"BENTE SINGKO"

2.6K 32 0
                                    

Present


"Makakauwi nadin tayo sa Pinas bestfriend," masayang sambit ni Kim sa kanya. "…Miss na miss ko na ang baby ko pati na ang tatay ng baby ko," napahagikhik ito sa tawa nang mabanggit ang asawa.  "Anim na buwan nga lang ako sa Japan ay miss na miss ko na sila, paano pa kaya ikaw na tatlong taon ng hindi nakakauwi?"


Nagkibit-balikat siya sa sinabi ng kaibigan. "Namimiss ko syempre ang pamilya ko tas 'yon—"


"Si Monjover? Hindi mo ba namiss si Jover?"


Natigilan siya dahil sa deretsahang tanong nito. "Namiss naman, pero hindi gano'n ka-intense. Hindi tulad dati," nakangiti niyang sambit.


Sa tatlong taon niyang pananatili sa Japan ay nasanay na siyang wala na ang asawa sa buhay niya. Noong una ay nahirapan siya ng totoo, hindi niya kayang mag-adjust.  May mga  araw pa nga noon na gustong-gusto na niyang bumalik sa bahay nito. Ngunit pinipigilan niya ang sarili. 



Hanggang sa nakapag-apply siya bilang isang factory worker noon sa Japan. Malaking kumpanya ang pinasukan niya at nagsumikap para sa pamilya at para narin sa sarili. Isa naman siyang Interior Designer graduate kaya nagsumikap siya upang makapasok sa ganoong larangan upang hindi naman masayang ang pinag-aralan niya.


Doon naman siya sinuwerte ng makilala niya si Sir Sheen Furukawa, ka-edad na ito halos ng tatay niya at isa itong mayaman sa bansang Japan dahil pag-aari nito ang malaking Construction Firm sa naturang bansa. 


Nagkakilala sila dahil minsan niyang sinagip ang buhay nito nang minsan nahablot ang bag ng lalaki. Dahil sa awa at bigla niyang naalala ang pamilya ay lakas loob niyang hinabol ang kawatan. Salamat naman sa diyos dahil  hindi siya nito pinabayaan. Nang ma-korner niya ito sa may maliit na eskinita'y agad niyang kinuha ang bag ni Mr. Furukawa, hindi na ito nakapalag pa dahil hawak-hawak na ito ng mga pulis.


Mula noong magkakilala sila ni Mr. Furukawa ay do'n na dumating ang sunod-sunod na swerte niya. Naipagawa na niya ng mas malaking bahay ang pamilya at pati siya ay nakabili narin ng sariling bahay at lupa sa loob lamang ng tatlong taon niyang pananatili sa Japan, at tulad niya'y isang Architect naman ang bestfriend niyang si Kim, kaya noong nangailangan ay agad niya itong ini-rekomenda kay Mr. Furukawa na hindi naman nito tinanggihan.


Ngunit tig-aanim na buwan lang ito at agad din umuuwi dahil namimiss na daw nito ang pamilya, palibhasa kasi may pamilyang naghihintay sa kaibigan. 


Sa katunayan ay napilitan lang siyang magbakasyon ngayon dahil ito ang rekomenda ng kanyang amo, ngunit kung siya ang masusunod ay hindi muna siya uuwi ng Pinas. Masaya naman ang buhay niya sa Japan kahit wala siyang kasama sa buhay at tanging mga katrabaho lang ay masaya siya at walang iniisip na kahit anong problema.

 
"Ilang oras nalang, Joss. Nasa Pinas na tayo, ako isang buwan lang at babalik na ulit sa Japan. Tapos maghihintay ulit ako ng anim na buwan para makapiling ulit sila. Ikaw? Buti ka pa medyo magtatagal ka dito, siyam na buwan."


Alanganin siyang napangiti.
Iyon nga ang kinaiinisan niya, dahil pinauwi siya upang mag-trabaho. Napalingon siya sa lalaking nasa gilid niya na ngayon ay kampanteng natutulog. May kailangan siyang asikasuhin este— silang asikasuhin pala ng anak ni Mr. Furukawa kaya personal silang pinadala ni Mr. Furukawa at ang masaklap pa ay sa kompanya pa ng kanyang ex-husband  ang M&M CONSTRUCTION SUPPLY & COMPANY, bilang right hand ng kanyang butihing Amo ay siya ang representative na pinadala nito kasama ang anak nitong si Rio Clifford Furukawa, na half-japanesse at half-filipino.


Ngumiti ito ng mahuling nakatingin siya rito. "Why, Joss do you need something?" tanong nito.



Agad siyang umiling. "…Wala naman, may naalala lang ako, matulog kana ulit."


"Okay." Agad naman nitong ipinikit ulit ang mga mata.


Gwapo din si Rio, mabait, maaalahanin, kaso hindi niya type. "Bakit? Kailan ka ba nagkaroon ng ibang type!" galit na kausap niya sa sarili.



Upang alisin ang nakakainis na mga iniisip ay nilingon niya ulit ang kaibigan. "A-ano 'yong sinasabi mo kanina?"


"Ang sabi ko, sa tingin mo magkikita kaya kayo ni Monjover?" tanong ulit ng kaibigan.


"H-hi— malamang naman kung isa siya sa mga boss. Balita ko kasi siya na ang Vice President ng M&M kaya as expected." Nagkibit-balikat siya.



Nais din naman niyang makita ang dating asawa, hindi na sila nagkausap nito mula ng umalis siya sa poder nito. Nang nasa Japan na siya ay lagi niyang tinatanong sa pamilya kung may na tanggap ba ang mga itong annulment papers, ngunit wala naman daw kaya nagtataka siya. Baka tinatamad itong asikasuhin ang bagay na iyon, kaya mas maigi din na magkamustahan sila.


"Ano kaya ang reaksyon niya kapag nagkita kayong muli?"



Sa totoo lang ay hindi niya iniisip ang magiging reaksyon nito. Mas natatakot siya sa magiging reaksyon niya, sa posibleng maramdaman niya kapag nakaharap ulit si Monjover. Hindi niya alam kung talagang nakamove-on na siya sa sakit at pagmamahal niya sa dating asawa at 'yon ang mas kinakatakutan niya na baka manumbalik ang lahat kapag nakita na niya ulit ito.


"W-wala naman siguro. Normal lang iyong tipong magkakilala lang," sagot niya.


"Hmm. Okay kana ba talaga, Pren?"


Naninigurado lang ba ang kaibigan sa totoo niyang damdamin.  "Oo naman noh! Handa na akong makaharap ulit si Monjover. Kaya kalma ka lang. Matulog kana muna mamaya gisingin nalang kita."

"Besh, nandito lang ako lagi sa tabi mo ah, kapag nasaktan ka ulit I'm here to listen' at kapag natapilok ka ulit at bigla mo ulit mahalin ang asawa mo support kita always besh. Dahil alam ko naman na walang ibang tinitibok ang puso mo k—" ngali-ngali na niya itong binatokan. "Aray!"



"Ano ba naman 'yang mga pinagsasabi mo diyan, matulog kana nga!"



"Pinapaalalahanan lang kita na nandito lang ako, bakit ba naman kasi ayaw mo nalang mahalin 'yang katabi mo. Subukan mo kaya, Pren." May tuksong nakaguhit sa ngiti ng kaibigan.


"Ewan ko sayo, Kimberly. Alam mo, mabuti pa maidlip kana muna para manahimik kana saglit. Matulog kana ang ingay mo kasi." 



"Sige na nga! Makatulog na nga. Pero Joss malaking isda din iyang katabi mo," anito saka ibinaling ang ulo sa ibang gawi at ipinikit ang mga mata.



Kahit kailan ay napakadaldal nito at ang daming kalukuhang naiisip. Napabuntong hininga siya, handa na nga ba talaga siyang makita ang asawa? Sabay baling naman sa lalaking katabi, kaya niya bang mahalin ang lalaking ito kung sakali man? Tsk!

Mission Not-So Accomplished!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon