mukhang hapon ay hawak ang mukha ni Joshua na animo'y naglalambingan sa loob ng kanyang opisina. Gusto niyang sugurin ang lalaking humahawak sa mukha ni Joshua at pugpugin ito ng suntok sa kanyang kamao hanggang sa hindi na maitsura ang pagmumukha nito. Anong ginagawa ng mga ito sa mismong opisina niya at bakit dito pa talaga naglambingan?
Tumikhim siya upang ipahatid ang kanyang presensya sa dalawang may sariling mundo.
"Aherm!" agad naman naglingunan sa kanyang direksiyon ang dalawa. "Nagkamali ba ako ng pasok?" kunwa'y tanong niya. Kahit ang totoo ay gustong-gusto niyang pasisinghalan ang dalawa."Ahh. Oo, tama naman ang pinasok mo. Opisina mo talaga 'to at dito din ang opisina namin," nakangiting sambit ni Joshua. Pormal lamang ang ngiti nito pero biglang nagliwanag ang kanyang buong kapaligiran dahil sa ngiti nito.
"Ipakikilala ko pala sa'yo si Rio anak siya ni Mr. Furukawa, kasama ko siyang umuwi sa pinas at kaming dalawa ang makakatrabaho mo sa loob ng siyam na buwan."
Nais niyang sabihing wala siyang pakialam sa herudes na lalaking kasama nito, ngunit ayaw naman niyang lumabas na bastos kaya pinilit niyang pakalmahin ang sarili at bahagyang ngumiti upang ipakita sa babae na ayos lang siya, kung alam lang nitong kumukulo ang dugo.
"Ahh, gano'n ba? Pasensya kana hindi ko din kasi alam. S-sige ipagpatuloy niyo lang 'yong ginagawa niyo." Naglakad na ito patungo sa sarili nitong mesa nang bumukas ang pinto dahilan upang maglingunan silang lahat. Iniluwa niyon ang kanyang magandang sekretarya na si Gina, may bitbit itong tray.
"Hi Sir ito na po ang request mo," sexy itong naglakad patungo sa mesa niya habang nagpapa-cute naman ang tunog ng boses nito.
"May hangover ka na naman ba Sir? Gusto mo ipagluto kita ng mainit-init na sabaw?"
Bigla siyang nakaramdam ng pagkailang kaya muli siyang umubo upang tanggalan ng bara ang lalamunan. "Ha? Huwag na Gina, salamat dito. Pwede kanang bumalik sa pwesto mo," aniya.
"Hihilutin pa sana kita Sir, may dala nga po akong powerub para sayo."
Ipinakita agad nito ang kulay green na maliit na bilog at may amoy iyon na menthol kaya sa palagay niya ay nakakapagpa-relax talaga.
"Ako nalang ang hihilot sa sarili ko Gina," naiiling niyang wika.
"Sus! si Sir, para namang hindi ka sanay na inaalagaan kita. Huwag kana pong mahiya sa'kin," agad itong umikot sa likuran niya at nagsimulang hilutin ang kanyang sintido.
Napatingin siya sa gawi ni Joshua ng tumawa ito ng mahina at may sinabi.
"Ano iyon Joshua?" hindi niya masyadong nalinaw ang sinabi nito kaya ipinaulit niya.
"Ang sabi ko, ibang klase din ang sekretarya mo, ayaw paawat."
Nakita niyang inirapan ni Gina si Joshua na tanging matamis na ngiti lamang ang iginanti ng babae. Nagseselos ba ito? Mukhang hindi naman, sadyang nakulitan lang yata ito kay Gina. Kahit naman siya'y nakukulitan nadin sa babae.
Sa gilid ng mga mata niya'y nakita niya kung paano, pailing-iling na umupo si Joshua at gano'n din ang hapon na kasama nito, atsaka sinimulan ang trabaho. Kinakausap siya ni Gina, naglalambing ito sa kanya. Sinasagot naman niya ito ng maayos at sa malambing din na paraan pero ang buong isipan niya ay nasa dalawang tao sa kanyang paligid.
"Huwag ka na kasing uminom Sir, nakakasira kasi ang alak sa kalusugan, nakakasunog ng atay. Ako sayo Sir, magmahal ka nalang. Hindi kapa magkakasakit, inspired kana, blooming ka pa, tulad ko."
Narinig niya ang mahinang tawa ni Joshua na agad ding sinaway ang sarili. Alam niyang nakikinig ito sa usapan nila ni Gina, sabagay hindi maiiwasan dahil nasa iisang kwarto lang sila.
"Hah? Ahh, haha oo nga ee. Hayaan mo Gina, dadating din ako d'yan," aniya na ang tingin ay na'kay Joshua.
"Talaga Sir? Hmm excited na ako," kinikilig na sambit nito.
Pasimple siyang nagkibit balikat sa sinabi ng babae. Hindi niya nilalagyan ng malisya ang mga ginagawa ni Gina, kahit halatang-halata na. Ayaw niya lang talaga itong patulan, dahil alam niyang masasaktan niya lang ito. Mahirap na, baka alisan siya bigla ng sekretarya ang hirap pa naman bumalik sa uno at magtuturo ka ulit ng baguhan.
Hinihilot nito ang kanyang sintido pero anv mga mata niya ay nakatingin sa direksiyon ni Joshua. Ang laki na nga talaga ng ipinagbago nito. Mas lalong gumanda ang kanyang asawa, sabagay maganda ang nature ng Japan.
Hindi malaman ni Joshua kung maiirita o matatawa sa mga naririnig na lambingan ng dalawa. Nakakaasar na nakakatawa iyan ang nararamdaman niya ngayon sa mga pinagsasabi ng sekretarya ni Monjover. Nilingon niya ang direksyon ni Rio na pilit din tinatago ang ngiti sa labi. Kahit anong gawin niya ay hindi niya magawang mag-fucos sa ginagawa. Nang biglang tumunog ang telepono'y agad niya iyong sinagot.
"Yes hello," nakinig muna siya sa sinasabi ng kabilang linya saka muling nagsalita. "Ahh, sige. Okay bye."
Salamat at aalis siya ngayon, hindi na niya maririnig ang sweet nothing na pinag-uusapan ng mga 'to. Agad niyang niligpit ang kalat at hinanda ang sarili sa pag-alis at nang maayos na ay agad siyang tumayo, lumapit muna siya kay Rio upang magpaalam dahil may importante lang siyang gagawin, agad naman iting tumango.
"Mag-iingat ka Joshua," malambing na bilin nito na agad niyang nginitian.
"Oo naman. Mag-iingat sila sa'kin," aniya at mahinang tumawa.
Matapos kay Rio ay lumapit naman siya sa pwesto ni Monjover upang magpaalam. Kabastusan naman kung basta-basta nalang siyang aalis, kahit ang totoo ay iyon ang gusto niyang gawin.
"Aalis pala ako. Maiwan ko na muna kayo," hindi na niya hinintay ang sasabihin nito at agad na siyang naglakad palayo.
Bahala silang maglandian ng Gina nitong hindi niya malaman kung sekretarya ba ang trabaho o personal alalay? Pero kahit ano paman ay wala siyang pakialam sa dalawa. Bahala ang mga ito! Napangiti siya ng maisip si Rio, kakayanin kaya nito ang nakakadiring eksina ng mag-boss sa loob ng opisina?
"Kaya niya na 'yon," agad naman niyang sagot sa sariling isipan.
Kawawang Rio.
Bare with your so so bz daw kuno na Author haha :)
Next Update nalang po.
Pasensya na kayo kung medyo mahina ang update ni indzai!xxFLORDELUNAxx
BINABASA MO ANG
Mission Not-So Accomplished!
General Fictionsᴇʀɪᴇs sᴛᴏʀʏ... ➡️ 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 : 𝟐𝟎𝟏𝟗 Monjover Maniquis ( book one ) R [ 16 ] xxx Dahil sa pagmamahal ni Joshua Madrigal kay Monjover Maniquis, ay labis siyang nasaktan ng malaman ginamit lang pala siya nito noon upang school works nito...