***EJ's POV***
"Sir, hindi pa nga po siya pumapasok ulit eh. Pero may nakapagsabi na pumunta siya dito noong isang araw pero umalis din daw kaagad."
"Ha? Where could he be right now?"
"Wala po akong akong idea Sir. Si Sir Charles na nga po ulit ang nasa opisina niya. Lagi ring nandito si Madam."
What happen to Donny?
"Err... Do you have his number?"
Tila natigilan naman si Christian. I know why. Bakit ko nga naman kukunin ang number ng inaakala niyang kalaban ko?
"Uhm, pede ko pong kuhanin sa taas, Sir."
"Ah never mind. I think I have someone who knows it. Sige balitaan mo na lang ako. I have to go."
"Okay po, Sir."
I decided to call Dale na agad niya namang sinagot.
"Oh EJ."
"Dale, did he contact you yet?"
"Sino?"
"Si Donny."
"Wala pa. Simula ng umalis siya ng hospital wala pa akong balita sa kanya. Bakit, hindi pa ba kayo nagkausap?"
"No. Hindi pa. Wala naman akong number niya. May nakapagsabi sa akin na hindi na siya pumapasok ng opisina. I'm feeling something weird."
"Hala ano na kayang nangyari kay Donny? Sige, sige at tatawagan ko. Puntahan ko na rin mamaya pagkalabas ko ng opisina."
I'm not surprised of her reaction but I couldn't help to feel a little bit jealous. Buti pa kay Donny lagi siyang nag-aalala.
"No, delikado. Wag ka na rin palang mag-commute. Sunduin kita mamaya. Baka nasa paligid lang kasi si Uncle o kung sino mang alagad niya. Just give me Donny's number. Ako na ang bahala sa kanya."
"Okay. Send ko saiyo. Balitaan mo agad ako ha... at EJ..... mag-iingat ka."
I was somehow touched sa huling sinabi niya.
"I will. Para sainyo ni baby Reyn. I'll tell Marco as well na huwag ka na munang isasama sa mga meetings niya sa labas or better yet pagbakasyunin ka muna hangang sa matapos ito. Hindi ako mapakali eh."
"Ha?"
"Basta. I'll fetch you later. I'll be there by six. Hintayin mo ako. Bye."
"O-okay."
Kailangan naming makasiguro. I'm not sure what's Uncle is thinking right now. Baka idamay niya pa ang mag-ina ko. I should be ready.
---
Matapos kong mareceive ang number ni Donny kay Dale ay tinawagan ko agad ito. Pero hindi nito sinasagot ang telepono.
Answer the phone Donny! What's happening to you?
Pinipilit kong alisin ang kaba sa dibdib ko. Kanina ko pa ito nararamdaman.
Tinext ko siya at naghintay ako ng matagal ngunit wala siyang reply. Hangang makatangap ako ng tawag mula kay Dale.
"EJ, nag-aalala na ako kay Donny. Hindi niya sinasagot ang mga tawag at text ko. Hindi naman siya ganoon. May balita ka na ba? Nagkita na ba kayo? Kinakabahan ako."
So she also texted and called him?
"EJ?"
"Ah eh. Wala pa nga din. Been waiting for his reply kanina pang umaga."