Chapter 13

933 89 7
                                    

***Dale's POV***

Hangang sa biyahe ay iniisip ko kung susundin ko ba ang sinabi ng lalaking iyon.

Pupunta ako sa bahay niya? Sa nakakatakot na mansiyon na iyon?

Nag-aalala akong baka sa pagkakataong ito ay hindi na ako makalabas mula doon.

Paano kung may gawin siya sa akin?

Paano kung maisipan niyang patayin na lang ako?

Pero bigla ko ring naisip ang anak ko.

Paano kung may gawin nga siya dito kapag hindi ako tumupad sa usapan?

Sa huli ay nilakasan ko na lang ang loob ko at nagpasyang puntahan siya sa mansiyon.

Bahala na.

Kinakabahang pinindot ko ang doorbell. Bigla akong nagulat dahil awtomatikong nagbukas ang gate.

Nahihiwagaan pa rin talaga ako sa bahay na ito.

Hindi mawala ang kilabot na nararamdaman ko habang tinatawid ko ang malawak na bakuran na iyon papunta sa mismong bahay. Tila may malamig na hanging bumabalot sa paligid at nanunuot sa aking balat.

Nang tumapat ako sa pintuan ay napatigil ako.

Pede pa ba akong umatras?

Nag-iisip ako nang biglang bumukas ang pintuan.

Kinakabahang pumasok ako ng bahay.

Ngunit tila wala namang tao?

Halos mapasigaw ako nang biglang magsara ang pintuan sa aking likod.

Paano nagsara ang pintuan ng mag-isa?

"It's good to see you here... Di rin naman pala matigas ang ulo mo..."

Narinig ko siyang nagsalita habang bumababa sa malaking hagdan.

Napa-angat ako ng tingin. Naka-roba itong suot. Animo hari itong naglalakad pababa ng hagdan.

Di ko ring mapigilang igala ang aking paningin at humanga sa ganda ng loob ng bahay.

Pero bakit ganoon ang itsura nito sa labas?

Hindi kaya may mahika itong lalaking ito?

Baka niloloko lang ako ng paningin ko... Baka totoong haunted house ito at nagmumukha lang na maganda sa paningin.

"Tatayo ka na lang ba diyan? Pede kang maupo... Magpahinga ka muna... Alam ko namang pagod ka pa galing sa trabaho."

Tinungo ko ang isang upuan at umupo.

Naupo rin siya sa tapat.

"Ano bang sasabihin mo? Kailangan ko na kasing umuwi. Alam mong may naghihintay sa akin.."

"Gusto kong pag-usapan natin ang magiging trabaho mo..."

"So talagang ikaw ang magdidesisyon para sa akin? Galing mo rin eh, no?"

"You got no choice."

Napatiim-bagang ako dito.

"At least this will save you from working in that.... bakit ka nga ba nagtatrabaho doon?"

"Job interview na ba ito?" sarkastiko kong tanong sa kanya.

"You're funny. Anyway, gusto kong dito ka na magtrabaho... So I can watch you closely..."

"Ano?"

"I can't explain to you yet why I'm doing this, okay... But you have the idea na ayaw kitang makipag-communicate sa pinsan ko... Malalaman mo rin balang araw kung bakit... Wag kang mag-alala, dodoblehin ko kung magkano man ang kinikita mo sa club na iyon.. or I'll give you the chance to demand kung magkano ang gusto mong sahod..."

"Nababaliw ka na..."

"I'm just protecting something..."

"Napaka-importante naman yata noon..."

Hindi siya nagsalita.

"Ano naman ang magiging trabaho ko?"

"Dito... Taga-luto.. linis..."

"Katulong?"

"Hmmnnn. Wala namang masyadong dumi sa bahay na ito as you can see... Kaya di ka din naman mahihirapan... I have somebody na naglilinis dito every other week.... The laundry.... sa labas ko dinadala iyon... Luto... I do that for myself... Pero from now on ikaw na ang gagawa noon... Ikaw na magluluto ng pagkain ko."

Ano bang drama ng lalaking ito?

"Bye the way you can call me EJ, short for Edward John... Ang tagal na nating nag-uusap pero hindi pa tayo magkakilala."

"Di naman yata kailangan eh."

"Well, araw-araw mo na akong makakasama so I think tama lang na alam mo kahit ang pangalan ko..."

"So sigurado ka talagang papayag ako?"

"Like I said, You-Got-No-Choice."

Napatingin ako sa kanya. Nakatingin din siya sa akin.

Nagsukatan kami ng titig.

Sa huli ay ako rin ang sumuko.

"Okay... panalo ka na... pero kailangan kong makauwi ng bahay sa tamang oras... sa araw-araw."

"That's fine with me... You'll start today... Pero pwede kang umuwi muna then take some rest... Bumalik ka na lang dito mamaya to cook for my dinner."

Napabuntong-hininga na lang ako.

Napapaisip din ako.

Sabagay, parang mas okay na nga rin ito keysa sa magtrabaho ako sa club... Dodoblehin niya naman daw ang kinikita ko doon. Mas malalapit pa ako sa anak ko... Anytime ay pwede akong sumaglit sa kanya.

"Care to tell me your thoughts?"

"Wala... Iniisip ko lang kung paano kita lalasunin..."

"Your face is telling me otherwise..."

"Uuwi na muna ako..."

"Dana... What happens in this house... Stays in this house... Hope you get my point..."

"Di naman ako bobo..."

"Good."

Lumabas na ako ng pinto na awtomatikong nagbukas at nagsara. Ganoon din sa gate nito.

***EJ's POV***

Mabuti naman at hindi na siya nakipagtalo pa.

I feel like I still have this power to command.

Dapat ko ng sanayin ulit ang sarili ko na may kasama na ako dito sa bahay. For how many years, mag-isa lang ako...

Sana hindi ako mahirapan sa babaeng iyon.

I don't know... Apart from having her stop from communicating with Donny... I feel the need na alisin siya sa mismong trabahong iyon...

For some reason, ayokong isipin na ganoon ang ginagawa niya gabi-gabi... Sumasayaw ng ganoong itsura sa harap ng napakadaming kalalakihan... mag-i-entertain ng customers na karamihan ay mga DOM... and worse.... sumasama sa kung sino-sinong lalaki para lang kumita.

I really don't know what brought her to that place pero parang hindi siya nababagay sa lugar na iyon...

Her simple look speaks innocence. Pero nag-iiba ang awra niya kapag nakasuot na siya ng dance suit... dagdagan pa ng maskara na iyon.

I will have her forget her job.

Pero di lang naman iyon ang magagawa ko kung sakali... I can use her to my advantage... to know details about Donny. Ano ang nagyari dito at sa pamilya niya noong mga panahong wala ako. Pwede kong magamit ang mga nalalaman niya.

Napangiti ako sa isiping iyon.

Dance For LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon