Chapter 48

843 73 20
                                    

***Dale's POV***

Abo't-abot ang aking kaba habang papalapit sa tinutuluyan ni Daniela. Posible daw kasing dito nito dinala si Reyn.

Isa itong bahay na sariling pagmamay-ari ni Daniela ayon kay Donny.

"Sigurado ka ba dito Donny?"

"Malakas ang kutob kong dito niya itatago kung sakali si baby Reyn. Malamang ililihim niya ito sa parents niya. Malayo ito sa bahay nila."

"Bakit ba kasi idinamay niya ang anak ko? Wala naman akong kasalanan sa kanya."

"Ayoko na ring alamin ang motibo niya. Sila lang ni Edward ang makakasagot niyan."

Nakikita ko ang sakit at hinanakit na nararamdaman ni Donny. Bigla akong naawa dito.

"Dale, ang importante makuha natin ang anak mo."

"Salamat Donny."

Agad na pinindot ni Donny ang doorbell sa gilid ng gate.

Maya-maya ay bumukas ito at lumabas ang isang katulong.

"Sir Donny! Ikaw po pala. Bakit ngayon ko lang po uli kayo nakita?"

"Manang! Ahm naging busy kasi ako eh. Nandiyan ba ang ma'am Daniela mo?"

"Nasa loob po. Pasok po kayo!"

Hindi na kami nag-atubiling pumasok ni Donny.

"Manang sino iyan?"

Agad kong nabosesan si Daniela.

Bumangon ang dating inis na nararamdaman ko para dito.

"Oh Donny! What brought you here? Oh hey! Why are you with... Teacher D? Don't tell me napalitan mo na ako agad? But.., why her? Errr! Naiba na yata ang taste mo?"

Naramdaman ko ang tila pangmamaliit na mga titig nito sa akin.

"Stop it Daniela! Hindi ako pumunta dito para saiyo."

"So why are you here? At bakit kasama mo pa siya?"

Halata rin ang pagkainis sa boses niya. Noon pa man ay mabigat na talaga ang loob namin sa isa't-isa. Hindi ko rin alam kung bakit.

"Nasaan ang pamangkin ko? Nasaan si Reyn?"

"What are you talking about? Anong pamangkin ang sinasabi mo?"

"Don't play games Daniela. Si Reyn. Ang anak ni Edward. Nasaan siya?"

"At bakit bigla ka yatang naging interesado? The last time I checked, you're enemies, right?"

"Ilabas mo ang anak ko Daniela!"

Biglang nabaling ang atensyon nito sa akin at halata ang pagkagulat sa kanyang mukha.

"Wait what?! Anong sinabi mo?"

"Tama ang narinig mo! Ilabas mo ang anak ko! Anak namin siya ni EJ!"

"No! Hindi totoo iyan! Sinungaling ka! At bakit ka naman aanakan ni Edward? Who do you think you are?" pagtataray pa rin nito.

Biglang pumagitna si Donny. Alam kong ramdam niya ang pagkulo ng aking dugo.

"Anak si Reyn nina Dale at Edward, Daniela. Kaya kung pwede ibalik mo na ang bata sa nanay niya ng maayos."

"Malandi ka rin talaga! Hindi lang pala si Donny ang inagaw mo! Pati pala si Edward? At nagpabuntis ka pa sa kanya? Mautak ka rin ano? But NO! Akin lang si Edward!"

"Hon?..... W-why?" nakita ko ang maluha-luhang mukha ni Donny.

"I'm sorry. Pumatol ako saiyo dahil akala ko tuluyan ng nawala sa buhay ko si Edward. College pa lang kami... si Edward na Donny. Honestly, I didn't know that you were cousins. Hindi ka naman kasi sa school namin nag-aral di ba? That's why I didn't know you. Then nawala siya and I went abroad and pagbalik ko, nakilala kita. Pero nang makita ko ulit siya... I know deep in my heart na siya lang ang tanging lalaking makakapagpaligaya sa akin. He's my soulmate.... and we were meant to be business partners dahil sa kanya rin pala ang company na minamanage mo, hindi ba?"

Dance For LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon