***Dale's POV***
Para akong sinampal ng katotohanan.
Sobrang sakit.
Akala ko iyong pagkakakilanlan lang sa akin ni Donny ang magbabalik sa akin sa nakaraan.
Hindi ko akalaing may mas malala pa pala.... ang taong sumira mismo ng mga pangarap ko ang makikita at makakasama ko.
Lakad-takbo ang ginawa ko hangang sa maka-alis sa lugar na iyon. Mabuti na lamang at may taxing dumaan na agad naman akong pinasakay.
Bumalik ako sa club ng wala na halos sa sariling pag-iisip.
Samo't-saring mga bagay-bagay ang gumugulo sa utak ko.
Bakit ngayon pa kami nagkita-kita?
Bakit binabalikan na ako ng nakaraan?
At ang mas nakakaloka....
Ang misteryosong lalaki sa lumang mansiyon.... at ang tatay ng anak ko ay iisa?
Kung ganoon, delikado pala ang kalagayan namin ni Reyn sa lugar na iyon?
Paano kung masama nga siyang tao tulad ng inaakala ng iba?
Paano kapag malaman niyang anak niya si Reyn at kunin niya ito sa akin?
Hindi! Hindi ako makakapayag.
Pero paano nga naman siyang maniniwala na anak niya nga si Reyn? Eh masamang babae naman ang tingin niya sa akin. Isang bayarang babae na pumapatol sa kung sino-sino.
Napaluha ako nang di ko namamalayan.
"Hey, are you okay?" tanong ng customer na kaharap ko.
"Sorry... Yeah, I'm fine..."
"Care to tell me?"
"Nope... Forget it. I was just reminded of something..."
"Oh... I see."
Tahimik lang ulit ako.
"Do you have a boyfriend?"
Ang kulit din nitong amerikanong to!
"Yeah.... and he's very handsome." pagsisinungaling ko dito.
"Oh... No doubt... You're very beautiful..."
"Thank you..."
Natapos ang magdamag na iyon at umuwi akong mabigat ang loob.
Napadaan ulit ako sa tapat ng mansiyon.
Kinakabahan ako sa maaring mangyari.
Ayokong madamay ang anak ko.
Ano kaya kung lumipat na lang kami ng tirahan?
Kaso panibagong pag-aadjust na naman ang gagawin ko.
Hayyss.
Binilisan ko ang paglalakad hangang sa makauwi ako.
Gising na si Reyn nang pumasok ako ng bahay at nagwawalis na rin si Judy.
"Good morning baby!"
"Mama! Morning! Kiss! Kiss!"
Agad ko naman siyang kinarga at hinalikan.
Di ko mapigilang pagmasdan ang anak ko.
Nakita ko na ang tatay mo baby....
Kamukha mo nga siya...
Pero parang ang sama ng ugali niya...
Hinding hindi ako papayag na kunin ka niya sa akin.... Kahit anong mangyari...