Chapter 15

1K 92 12
                                    

***Dale's POV***

Mas maagang natapos ang klase ko ng kinse minutos keysa sa karaniwang araw.

"We're all good now guys. Pwede na kayo magpahinga or you can go home."

"Bye Ms D!"

Tulad ng dati ay hinintay ko ang lahat ng estudyante na makaalis bago ako lumabas ng studio.

Nasa may pinto na ako nang makita kong nasa labas pa rin pala si Daniela.....

at kausap si...

...EJ?

Napabalik ako sa loob at sumilip ako sa awang ng pinto.

Nag-uusap sila na tila matagal ng magkakilala.

Sa di malamang dahilan ay nakadama ako ng kaba at kirot.

Di kaya si Daniela ang asawa niya?

Ngunit pagtingin ko ulit ay biglang nawala na si EJ sa tabi ni Daniela at palapit naman sa kanya si Donny?

Ano iyon?

Nagulat na lang ako nang humalik si Donny sa pisngi ni Daniela at gumanti naman ang huli.

Nakita ko rin na palingon-lingon si Daniela at naka-abrisyete pa kay Donny habang papaalis.

Anong ginagawa ni Donny dito?

Kaano-ano naman niya si Daniela?

Medyo matagal na silang naka-alis nang maisipan kong lumabas na rin.

"So nagkikita pa rin pala kayo ni Donny dito?"

Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni EJ mula sa aking likuran.

Matigas ang tinig nito.

"Ha?"

"Wag ka ng magka-ila. You're seeing him every Friday and Saturday here, right?"

"Ngayon ko lang siya nakita dito."

"Kahit sinusundo niya ang girlfriend niya right after YOUR class?"

"Girlfriend niya si Daniela?"

"Don't play games, Dana."

"At akala mo nagsisinungaling ako? Ni minsan di ko naisip na ang maldita kong estudyanteng iyon ang girlfriend ni Donny. At sinusundo niya dito." napipikon na ako sa tono ng pananalita nito.

"Ayt... Come on. Baka matraffic tayo."

Anong problema ng lalaking to?

Naglakad na kami papunta sa car park.

Binuksan naman nito ang pinto para pasakayin ako saka siya umikot para sumakay sa driver's seat.

"Seatbelt."

Saka ko naisip na kailangan ko nga palang mag-seatbelt. Naalala ko tuloy  iyong gabi nang muli kaming magkita.

"So di mo talaga kilala si Daniela?"

"Kilala ko siya bilang estudyante ko. Maldita at medyo matigas ang ulo. Alam ko naman kasi ang estado niya sa buhay. At di ko naman pinapakialaman ang mga personal na buhay nila..."

"Well, she was one of my flings during college... Donny didn't even know about it. Yeah, she's quite a brat..."

Tila nakaramdam ako ng inis. Pero sa kabilang banda ay nagpapasalamat ako dahil di naman pala ito ang asawa niya.

"Di sila bagay ni Donny."

Bigla ko na lang na nasabi.

Napatingin ito sa akin.

Dance For LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon