Chapter 9

904 76 7
                                    

***Daniela's POV***

"...5 6 7 8... and up! Down! And up! Down! Then sway! Sway! Sway! Sway! One more time!"

Our new teacher is quite young. Kasing-edad ko rin siguro ito.

In fairness, tama si TeacherG. Magaling itong kapalit niya. She dances like a pro.

Napapansin ko lang na hindi siya masyadong nakikihalubilo sa amin pagkatapos ng session. Noong ipinakilala pa lang siya ni TeacherG ay napaka-seryoso na nito. Nag-aalangan tuloy na makipag-usap sa kanya ang mga kasama ko. Kahit na ako rin. Mabuti na lang at magaling talaga siya at napapasunod niya kami ng mabilis.

May itsura din siya, parang modelo din ang katawan. Pero nagtataka ako dahil hindi siya familiar sa akin. Kilala ko naman kasi halos ang mga nasa modelling world... lalo na iyong mga sikat...

For sure she's not one of them.

I don't know but for some odd reasons ay medyo alangan ang loob ko sa kanya. Maybe because she looks like a rival for me lalo na sa pagsasayaw. I just feel different. I must admit na mas magaling siyang sumayaw keysa sa akin... Well, instructor nga siya.

Simula ng session kanina ay nakatutok lang ako sa kanya. Para kasing there's something in her na hindi ko maipaliwanag.

"Daniela, right?"

Tumango lang ako.

"Mukhang wala ka sa focus ngayon... Kung hindi buo ang isip mo sa ginagawa natin... You can sit first, pahinga ka... Tell me kapag ready ka na ulit." seryosong sabi nito.

Nawala nga ba ako sa focus?

I feel a bit offended. Lalo na nang magtinginan ang mga kasama ko.

"I'm aways focused, Ms D. I don't know kung saan mo nakuha ang idea na iyan."

I could feel the tension inside the room.

Hindi ko mapigilang makaramdam ng inis. Kung si TeacherG siguro ang nagsabi sa akin ng sinabi niya ay baka natangap ko pa. Pero siya? Bago lang naman siya.

Siya dapat ang mag-aadjust.

"Okay, sinabi mo eh. Let's start from the beginning. Everyone!"

Muli niyang ipinagpatuloy ang pagtuturo.

Nawalan ako bigla ng gana.

Umupo na lang ako sa bench at uminom ng tubig.

Parang wala lang sa kaniya ang sinabi ko. Mukhang hindi siya naapektuhan.

Ni hindi niya na ulit ako pinansin.

Nagpatuloy siya sa pagtuturo hangang matapos ang session na parang walang nangyari.

"See you next week guys! Bye! Ayoko ng may mali-late ha. Please lang."

"Yes Ms D. Thank you! Bye!" halos sabay-sabay na sagot ng ibang estudyante.

Tinignan naman ako nito pero wala siyang sinabi.

Lumabas na rin ako ng studio.

"Hi, hon! How's your session?" tanong ng boyfriend kong kanina pa pala naghihintay sa labas.

"Lika na! Uwi na tayo!"

Nakasimangot kong sagot sa kanya.

'Coz I still feel bad.

"Ha? Why? May nangyari ba?"

"Wala... Nainis lang ako doon sa kapalit ni TeacherG, masyadong...."

"Masyadong--?"

"Ah basta... I don't think I'll like her."

"Hindi ba magaling?"

"Magaling naman... kaso... ewan... Basta..."

"Maganda?"

"Eh ano naman kung maganda?"

Napataas ang kilay ko sa tanong niya.

"Hey, I'm just kidding..."

"Yes, she is. Okay na?"

"Hon, I don't mean anything okay? Tsaka, ikaw pa rin naman ang pinaka-maganda sa paningin ko..."

Bigla akong napangiti.

Ang sweet naman talaga nitong boyfriend ko.

***Dale's POV***

Medyo mas nakakapagod ang maghapon kong trabaho sa pagtuturo. Iba't-ibang schedule kasi sa maghapon ang mga naging klase ko.

Samantalang sa club isang beses lang ako sasayaw tapos wala na. Entertain na lang sa mga customer ang kasunod.

Pero mas masaya pa rin ako sa ginagawa ko ngayon kahit pa nga may mga estudyanteng medyo mahirap pakibagayan. Nasasanay na lang ako. Alam ko naman kasi ang estado nila sa buhay. Kaya gaya nga ng sabi ni Mamang, hindi ko dapat ipakitang mahina ako.

Nakukuha ko naman ang respeto galing sa mga estudyante dahil mabilis silang natututo sa mga itinuturo ko.

---
Hinintay ko munang makalabas ang lahat ng estudyante ko bago ako umalis ng studio ni TeacherG.

Mag-aalas sais na pala ng gabi.

Naisipan kong dumaan sa grocery store para bumili ng gatas at pasalubong sa anak ko.

Medyo madilim na nang makababa ako ng jeep sa may kanto.

Mangilan-ngilang tao pa rin naman ang dumaraan sa kalsada kaya kampante akong naglakad.

Maya-maya ay nakita ko ang ilaw ng sasakyan na nagmumula sa aking likuran. Hindi ko masyadong naramdaman kanina ang tila pagsunod nito.

Napalingon ako dito.

Dahan-dahan naman ang pagpapatakbo ng driver ngunit napatigil ako dahil nasilaw ako sa ilaw nito.

Tumigil naman ang sasakyan. Inaasahan kong bubusina ang driver para tumabi ako pero di niya ginawa. Nakaramdam ako ng kaba.

Ilang sandali din ako sa ganoong ayos saka ko naisipang tumabi. Dahil sa liwanang ay hindi ko maaninag ang tao sa loob nito.

Saka lang ulit ito umandar at dahan-dahan akong nilagpasan.

Bigla ang pagsikdo ng dibdib ko nang makilala ko ang sasakyan. Ito ang sasakyan ng misteryosong lalaki sa lumang mansiyon.

Wala na akong nagawa kung hindi sundan na lang ito ng tingin hangang sa makapasok ng kanilang bakuran.

Bakit hindi niya ako binanga? Bakit hindi siya nagbusina? Kinikilala niya ba ako? Alam kong nakita niya ang mukha ko. Pero hindi ko pa rin nakita ang mukha niya.

Lalo tuloy umusbong ang kuryosidad na makita ang itsura niya.

***EJ's POV***

Damn! She's that woman!

Taga-rito nga siya sa Remedios.

Pero bakit may bitbit siyang gatas ng bata? I could see it right from the grocery plastic bag she's holding.

May anak na ba siya?

Pero wala naman sa itsura niya.

She's still that simple woman I've seen with Christian several days ago.

No make-up. Kahit na nga yata lipstick wala ito. She's naturally beautiful.

I couldn't imagine myself na tinitignan ko siya mula sa loob ng kotse.

Natulala ako kanina. Ilang sandali rin iyon.

I came back to reality nang makita kong tumabi na siya. Dahil siguro masyado na siyang nasilaw sa ilaw ng kotse.

I took a glance of her sa side mirror hangang maka-rating ako ng gate.

God, how I wanted to get out of the car and ask for her name...

Kaso nga lang hindi pwede.

Ayokong may makakakilala sa akin bukod kay Christian.

I don't want anybody to interfere in my plans.

Saka na lang siguro... After ko ng maisakatuparan ang plano ko.

Ayaw ko rin siyang madamay kung saka-sakali.

Dance For LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon