***Dale's POV***
Maaga akong pumasok.
May dala-dala rin akong tinolang manok. Eto na kasi ang naging paboritong ulam ni Boss.
Ngunit nagtaka ako dahil pasado alas-otso na ay wala pa rin ito sa opisina.
Nireview ko ang mga appointments niya ngayong araw. Wala naman siyang ibang appointment sa labas bukod mamayang alas tres ng hapon.
Hangang sa dumating ang alas diyes.
Bigla na lamang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Boss. Tipong galing ito sa pagmamadali. Ni hindi pa nga nito naayos ang kanyang buhok at necktie.
Hawak nito ang kanyang sintido at dire-diretsong umupo sa kanyang swivel chair.
"G-good morning Sir."
"Hi. Good morning... Ang sakit ng ulo ko."
"Mukhang di po kayo, okay. Gusto ninyo po ba ng kape?"
"Yes, please. Black."
"Hangover po ba iyan, Sir?"
Napatingin ito sa akin.
"Yeah. Nalasing kami noong isang kliyente ko... For the longest time... Kagabi lang ulit ako nalasing. Ang kulit din kasi ng isang iyon."
"Mukhang close ninyo po iyong kliyente ninyo."
"Ah yeah... Family friend."
"Wait po ikukuha ko na muna kayo ng gamot. Nag-breakfast na po ba kayo?"
"Not yet... Wala akong panlasa. My head is aching badly."
Naawa ako sa lagay nito. Kita talaga sa mukha niya ang pananakit ng ulo. Ni hindi niya maalis ang kanyang kamay sa sintido.
Di ko napigilang lapitan ito.
"Sir, umayos po kayo ng upo."
"Ha?"
Nagulat ito nang tumabi ako sa kanya.
"Massage ko po ang ulo ninyo para mabawasan ang sakit."
"Ha? Are you sure? Marunong ka ba?"
"Oo naman po... Sandal lang po kayo sa upuan."
Sumandal naman ito. Nagsimula akong i-massage ang kanyang sintido. Pati na rin ang kanyang buhok.
Ang lambot naman ng buhok nito. Ang bango-bango pa.
Huy Dale!
Nakita kong napapapikit siya sa ginagawa ko.
Natutunan ko ito sa nanay ko. Minamasahe niya si Papa sa tuwing may hangover ito paggising. Kaso nga lang ay lumilipad na sermon ang kaakibat noon.
Natawa ako nang hindi ko namamalayan.
"Are you laughing at me?"
"Ay hindi po, Sir. Naaalala ko lang po kasi si Papa. Kapag mina-massage siya ni Mama tuwing may hangover, lahat ng sermon maririnig mo sa kanya. Sasabihin naman ni Papa na lalo lang sumasakit ang ulo niya..."
Nakita kong nagpipigil din siya ng tawa.
Naalala ko bigla ang nakaraan.
Ang aming masayang pamilya.
Ngunit bigla din akong nalungkot nang maalala ko ang tatay ko.
"Oh ba't biglang nagbago ang mukha mo?"
Nakita kong nakamulat na pala ang mga mata niya at nakatitig sa akin.
"Wala po, Sir."
Ipinagpatuloy ko ang pagmamasahe sa ulo niya.