Chapter 3

1K 79 13
                                        

3 months later....

***Dale's POV***

Sumalang na ako sa stage. Katulad ng dati, ako ang huling nagperform para sa mga customers. At tulad din ng ibang performers ay may maskara akong suot na nagtatakip ng kalahati ng aking mukha. Wala pang customer ang nakakita ng kabuuan nito. Ganito kasi ang patakaran sa club na ito. Makikita lang ng customer mo ang mukha mo kapag na-take out ka na nila. Kaya din siguro Mysterious Fantasy ang ipinangalan sa club na ito. Ito rin ang isang ipinagpapasalamat ko kahit papaano.

Isang malamyos na tugtugin ang pumailanlang at nagsimula na akong sabayan ito. Nasa gitna na ako ng stage na may isang pole at upuan. Hindi ko naririnig ang naghihiyawang boses ng mga customer dahil sa salamin na naghihiwalay sa stage at sa mga manonood. Tanging musika lang ang nilalaman ng aking pandinig. Sa tuwing sumasayaw ako ay tila dinadala ako ng tugtugin sa kakaibang mundo. Sumasabay ang aking katawan sa agos ng serenidad at emosyong dulot nito. Tila wala akong maramdamang pagod sa aking ginagawa. Hindi ko rin nabibigyang pansin ang iba't-ibang reaksiyon ng mga kalalakihang nakatutok sa aking ginagawa.

Namalayan ko na lamang na tapos na ang aking pagtatanghal. Tulad ng dati ay makikita kong nakatayong nagpapalakpakan at tipong naghihiyawan ang mga customer sa labas ng stage. Isang malawak na ngiti at pagyuko lang ang tangi kong ibinigay bilang pasasalamat sa kanila.

"That was wonderful, Dale. Ang galing galing mo." pagsalubong sa akin ni Mamang sa backstage.

"Salamat po Mamang."

"Diyosko, kung alam mo lang kung gaano mo napahanga ang lahat ng customer sa labas. Ang daming gustong maka-table ka ngayon. At may handang magbayad ng malaking halaga para i-take out ka lang. Pero siyempre tulad ng dati, sinabi kong hangang table ka lang. Di pa rin ba nagbabago ang isip mo, iha?"

Ngumiti lang ako kay Mamang at yumuko. Alam niya na ang aking kasagutan.

"O siya sige, magbihis ka na. May naghihintay ng customer saiyo sa table 4. Tingin ko makakadami ka ngayong gabi."

"Sige po Mamang."

Kung pwede nga lang sabihin kay Mamang na pagsasayaw na lang ang gagawin ko tuwing gabi ngunit hindi nga rin ito posible. Parte ng trabaho ang pag-entertain ng mga customer bukod sa pagpi-perform.

Kalaunan ay lumabas na ako at pumunta sa table 4 at hinarap ang customer na sinasabi ni Mamang.

"Hi." bati ng lalaki sa akin.

"Hi." Tinignan ko ito. Parang pamilyar ang boses niya.

"You're still a good dancer and still look gorgeous."

Nagulat ako sa sinabi niya. Matagal na ba itong customer dito? Pero bakit ngayon ko lang yata siya napansin?

"S-salamat."

Medyo madilim ang kanyang pwesto at pilit kong kinikilala ang kanyang mukha.

"Madumi ba ang mukha ko?"

"Ha? Ah eh. Hindi."

"Ako nga pala si Donny."

Sabi ko na nga ba... Kaya pala pamilyar ang kanyang mukha. Ito ang lalaking nakabangaan ko sa mall noon. Biglang akong kinabahan... Nakilala niya ba ako?

"Ahm... D--- Dana.. Dana ang pangalan ko."

Ngayon ko lang iniba ang pangalan ko. Para kasing hindi ako komportableng ipaalam sa lalaking ito ang pangalan ko. Hindi ko maintindihan pero iba ang pakiramdam ko sa tuwing makikita ko siya.

"Dana... Hmmnn. Nice name... Akala ko magkapangalan pa kayo ng girlfriend ko..."

Mukhang hindi niya naman ako namukhaan.

Dance For LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon