Chapter 45

859 92 14
                                    

***Donny's POV***

Tila nagising ako sa matagal na pagkakatulog.

Anong nangyari?

Where am I?

Bumangon ako at iginala ko ang aking paningin.

Pamilyar sa akin ang paligid.

Isang malawak na silid.

Paano ako napunta rito? Kanino nga ba ito?

Naagaw ang aking pansin ng mga nakasabit na larawan sa dingding.

Lola? Lolo?

Kumabog ang dibdib ko.

Bakit naririto ang larawan nina lolo't lola?

Naglakad ako at tinignan ko ang iba pang mga larawan na nakasabit.

N-ninong?

I can't help but tear up nang makita ko ang kanyang larawan na nakangiti. Tila sa akin siya ngumingiti.

Ninong.... Hindi ko akalaing ikaw pala ang totoo kong ama... Bakit hindi tayo nagkasama ng matagal?

Di ko mapigilang haplusin ang mukha niya.

I'm your son. Nalulungkot akong isipin na hindi kita nakilala bilang ama noong nabubuhay ka pa. Pero nagpapasalamat pa rin ako sa mga maiikling panahon na nailaan mo sa akin, sa pagpapakita mo ng pagmamahal... kahit hindi mo alam na anak mo pala ako. I'll treasure those moments with you.... Dad....

---
I'm still figuring out kung kaninong bahay ito at kung bakit ako nandito nang biglang tumunog ang cellphone ko.

Nakita ko ito sa mesita.

Unknown number. Sino naman kaya ito?

I answered the call.

"Yes, who's this?"

"Buti naman at gising ka na."

"Bro?" agad kong nakilala ang boses ni Edward.

"Are you okay, now? I need your help, Donny."

Help? Bakit siya hihingi ng tulong sa akin?

"Bro, first off, ikaw ba ang nagdala sa akin dito? Nasaan ba ako?"

"That's.... that's o-our granny's house. I took you from that hotel you were staying in. Anyway.., like what I've said... I need your help. Donny... Nawawala si baby Reyn... Nawawala ang anak ko.... May kumuha sa kanya... I'm in a police station right now and I need you to do something for me right away."

"Huh?! Si Reyn? Nawawala si Reyn?! Kailan pa?! Sinong kumuha sa kaniya? Nasaan si Dale?"

"Oo... Please gawin mo muna ang ipapagawa ko... I can't be there right now. I need you to send me the cctv footage diyan sa may gate. You can get it from my laptop. I'll give you the access."

Diyata't may kumuha kay Reyn?

Sino? Posible kayang si Dad?

"Are you listening?"

"Ah yeah. Where's the laptop?"

"Sa kabilang room, it's on the left when you get out of that room."

"Okay. Okay, wait."

Agad ko namang nakita ang laptop sa ibabaw ng kanyang kama.

So this is where he's staying all this time?

Ibinigay sa akin ni Edward ang access at pina-save niya ang video. Agad ko rin itong ipinadala sa kanya.

Nakita ko mismo sa video na may tatlong lalaking tumatakbo at ang isa ay may bitbit na bata. Kahit medyo may kalayuan ang kuha ay alam kong si baby Reyn ang bata sa footage. Sumakay ang mga ito sa isang kotse na naka-park malapit sa may gate.

Dance For LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon