***Dale's POV***
"Mamang, napag-isipan ko na po. Pumapayag na po ako."
"Salamat naman. Wala na talaga kasi akong makitang kasing galing mo. Nag-aalala na nga ang kaibigan ko."
"Pero sinabi ninyo po ba ang tungkol sa akin? Ang ibig ko pong sabihin---"
"Wag kang mag-alala. Sinabi kong wala akong mahanap dito sa loob ng club. Ang alam niya ay sa labas lang kita nakuha."
"Mabuti naman po kung ganoon. Baka po kasi hindi ako irespeto ng mga estudyante niya kapag nalaman nilang.... alam ninyo na..."
"Naiiintindihan ko... Wag kang mag-alala. Tsaka pansamantala lang naman iyon tapos dalawang araw lang naman kayong magkikita ng mga estudyante kada lingo. Iwasan mo na lang sigurong maging close masyado sa kanila. Isipin mo lang ang trabaho mo. Pero tandaan mo rin, medyo naka-aangat ang estado ng mga estudyante doon kaya wag kang papa-api sa kanila ha? Lakasan mo lang ang loob mo at ipakita mong matapang ka at dapat ka nilang irespeto. Pero hanga talaga ako sa kakayahan mo Dale, kaya ikaw ang pinili ko."
"Maraming salamat po Mamang."
"Itong lingo ka na magsisimula. Bale doon ka na sa studio niya dumiretso sa Biyernes."
"Okay po. Salamat po Mamang."
Bale dalawang araw na lang pala ang natitira....
Medyo kinakabahan ako pero natutuwa ako kahit papaano. Sana ito na nga ang maging daan ng mga pagbabago sa buhay ko.
Ayoko namang habang buhay na nakalugmok ako sa putikan habang pinapalaki ko ang anak ko. Marami akong magagandang pangarap para sa kanya.
---
Natapos ang karaniwang gabi at medyo magaan na ang pakiramdam ko nang pauwi ako.Medyo maliwanag na ng lumabas ako ng club.
Naisipan kong magikot-ikot muna at hintayin ang pagbubukas ng mall. Kailangan kong makabili ng kahit isang pares man lang ng damit na gagamitin ko sa pagtuturo.
Ramdam ko na ang antok at pagod nang sa wakas ay magbukas ang mall. Agad akong nagpunta sa bilihan ng mga dance practice outfit. Medyo may kamahalan ang napili ko pero kinuha ko na rin. Kahit papaano ay ayoko rin namang mapintasan ng mga estudyante kung sakali.
Nag-ikot pa ako ng kaunti hangang sa mapadaan ako sa mga laruang pambata. Agad kong naalala si Reyn lalo na nang makita ko ang kotse. Agad ko itong nilapitan at tinignan ang presyo.
Ang mamahal pala ng mga ganito.
Di bale kapag nakasahod ako ng malaki-laki, ibibili ko siya ng ipinangako kong laruang kotse.
Napapangiti ako kapag naalala ko ang reaksiyon niya.
'Gusto car! Gusto ko car!'
Sayang! Sana pala inuna ko na muna ito bago iyong damit.
Sorry, baby..
Mabigat sa loob na ibinalik ko sa kinalalagyan ang laruan.
Ngunit nagulat ako dahil agad naman itong kinuha ng isang kamay.
Napalingon ako sa may-ari ng kamay na iyon at muntik na akong himatayin nang makilalala ko ito. Ngunit hindi ako nagpahalata.
Natandaan niya ba ako? Nakilala niya ba ako?
Sinuri ko ang itsura ko sa salaming dingding ng mall. Medyo malayo naman ang itsura ko ngayon sa itsura ko kapag gabi. Ni lipstick ay hindi ako naglalagay kapag araw.
Sana hindi niya ako makilala.
Sinuri niya rin ang laruan at tumingin siya sa akin.
"How old is he?"
Napamulagat ako ng mata.
"Ha? Aah eh..." Pilit kong iniiba ang boses ko.
"I mean your baby..."
Hindi ko alam pero nasagot ko rin ang tanong niya.
"D-Dalawa... Dalawang taon na siya..."
"Wow two... Kasing-edad niya na rin pala sana iyong pamangkin ko... kung nabuhay lang siya...."
Bakit parang ramdam ko ang lungkot sa sinabi niya?
"W-wala na siya?"
Tumango lang ito.
"Sorry.."
"I could have been the best uncle for him... Sobrang excited na kaming magkaroon ng bata sa pamilya noon... kaso... nangyari nga ang trahedyang iyon..."
"Sorry..."
"Okay lang... Siguro hindi talaga siya para sa amin..."
"Yaan mo magkakaroon ka din ng sarili mong anak na magpapasaya saiyo..."
"Masaya ba?"
Tumango ako at pilit na ngumiti.
"Sige." pamamaalam ko sa kanya.
"Wait.... I'll buy this."
"Sige... Iyo na... Sa sunod pa naman ako bibili... Tinignan ko lang kanina."
"No... I mean... I'll buy this for him... for your baby..."
"Ha? Hindi.. Wag na. Bibilhin ko naman siya sa ibang araw... Salamat na lang."
"I insist. Please... Isipin mo na lng na pamangkin ko iyong binibigyan ko... Please?"
"O-okay."
"Wait... Hintayin mo ako dito...."
Nagpunta nga siya sa counter para bayaran ang laruan.
Nangingiti siyang bumalik at iniabot sa akin ang nakabalot ng laruan.
"For your baby..."
"Salamat..."
"Again... I'm Donny..."
"Ha... Ah eh... D-- Dale..."
Hindi niya nga ba ako nakikilala bilang si Dana?
"Nice to meet you again, Dale. Sana mapasaya ko ang baby mo..."
"Tiyak iyon. Salamat ulit. Una na ako."
"Bye."
Ngumiti ako sa kanya at iniwan ko na siya sa lugar na iyon.
Sa ilang beses na pagpunta punta ni Donny sa club ay nakapalagayang loob ko na ito.
Mabait siyang tao.
Naikwento niya na sa akin ang nangyayari sa kompanya nila at naaawa ako para sa kanya.
Naiipit siya sa mga desisyon ng kanyang ama.
May isang tao raw na ayaw niyang kalabanin pero iyon na ang nangyayari sa kanya ngayon dahil wala naman siyang mapagpipiliian.
Iyon ang sitwasyong kinakaharap niya at ayaw niyang sabihin sa ibang tao... Lalo-lalong na sa kanyang kasintahan.
Natutuwa naman ako dahil sa akin niya sinasabi ang kanyang problema.
Kailangan niya lang daw mailabas dahil sobrang bigat na ng pakiramdam niya.
---
Tuwang-tuwa naman si Reyn nang mabuksan ang kahon ng laruan."Car! Wow! Mama! Car! Yeeeeyyy!"
Dali-dali itong yumakap sa akin at humalik bitbit ang laruang kotse.
"Thank you, Mama."
"Welcome baby!"
Bakas sa mukha niya ang sobrang kasiyahan habang nilalaro ang laruang kotse.
Mabuti na lang pala at tinangap ko ito mula kay Donny.
Nagtataka lang ako dahil itim na laruang kotse ang itinuro niya sa akin sa TV. Malamang ito ang unang sasakyan na nakita niya sa labas.
Bigla akong may naalala sa itim na kotse....
Itim na kotse din ang pagmamay-ari ng misteryosong lalaki.
Ano nga kaya ang itsura niya? Pangit kaya siya kaya natatakot ang karamihan?
Hindi ko na nga pala napapansin masyado kapag napapadaan ako sa lumang mansiyon na iyon.