Chapter 16

1K 98 11
                                        

***Dale's POV***

"Ate, pwede po bang magpaalam ako ngayon? Isasama po sana ako ng tiyahin ko sa Sta. Ana. Birthday po kasi ng pinsan ko. Uuwi rin naman po ako agad."

"Ha? Naku, may pasok pa ako ngayon Judy."

"Lingo po ngayon di ba? May pasok po kayo?"

"Ha? Ah eh oo. Pero uuwi din naman ako agad. Tapos babalik ulit ako."

"Kung gusto ninyo po isama na lang namin si Baby Reyn. Tutal pambata naman po iyong party doon."

"Ay naku hindi... Ang ibig kong sabihin... Teka..."

Anong gagawin ko?

"Subukan kong magpaalam...."

"Ate, pasensiya na po talaga. Ngayon lang po. Magtatampo po kasi iyong tiyahin ko kapag di ako sumama."

"Sige, saglit lang. Anong oras ka ba uuwi?"

"Siguro po mga alas-sais nandito na kami."

Nagpaalam ako sa text kay EJ.

Agad naman akong nakatangap ng sagot dito.

'You can bring your child here.'

'Pero malikot itong anak ko. Baka makabasag pa ng kung ano diyan.'

'You'll be with him naman so it's fine.'

'Hindi ba talaga pwedeng mamayang gabi na ako pupunta diyan?'

'I prefer that you come here now kasi ituturo ko saiyo iyong mga gagawin mo dito sa itaas. Ang daming kailangang gawin. We can't do that at night at lalong di ko matuturo saiyo tomorrow. May lakad ako.'

Bwisit talaga itong lalaking ito. Hindi man lang mapakiusapan.

Napabuntong-hininga na lang ako.

"Ate?"

"O sige na. Sumama ka na sa tiyahin mo. Basta uwi ka kaagad ha."

"Maraming salamat po Ate. Hayaan ninyo po ipagbabalot ko na lang kayo ni Reyn ng pagkain."

"Ay naku wag na. Okay lang. Sige na mag-iingat ka. Ako na ang bahala dito."

Umalis na si Judy at naiwan pa rin akong nag-iisip.

Dadalhin ko ba sa mansiyon ang anak ko?

Anong pwedeng mangyari kapag nagkita sila?

Baka maamin ko lang sa kanyang anak niya si Reyn?

Maniniwala naman kaya siyang may anak kami? Parang malabong mangyari iyon. Masamang babae ang tingin niya sa akin. Malamang iisipin niyang ibang lalaki ang tatay ng anak ko.

Nanghihina akong napaupo.

Umayos ka Dale! Hindi mo kailangang ipagpilitan ang anak mo sa kanya. Masaya ka ng napapalaki siya nang mag-isa, di ba? Makakaya mo rin kahit wala ang tatay niya.

"Mama? ...Ate?"

"May pinuntahan si Ate Judy mo baby."

"Di ako sama?" at bigla itong ngumuso at tila naiiyak.

"Di niya ako sama. Di kami nood ng car car."

"Gusto mo makakita ng car car?"

"Opo."

"O sige lalabas tayo. Nood tayo ng mga dumaraang car car sa labas."

"Yeeeyyyy."

Napangiti naman ako sa katuwaan ng anak ko.

Dance For LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon