Chapter 14

1K 90 6
                                    

***Dale's POV***

Mag-gagabi na nang magising ako.

"Anong oras na ba?" tanong ko kay Judy nang ako'y bumangon.

"Mag-a-alas siyete na po ate."

"Ha?! Ba't di mo ko ginising?"

"Po? Eh di po ba ganyang oras naman talaga kayo nagigising?"

Dali-dali akong naligo at nagbihis.

Magluluto nga pala ako ng hapunan sa mansiyon.

Nakita kong payapa ng natutulog si Reyn.

"Ate kain po muna kayo. Mainit pa po iyong kanin..."

"Hindi na mamaya na lang. Babalik naman ako kaagad. Kaw muna ang bahala dito ha?"

Halos takbuhin ko ang papunta sa mansiyon. Tumutulo pa nga yata ang buhok ko. Ni hindi ko na nagawang mag-ayos.

Medyo madilim na sa daan lalo na sa tapat mismo ng mansiyon.

Tulad ng ginawa ko kanina, isang pindot lang ng doorbell at kusang nagbukas ang gate nito.

Sobrang dilim naman sa bakuran nito at halos kapain ko ang papunta sa mismong bahay.

Nang makarating ako sa pinto ay kusang nagbukas ulit ito.

"You're late."

Nagulat ako sa boses nito.

Nasa isang maliit na mesa ito sa di kalayuan at nakaharap sa kanyang laptop. Ni hindi man lang ako nito tinapunan ng tingin.

"Na-late ako ng gising... Saan nga pala ang kusina?"

"Go straight and then turn right." hindi pa rin ito tumitingin.

"A-ano nga pala ang gusto mong kainin?"

"It's up to you. Baka di mo rin kasi kayang lutuin ang i-request ko."

Muli ko siyang tinignan. Seryoso pa rin itong nakatutok sa kanyang laptop.

Dumiretso na ako sa kusina.

Namangha ako sa laki at ganda nito.

Ganito ang pinapangarap kong bahay noong maliit pa ako, lalo na ang kusina. Madalas kasi kaming nagluluto ni Mama noon at sinabi ko sa kanyang balang araw ay papalakihin at papagandahin ko ang aming kusina para sa kanya.

Bigla akong nalungkot nang maalala ko ang namayapa kong ina... lalo na ang tatay kong iniwan ko sa probinsiya.

Binuksan ko ang dalawahang-pintong refrigerator at naghanap ng malulutong ulam.

Hindi ako nahirapan sa aking ginagawa dahil bukod sa kompleto ang mga kailangan ko ay moderno ang lahat ng mga gamit. Mabilis kong naluto ang ulam. Nagsalang naman ako ng kanin sa rice cooker.

Ilang saglit lang at natapos na ako.

Inayos ko na ang mesa at kakainan ni EJ.

Tinangal ko ang suot kong apron at bumalik ako sa sala.

Nakatutok pa rin ito sa kanyang ginagawa.

"Tapos na ako magluto. Pwede ka ng kumain."

Napalingon naman ito.

"Yeah. I'm starving."

Tumayo na ito at nagtuloy na sa kusina. Agad naman akong sumunod dito.

Medyo nagulat siya dahil naka-set na ang mesa.

"Bakit isa lang?"

"Ah-- sa bahay na lang ako kakain."

"Join me."

Dance For LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon