Chapter 24

1K 127 36
                                    

***EJ's POV***

I woke up early dahil marami akong dapat asikasuhin ngayong araw.

Kailangan ko ng makuha ang mga papeles para maibigay na ang mga iyon kay Attorney.

Napansin kong nagluluto na si Dale sa kusina.

"Why are you so early?"

Napalingon naman ito sa akin.

"Good morning... May pasok kasi ako ngayon."

"Oh! Biyernes na nga pala..."

"Yup... Mga ten minutes... Ready na itong pagkain..."

"Paano si baby Reyn?"

"As usual iiwan ko muna kila Judy."

"Bakit hindi ka na lang kaya tumigil sa pagtatrabaho? At least maalagaan mo ng maayos si baby Reyn."

"Yun na lang ang tanging meron ako. Ayoko ring bitawan ang pagsasayaw. Tsaka two days lang naman yun... at tiwala naman ako kay Judy..."

Parte na nga talaga ng buhay niya ang pagsasayaw.

"Ikaw ang bahala... Siyanga pala... Baka hindi ako matulog dito mamaya. Marami akong aasikasuhin. Wag kang mag-alala, fully secured 'tong bahay. Di kayo mapapasok ng kahit na sino dito."

"Ganoon ba? Eh di doon na lang muna kami sa bahay mamaya... Wala ka naman pala dito.."

"No... Dito na lang kayo. Babalik naman ako agad bukas. Bitawan mo na nga rin pala ang bahay mo doon. Sayang din ang ibinabayad mo sa rent."

Hindi na siya sumagot.

Nagsimula na itong maghain sa mesa.

"Aakyat lang ako. Tignan ko kung gising na si baby." ang sabi nito pagkatapos.

"Ako na ang kukuha sa kanya."

Umakyat na ako sa kwarto.

Nakita kong gising na si Reyn at naglalaro na sa ibabaw ng kama.

Such a good boy! Hindi siya iyakin.

"Good morning little buddy!"

"Morning Tito EJ! Kiss! Kiss!"

Napaka-sweet naman ng batang ito.

"Lika na. Kain na tayo nila Mama?"

"Karga!"

Napapangiti na lang ako habang tumatayo siya sa kama at umaktong magpapabuhat.

Hindi ko mapigilang dumugin ng halik ang napaka-cute na mukha nito.

Tawa naman siya ng tawa.

Bumaba na kami at dumiretso na sa kusina.

Magkatabing naupo ang mag-ina at sa harapan naman nila ako pumwesto.

Nagsimula akong magdasal habang ginagaya naman ako ni baby Reyn.

Smart kid! Ang bilis niyang matuto.

Naparami ako ng kain hindi lang dahil masarap magluto si Dale kung hindi dahil sa kasabay ko sila. Nasasanay na akong araw-araw kami ganito.

Ngunit bigla kong naisip si Grace.

Ano na nga palang gagawin ko?

***Dale's POV***

Maaga akong nakarating sa studio. Mangilan-ngilang estudyante na ang naroon.

Malapit ng magsimula ng session nang biglang--

"TeacherG!"

Napalingon ako.

Dance For LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon