(Author's note: Dyosmi nakalimutan ko ang disclaimer. Naupload agad! Mga bata, tsupi! Skip this part. SPG to!)
***Dale's POV***
Sobrang bigat ng kalooban ko.
Akala ko ay okay na pagkatapos niyang malaman na anak niya si Reyn.
Mas komplikado pa pala.
Lalo na ngayong nandiyan ang pamilya niya...
Tapos hinihingi niya ang full custody ng anak ko?
Kahit anong mangyari ay hindi ako papayag.
At lalong hindi na ako papayag na diktahan niya pa ang buhay ko.
Hindi ko maikakailang natatakot ako sa maaring kahinatnan ng kaso kung sakali.
Sino nga ba ang papanigan ng korte?
Ako na walang trabaho? O siya na maraming pera?
Kailangan ko ng gumawa ng paraan.
Pero paano nga ba? Ngayon pang nanganganib na ang trabaho ko kay TeacherG....
Ano kaya kung mag-apply ako ng ibang trabaho? Second year din naman ang natapos ko... Kaya ko naman siguro ang mga clerical jobs... May experience din ako sa pagiging cashier...
Pero kailangan ko ng mas maganda-gandang sweldo... Para kahit hindi na kami umasa kay EJ.
....
Nasa gitna pa rin ako ng pag-iisip nang biglang bumukas ang pintuan.Si EJ.
"Dale... I'm sorry... I know this is hard for you... Pero 'wag mo namang ipagkait sa akin ang anak ko... Three years.., three years ko siyang hindi nakasama... Sana maintindihan mo ako..."
"Hindi ko ipinagkakait ang anak ko... Hindi lang ako papayag sa sinasabi mo... Kung gusto mong sumuporta bilang ama nasa saiyo iyan... Pero hindi mo siya pwedeng ilayo sa akin... Gagawin ko rin ang lahat para sa anak ko..."
"So saan mo gustong tumira?"
"Sa dati... Mas panatag ang loob ko doon."
"Ayaw mo bang ikuha ko kayo ng malaking bahay?"
"Salamat pero hindi na. Okay na kami doon."
"Dale... Paano ko pa ba mababago ang isip mo?"
"Tapos na tayong mag-usap EJ... Hinihintay ko na lang si baby na magising tapos uuwi na kami."
Nakita ko ang lungkot sa kanyang mukha.
Nagpapaawa ba ito?
Ayoko siyang tignan. Baka madala lang ako. Kailangan kong manindigan... Hindi lang para sa anak ko kundi para sa sarili ko.
"Please stay for the night.." Nakikiusap na tinig nito.
Napatingin ako dito.
"Gusto kong makatabi sa pagtulog ang anak ko..."
Nakita ko ang luhang pumatak galing sa mata niya.
"Ibigay mo na itong gabi sa akin Dale... Gusto ko kayong makapiling pareho..."
Tama ba ang narinig ko?
Lumapit ito sa akin at umupo sa tabi ko.
"Wag kang magagalit... I'm still determined to file the case... Para 'to sa anak natin... I want the best for him... Gusto kong ibigay sa kanya ang lahat... Gaya ng sabi mo... aayusin ko ang gusot sa pamilya ko... I will... Sa ngayon hindi pa ako makapag-isip... Ang daming nangyayari... Sunod-sunod... Ni hindi ko pa nga natatapos ang problema ko kina Uncle Charles... Hindi ko na alam Dale...."