Chapter 40

1K 105 33
                                        

***Dale's POV***

"EJ! Please! Tama na!"

Ngunit parang wala pa ring naririnig ang dalawa.

"I've waited for this moment for so long! At last! Look Kevin! They're gonna kill each other! Sana nakikita mo ito ngayon! Sa wakas makakaganti na rin ako saiyo ng tuluyan. Hahahaha!"

Napalingon ako sa sinabi ng kanyang Uncle. Diyata't tuwang-tuwa pa talaga siyang magpatayan ang dalawa? At ano ang sinasabi niyang "makakaganti"?

"Charles tama na! Utang na loob! Itigil mo na ang lahat ng ito! Minahal ko na rin si Donny! Anak na natin siya!" sigaw naman ng asawa nito.

"Bakit mo siya mamahalin, ha? Siya ang bunga ng kataksilan nina Kevin at Karina! Nakalimutan mo na ba, ha? Sila ang dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito sa akin!"

"Pwede bang kalimutan mo na lang ang lahat? Nandito pa ako Charles! Tinangap kita! Pero kailan mo ba ako matatangap?! Naging pamilya naman tayo kasama si Donny."

"Hindi! Hindi ko siya pamilya! Hindi ko siya kadugo! Isinusumpa ko ang lahi nila!!"

"What?! Dad?! What are you saying?"

Si Donny. Bigla na lang siyang kumawala kay EJ nang marinig ang sinabi ng Daddy niya.

Gulantang din si EJ sa kanyang narinig.

Pero tumawa lang ng mapakla ang Daddy niya.

"Go! Kill him! I'm giving you the favor, Donny. Hahahaha!"

"Dad? You're crazy!"

"Don't call me that! Hindi kita anak! Hindi kita kaano-ano! Anak ka ng taksil mong nanay sa ibang lalaki!"

"Dad.... Mom?"

Pero umiyak lang ang kanyang Mommy.

Nakita ko ang pagbalong ng luha sa mga mata ni Donny. Puno ng katanungan ang ekpresyon nito na tila hindi kayang sagutin ng Mommy niya.

"Dad..."

"Anak ka niya kay Kevin! Ang walanghiyang si Kevin! All these years. Kevin! Kevin! Kevin! Kahit namatay na siya, sa kanya pa rin pumapabor ang lahat! Naranasan mo di ba? Donny? You were not even acknowledged by your lolo and lola as their grandson! Yang anak niya lang ang itinuring niyang apo! Dahil ako, ni minsan ay hindi nila itinuring na anak! I know ampon ako! Pero lehitimo akong ampon! Pero ano? Si Kevin lang ang kinilala nila! Kay Kevin lang nila ibinigay ang lahat! Tapos ang nag-iisang babae sa buhay ko, nagawa niyang agawin sa akin at buntisin at pagkatapos ay iniwan niyang parang tuta hangang sa namatay! Hindi ko siya kailanman mapapatawad!"

Sumisigaw na ang kanyang Uncle Charles. Nakikita ko ang sobrang galit at poot sa kanya. Namumula ang kanyang mukha habang binibitawan ang mga salitang iyon.

Hindi na rin ako makapaniwala sa mga nangyayari.

"So that's why you killed my parents! Hindi aksidente ang nangyari, di ba Uncle? Di ba? How could you?! Tapos ako, you tried to kill me, too. You made me almost insane! Pagkatapos kang mahalin ni Dad at ituring na kapatid? Ganyan pa ang iginanti mo sa kanya? Sa amin?"

"Hindi ko kasalanan kung bakit sila naaksidente! I didn't know he was driving nang sinabi ko sa kanya ang tungkol kay Donny at Karina! Well it's a good thing that it happened! Hindi ko na kailangang dumihan pa ang kamay ko para mawala siya sa mundong ito."

"Hayop ka! Wala kang kasing-sama!"

"Hahahaha! Oh by the way, wag mo akong sisihin sa nangyari saiyo. It's not just me... You might want to ask your lovely wife?"

"Anong sinasabi mo? Pati si Grace idadamay mo dito? Hindi kaya ikaw din ang dahilan ng pagkaka-aksidente niya? Na ikinamatay ng anak ko?!"

"Oh! You're judging too much, iho!"

"Aminin mo! Ikaw ang dahilan ng pagkamatay ng anak ko!"

"Well for your information, wala kang namatay na anak, Edward! Maybe you can just verify that with your wife."

"Anong sinasabi mo? Buhay ang anak ko?"

"Dad? Anong sinasabi mo?" Nagawa pang magtanong din ni Donny.

Ramdam ko ang galit at lungkot ni EJ. Kahit ako man sa kalagayan niya ay baka di ko kayanin ang mga naririnig ko.

"Hahahaha! Palibhasa mana ka sa daddy mong walang pakiramdam! Ni hindi mo alam na it was not even your child? Na niloko ka lang ng asawa mo? Kaya siya nakipagsabwatan sa akin sa takot na sabihin ko saiyo ang totoo. Poor you! Hahahaha! Matagal ka ng iniputan ng asawa mo sa ulo bago pa man kayo ikasal!"

"That's not true!"

"Well, nasaiyo iyan kung maniniwala ka. I don't care anymore kung ano ang paniniwalaan mo! Ang gusto ko lang ay mawala kayong lahat sa landas ko!"

"Charles, tama na!"

"Tumigil ka Elena! Alam mo lahat ng pinagdaanan ko!"

"Tama na! Matuto ka namang magpatawad!"

"Hindi! Hindi ko sila mapapatawad sa nangyari kay Karina!"

"Hayop ka Uncle! You should pay for everything!"

"At ano naman gagawin mo? Papatayin mo ko? Go ahead! Hahahaha!"

Ngunit hindi ko napaghandaan ang ginawa ni EJ.

May binunot ito sa kanyang likod at itinutok sa kanyang Uncle.

Baril!

May baril na dala si EJ!

Biglang nawalan ng kulay ang mukha ng kanyang tiyuhin.

Napatakip din sa kanyang bibig ang asawa nito.

"Edward, no!"

Tinangkang agawin sa kanya ni Donny ang baril.

"Let me kill that man, Donny! You can't s-stop meee!"

"Noooo! Tumigil ka!"

Nag-agawan na sila ng baril.

Sobrang kaba ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.

"Donny, EJ! Tama na! Tama na please!"

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Tila napako na ako sa kinatatayuan ko.

"Papa! Papa! Tito Donny!"

"Reyn! Nooo!"

Nakita kong papalapit sa kanilang dalawa ang anak ko.

Bang!

Isang malakas na putok ang umalingawngaw sa buong paligid.

Pinilit kong hanapin kung saan tumama ang bala ng baril ngunit unti-unti na akong nanghina.

Hangang sa wala na akong maramdaman...

Dance For LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon