Chapter 5

1K 69 6
                                    

***Daniela's POV***

"Girl! You've been doing great!" pansin sa akin ni Teacher G.

"Thanks Teacher G! Syempre magaling kayong magturo eh."

"You know I love this class. But I need to tell you something guys. Listen up!" at tumigil siya sa gitnang harapan.

"I'm going on a long vacation..."

"Ohhhh!"

Halos sabay-sabay at pare-pareho pa kami ng reaksiyon.

"Wait! Di pa ako tapos..."

At nagpatuloy siya. Di ko pa man naririnig ang kabuuan ng sasabihin niya ay nalulungkot na ako.

"It's for two months... or depende.... I have to fly to the US 'coz my mom is sick.." malungkot na balita nito.

"Oh! Sorry to hear that Teacher G."

"We'll pray for her Teacher G."

"Thanks guys. Don't be sad that I won't be here. Di ako aalis ng wala akong kapalit and I'll make sure na magaling din siyang tulad ko, okay? I'll be back, don't worry. Your schedules won't be affected okay?"

"That's fine, Teacher G. Hope your mom get well soon."

"Salamat sainyong lahat guys! Sana sa pagbalik ko nandirito pa rin kayo..."

"Makaka-asa po kayo Teacher G."

"Don't worry Teacher G!"

"Alright! Let's call it a day! See you all next week! Bye everyone!"

"Bye Teacher G!"

Medyo nalulungkot ako sa pagpapaalam ni Teacher G. She's the greatest dance instructor I've ever had. Ang dami kong natututunan. I'm into modelling pero parte ng passion ko ang pagsasayaw. My entire week won't be completed kung wala akong dance session sa kanya.

Lumabas na ako ng studio and as usual ay naghihintay na naman ang napaka-sweet kong boyfriend.

Siya na yata ang pinaka-mabait, pasensiyoso, mapagmahal at maunawaing lalaking nakilala ko. That's why I love him so much.

"Hon! Kanina ka pa?"

"Nope! Kararating ko lang. Let's go?"

"Yup."

"Oh bakit malungkot ka yata?" kabig nito sa bewang ko habang naglalakad na kami.

"Mami-miss ko lang si TeacherG. She'll go to the US kasi may sakit daw ang mom niya."

"Ohhh. So wala na kayong session?"

"Meron pa din. Sabi niya ay hahanap daw siya ng kapalit niya pansamantala."

"Oh yun naman pala."

"Eh siyempre mas magaling siya."

"Malay mo naman magaling din iyong kapalit niya."

"I doubt it. Siya lang ang pinakasikat at pinakamagaling na instructor sa buong Pilipinas. That's why I enrolled in her class."

"Just wait 'til you meet the new one. Hindi naman siguro kayo iiwanan ni TeacherG na hindi okay iyong kapalit niya."

"Ewan."

"Gusto mo ako na lang magturo saiyo?"

Bigla akong natawa sa kanya.

"Hon naman eh. Parehong kaliwa ang mga paa mo noh?"

"Hala, how would I walk kung parehong kaliwa?"

"Hahhaa. Ewan ko saiyo hon."

"Oh at least tumawa ka na..."

"Yeah. Thank you..."

Tahimik na ulit kaming naglakad papunta sa carpark.

"Ba't ikaw naman ang tahimik?"

"Huh?"

"May problema ba? Kamusta nga pala sa company ninyo? I heard your Dad is ready to give you his throne."

"Ha? Nope. Hindi.... Hindi pa.."

"Why? Ayaw mo ba?"

"Hindi sa ganoon... I'm just not ready... and I think I'm not truly deserving on having that position..."

"Eh ikaw lang naman ang kaisa-isang tagapagmana niya... so it should be you..."

I'm not sure why he's acting this way. Parang hindi niya gustong pamahalaan ang sarili nilang kompanya.

"Hon..."

"Hmnnn?"

"What if..... what if mahirap lang ako... mamahalin mo pa kaya ako?"

Hindi agad ako nakasagot sa pagkabigla. Saan ba kumukuha ng hugot 'tong boyfriend ko?

"May problema ba hon?"

"No. None. But I'm asking you... will you still love me kahit mahirap lang ako?"

"Alam mo nagpapatawa ka na. Gutom lang iyan. Lika na. Doon tayo sa bagong bukas na resto nina Auntie sa may BGC."

***Donny's POV***

Soon my Dad will make his announcement. We've talked last week at nais niya nang ibigay na sa akin ang pamamahala ng kompanya. Nasa alanganin itong lagay ngayon. But I told him that I don't want it because someone has the right of it. As expected ay nagalit siya.

"What are you even thinking Donny? No one deserves my post but you. No one deserves that company but us. Only us and no one else... Ikaw ang magpapatuloy ng pamamahala ko... and you don't have the right to argue!"

"But Dad! Paano kung magbalik siya? Paano kung..."

"Stop it. He'll never come back. Wala na siyang babalikan!"

And he walked out the door.

"Hon..." pansin ulit sa akin ni Daniela.

"May sakit ka ba? Parang wala kang ganang kumain?"

"Ahm sorry, hon.."

"Gusto mo bang pag-usapan?"

"Hmmn.. Ang alin?"

"Iyang dinadala mo... you can share it with me... para hindi masyadong mabigat..."

"Nope. This is nothing... Masama lang talaga ang pakiramdam ko."

"Okay. Hindi mo agad sinabi... After this uwi na tayo para makapag-pahinga ka na.."

"Yeah..."

She doesn't know anything. She doesn't have to.

Hindi ko kayang sabihin sa kanya ang  totoo. Natatakot nga lang ba ako?

Ewan ko nga ba at mas nasasabi ko pa ang mga sikreto at mga bagay na iyon kay Dana, ang babae sa club.

Ang babaeng minsan kong minahal. Hindi niya nga lang din alam.

Napapadalas ang tambay ko sa club na iyon pagkatapos ng trabaho. Kung pwede nga lang bayaran ko na ang isang buong buwan ng bawat gabi niya nang hindi siya magdududa ay ginawa ko na. Parang ayaw ko siyang nakikitang nai-ti-table ng iba't-ibang mga lalaki na karamihan ay mga DOM.

Problema sa kompanya at problemang personal ang pinagdadaanan ko... at malaking tulong sa pagpapagaan ng aking kalooban ang makita at makausap si Dana. Masaya kasi itong kausap kahit hindi masyadong nagkukwento ng tungkol sa buhay niya.

"Hon, nandito lang ako ha. If you're ready..."

I held her hand. Nako-konsensiya din ako. She's my girlfriend but I'm not still ready to confide those things to her... Maybe in time...

My girlfriend is a very smart woman so alam kong soon enough ay may malalaman din siya... But I'm not ready for it.

"Don't worry about me, okay? But hon, I really appreciate your concern for me... I know how much you care about me and I do the same way to you... Hayaan mo lang akong ganito... I'm fine hon. I love you..."

"Okay... I love you too!"

And she kissed me...

Dance For LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon