Chapter 36

1.6K 132 56
                                    

***EJ's POV***

It's Saturday today.

Maaga pa lang ay umalis na ako ng bahay para puntahan ang aking mag-ina.

I just want to spend time with baby Reyn and Dale over the weekend.

Nagulat si Dale nang mapagbuksan niya ako ng pintuan.

"Good morning!" I smiled widely at her.

"Anong ginagawa mo dito? Ang aga pa... Tulog pa si baby."

"Wala... I just want to be with the both of you today and tomorrow... Baka maunahan na naman kasi ako ng boss mo...." I almost whispered the last statement.

"Ano?"

"Nevermind."

"Halika, pasok ka. Nag-almusal ka na ba?"

"Not yet. Ipagluluto mo ba ako?"

"Nakapagluto na ako kanina pa. Halika na. Sabay ka na sa akin. Mamaya pa iyon gigising si Reyn. Ang tagal naming nakatulog kagabi dahil sa paglalaro."

How I wish makasama ulit nila ako sa paglalaro tuwing gabi bago matulog.... tulad ng dati.

I miss those moments with them. I miss them so much.

Hindi ko mapigilang pagmasdan ang itsura niya.

She looks so fresh dahil bagong ligo lang ito. Amoy na amoy ko pa ang shampoo na ginamit niya. This makes my morning senses alive and even better.

"Pasyal nga pala tayo paggising ni baby?" I told her.

"Ha... Ah eh... Sige.... ikaw ang bahala..." tila nagdadalawang-isip pa ito.

"Na-miss ko itong breakfast."

I mean it.

At hindi lang naman breakfast ang nami-miss ko actually...

She then became silent for a moment.

"Nakakapagluto ka pa ba ng breakfast bago pumasok?"

"Oo naman... pati lunch na babaunin ko dito ko na rin niluluto."

"Nagbabaon ka?"

"Yup. Ayoko kasing magbibili doon sa labas ng opisina. Bukod sa mahal, hindi naman masarap ang pagkain."

That's one thing I love about her... She doesn't spend much.

"Sabagay... Mas masarap ka nga naman talagang magluto."

She smiled a bit.

"Pwede bang dito na rin ako mag-breakfast?"

"Ha?"

"Kung okay lang saiyo, dito na rin ako magbi- breakfast. Para ako na rin ang magpapakain kay Reyn tuwing umaga."

Tinignan ako nito.

"Ikaw ang bahala. Isasabay na lang din kita kung ganoon. Pero usually kasi maaga akong umaalis, so kayo na ni Reyn ang magkakasabay kumain."

"That's fine."

"Okay."

Nagpatuloy kami sa pagkain.

"Nagkausap nga pala kami ni TeacherG. Nagkasalubong kami kahapon."

I look at her and she's waiting for me to continue.

"Hinahanap ka niya. Hindi niya daw pala alam ang number mo."

"Sinabi mo bang magkakilala tayo?"

"Yup. Pero hindi ko ibinigay iyong number mo... Di ko kasi alam kung gusto mo siyang kausapin. I asked for her number instead... Sabi ko sasabihan na lang kita. Here...." and I gave her TeacherG's calling card.

Dance For LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon