***Donny's POV***
Maya-maya na ang company party.
I'm still thinking kung tama nga ba ang mga mangyayari.
Dahil para sa akin personally, hindi.
Pinagmasdan ko ang tuxedo na nakasabit sa hanger. Pati na rin ang maliit na mask. Ayon sa coordinator ng party, isang masquerade ball ang theme nito.
Bawat taon naman ay may year-end party ang kompanya. Pero hindi nga lang talaga ako uma-attend. I feel like I'm just a small part of it and I'm not needed sa mga ganoong pagtitipon. Though malaki din naman ang naitutulong ko sa pagtaguyod nito, but I know, what I've done wasn't enough to be hailed as---
Hay! Ayoko ng isipin...
I drink another shot of whisky.
Hangang makarinig ako ng mga katok sa pinto.
"Come in."
Bumukas ang pintuan at iniluwa nito sina Mom and Dad.
"Son, bakit hindi ka pa naka-bihis? At umiinom ka na?"
Si Mom habang inaagaw sa akin ang baso ng whisky.
"Compose yourself Donato! Hindi pwedeng haharap ka sa mga tao na parang isang weakling!"
"Dad, can we just not push through with it?"
"Dahil naduduwag ka? Naduduwag ka sa responsibilidad?"
"No Dad! You know what my reason is."
"I don't have time to argue! Magbihis ka na. Baka ma-traffic ka pa sa daan. We'll go ahead."
"But Dad..."
"No buts! And don't you dare make any negative move later, son. Lika na Elena."
My Mom stared at me like she wanna hug me pero hinila na siya ni Dad.
Napilitan akong magbihis.
Kakatapos ko lang nang makatangap ako ng tawag mula kay Daniela.
"Hon... Sorry... masama ang pakiramdam ko... I don't think kakayanin kong um-attend sa party ninyo... As much as I want to pero..."
"That's fine hon. Magpahinga ka na lang. Your health is more important okay? Inom ka na ng gamot. I'll just update you later."
"Sorry talaga, Hon.."
"That's fine."
"I love you!"
"I-I love you, too."
Eto pa. Ang nag-iisang taong inaasahan kong makukuhanan ko ng suporta ay hindi pa makakapunta.
I'm all by myself now.
Kung nandito lang sana siya. Hindi sana mangyayari ang lahat ng ito.
Bakit ka kasi nawala, bro?
Nasaan ka na ba?
Kilala mo ako... I do not take what is not mine...
Pero ngayong gabi mukhang wala na akong choice.
I'm sorry, bro!
Kung nasaan ka man. Sana mapatawad mo kami... Lalo na si Dad. Gagawin ko rin ang lahat para ibangon ang pinaghirapan ninyo ni Tito... You know my intentions are... Sa lahat, ikaw ang nakakakilala sa akin.
I couldn't help but teared up habang pinagmamasdan ko ang childhood picture namin ni EJ.
We're best of friends... Not just cousins... We're like more of true brothers.