***EJ's POV***
"Where are you? Nandito na ako sa may tapat ng sinasabi mo?"
"Malapit na po ako Sir. Pasensiya na kung diyan tayo magkikita. Baka kasi may makakita sa atin kung sa cafe or resto pa tayo mag-meet."
"Okay. Dala mo na ba?"
"Yes sir. Kumpleto po."
"Good. Hintayin na lang kita dito."
I've waited for Christian. Mag-a-alas siete pa lang ng umaga.
Lumabas ako ng kotse at naisipang sumandal sa isang puno para magpahangin.
I stared at my cellphone. Naisipan kong kalikutin ito.
I stalked on my cousin's social media accounts.
Ngayon ko lang naisipang gawin ito.
Dahil sa galit noon, kinamuhian ko silang lahat as I couldn't determine kung sino talaga ang kalaban at kung may kakampi pa nga ba ako.
I hated even my cousin. As a bestfriend, I felt his care pero di ko rin maiwasang mag-isip lalo na't only son siya ni Tito Charles.
Napatigil ako nang mahanap ko na ang account niya.
Hmmnnn. So may girlfriend na pala siya. Is he engaged?
Nakita ko kung paano pumulupot sa kanya sa picture ang babae.
Teka, I think I know her...
Yeah, I remember she's one of my flings during school days.
Well, they look good together.
I'm just not sure kung paano natagalan ng pinsan ko ang attitude ng babaing to... the brat. Maybe he's just in love or maybe she had change.
I'm scrolling down to see his photos when a woman pass by in front of me.
Tinignan ko kung saan siya nangaling.
Mysterious Fantasy?
Di ba't isang club ito?
The woman is beautiful yet so simple. Naka-damit siya ng mahabang palda at medyo fitted blouse at tinernuhan ng flat na sandals. Ngunit tila wala ito sa sariling naglalakad.
I couldn't help but stare at her.
She really got my attention.
Her long shiny black hair is swaying while she walks. Parang ang sarap hawakan.
Pero anong ginagawa niya sa lugar na iyon ng ganitong oras?
Hmnn. Baka naman kamag-anak niya ang may-ari nito. Mukha siyang manang kung manamit at hindi naman siya bagay sa mga ganitong lugar. I know the kind of place.
She continued walking at tumigil para mag-abang ng masasakyan.
A taxi came and I saw Christian got off.
Even Christian couldn't help staring at her.
Sumakay na ito nang tuluyang makababa si Christian sa parehong taxi.
Sinundan din ng tingin ni Christian ang papalayong taxi.
"Hi Sir!"
"Good morning."
"Ang ganda naman ng babaing iyon."
"Di ko masyadong nakita ang mukha. Pero it's obvious, natulala ka nang sumakay siya."
"So you were staring at her, too. Sir ha..." nanunudyong sagot nito.
"Well, she looks familiar... Parang nakita ko na sa kung saan."
