Chapter 39

928 92 12
                                    

***Dale's POV***

Hindi ko alam kung bakit tila lumalala ang kaba sa dibdib ko.

Kasalukuyang naglalaro sina Reyn at Donny sa living room. Hindi ko pa din nakikita ang mga magulang niya.

"Dale, are you okay?" tila napansin nito na hindi na ako mapakali.

"Ha? Oo naman. Nasaan nga pala ang parents mo?"

"Maya bababa din sila.... baka nasa library lang. Ang saya pala nitong kalaro ni baby Reyn. Sana noon pa sinama mo na siya para lagi kaming nagba-bonding. You know that I was longing for my.... nephew.... Sayang. Kasing edad na din sana siya ni Reyn. Pero I'm glad na may Reyn pa pala akong makikilala. Siguro lukso ng dugo itong tinatawag.... kasi ang gaan ng loob ko sa kanya. Look at him Dale, siya din oh. Close na agad kami... Di ba Reyn? You like Tito Donny?"

Ngumiti naman si baby Reyn at tumango.

"I like him. Sana lagi ko na siyang makikita Dale..." patuloy nito.

"Magpakasal ka na kasi para magkaanak ka na din..."

"Medyo malabo pa...." sagot naman nito.

"Pero sana hindi doon sa Danielang iyon..." halos pabulong kong nasabi sa kanya.

Napatingin siya sa akin.

"Sorry." Bigla kong nasabi.

"She might be here later."

"Ano?"

"Why? Gusto kong makilala mo rin siya. You told me once na mag-iingat ako sa kanya. I want you to tell me again kapag nakilala mo na siya."

"Ikaw yata ang hindi pa nakakilala sa kanya Donny..."

"What do you mean? Is there anything that I should know?"

"Alamin mo na lang. Ayokong sa akin mangaling iyon. Baka nagkakamali lang din ako... Pero bilang kaibigan... Nagpapaalala lang ako saiyo..."

Nagpatuloy kami sa pagkuwentuhan ni Donny habang naghihintay kay EJ.

Nang biglang...

"Papa! Papa!" Nagsisigaw si Reyn habang nakatingin sa bagong dating na si EJ.

Napalingon naman kami ng sabay ni Donny.

Nasa may pintuan pa rin si EJ at hindi maipinta ang mukha nito.

"Dale! Get your things! We're leaving!"

"Bro. Halika upo ka muna. I want to talk to you."

"Wala kang karapatang dalhin dito ang mag-ina ko, Donny!"

"EJ..." ang tangi kong nasabi. Tila mataas na ang tensiyon kay EJ.

"Bro... I'm sorry but this is the only way I know para makipag-usap ka sa akin... About those things. Iyong mga paratang mo... Those are not clear to me... Di ko alam kung ano ba ang nagawa ko para magalit ka sa akin ng ganyan... All I know is ikaw ang umalis at hindi na nagpakita... Naiwan sa akin ang responsibilidad mo sa kompanya na dapat sana ay ikaw ang humahawak.... Alam mo ba kung ano ang pakiramdam ng maiwanan ng responsibilidad ng iba? Di ko na nagawa ang gusto ko... I was not able to live the way I want to... Tapos ngayon babalik ka na parang ang sama-sama pa ng ginawa ko?..,, Ano ba naman, bro?"

"You know exactly why I left!"

"Honestly bro... Hindi ko alam ang sinasabi mo... Yung kasong ibinibintang mo sa akin... sa akin at ng pamilya ko... na pamilya mo rin... Wala akong idea about it..."

"Hindi tayo pamilya! You never treat me as one. Walang kapatawaran ang ginawa ninyo sa akin! Kayo! Sila Uncle! You all tried to kill me! Para ano? Para mapunta sainyo lahat ng ari-arian namin? Ano bang kasalanan namin sainyo ha!?"

"What?! I don't know what you're talking about bro... Wala akong interest sa yaman mo. You can get your company back, I don't care! Pero wag mo kaming pagbibintangan ng ganyan. Hindi kami mamamatay tao...  Pamilya tayo dito Edward! Bakit ka nakakapag-isip ng ganyan?"

Tumataas na rin ang boses ni Donny.

"I have all the evidences para patunayan na unti-unti ninyo akong pinapatay noon. All the medicines na ibinigay sa akin... I almost got totally crazy and killed! Ngayon sabihin mo sa akin na mali ang ibinibintang ko!"

"I don't know what you're saying..."

Nang biglang may magsalita mula sa taas ng malawak na hagdanan.

"Bravo! At nandito na pala ang prodigal son!"

Kung hindi ako nagkakamali, eto ang Uncle Charles na sinasabi ni EJ.

"You!"

Nakita ko ang galit sa mukha ni EJ habang dinuduro ang kanyang tiyuhin na pababa ng hagdan. Nakasunod naman dito ang kanyang asawa.

Akmang susugurin ni EJ ang kanyang Uncle Charles pero maagap si Donny.

"Bro ano ba!"

"Let me go! Pagbabayaran ninyo... lalo na ng lalaking iyan ang ginawa ninyo sa akin!"

"Tumigil ka na!" Napasigaw na rin si Donny.

Ngunit hindi ko inaasahan ang sumunod na ginawa ni EJ.

Sinuntok nito si Donny.

"EJ tama na!" pang-aawat ko sa kanila.

Tumingin ako sa tatay ni Donny para humingi ng saklolo pero tila balewala lang sa kanya ang nangyayari.

Gumaganti na rin si Donny at nagpapalitan na sila ng suntok.

Muli kong tinignan ang kanyang mga magulang. Pero laking gulat ko dahil nakangiti pa ang kanyang ama habang pinagmamasdan ang halos magpatayan ng sina EJ at ang anak niya. Hindi naman kumikibo ang kanyang ina pero tila takot itong mangialam.

"Tama na ano ba!" muli kong sigaw sa kanila.

"Papa! Tito Donny! Bakit kayo away?"

Ngayon ay umiiyak na si Reyn. Agad ko itong nilapitan.

"EJ! Donny! Tama na please!" muli kong sigaw sa kanila.

Ngunit tila walang narinig ang mga ito at patuloy lang sila sa pagsusuntukan.

"Hayaan mo silang magpatayan!"

Nagulat ako hindi lang sa sigaw ngunit sa laman ng sinabi ng sinabi ni Uncle Charles.

Anong klaseng padre de pamilya ba ito? Kinukunsinti niya ang pag-aaway ng sarili niyang anak at ng pamangkin niya?

Dance For LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon