Chapter 28

1.1K 108 22
                                        

***Dale's POV***

Umuwi kami kinabukasan ni baby Reyn. Pero bago kami umalis ay nagpakilala na si EJ ng pormal sa anak ko.

"Baby Reyn... Look at me."

Tumingin naman sa kanya ang anak ko.

"I'm your Papa. So from now on, you should call me Papa."

"Papa? Hindi Tito EJ?"

"Ahm. Ako talaga kasi ang totoo mong Papa, baby."

Tumingin sa akin ang anak ko at tila kumukuha ng kumpirmasyon.

"Oo baby. Siya nga ang Papa mo."

"Yeyyyyy. May Papa na Reyn... May Papa na Reyn..." at pumalakpak pa ito habang tumatalon.

Napaluha akong napatitig sa anak ko.

Alam ko kung anong pakiramdam ang meron siya ngayon.

Niyakap siya ni EJ at hindi rin nito napigilang mapaiyak.

"Papa loves you very much, son. Ibibigay ko saiyo ang lahat... One of these days papasyal ulit tayo."

"Kasama Mama?"

Tinignan naman ako ni EJ.

"Oo siyempre kasama ang Mama."

Hinatid kami nito sa bahay. Nagulat pa sa kanya si Judy.

"Judy, right?"

"Oo siya si Judy. Siya ang nag-aalaga kay Reyn kapag nasa trabaho ako."

"Yup I've met her before... Judy... Alagaan mong mabuti ang anak ko ha, please? Ako na ang bahala sa sweldo mo."

Nagtatanong ang mga matang tumingin sa akin si Judy.

"Siya ang Papa ni baby Reyn, Judy."

"Sabi ko na nga po eh."

Ngumiti naman si EJ.

"Okay... Dadalhin ko na lang dito iyong mga laruan doon ni Reyn.... Dale, are you sure na okay kayo dito? Are you comfortable here? Secured ba dito?"

"Oo okay na kami dito."

"Just tell me kung ano pang mga kailangan ninyo... Or you can just buy it yourself. Nasa saiyo pa rin naman iyong atm card. I'll put in some money there."

Tumango na lang ako.

"Paano ba iyan, baby... Aalis na muna si Papa ha? Don't worry, magkakasama din tayo ng tuluyan.,, soon." at makahulugang sumulyap ito  sa akin.

"Alis ka na Papa? Iwan na Reyn?"

"For now baby, yes. Nandiyan naman si Mama mo... Be a good boy, son... Dadalawin ka na lang dito ni Papa.."

"Always?"

"Yeah. Always."

Ginulo nito ang buhok ni baby Reyn at saka kinarga.

"Malapit ka na nga rin palang mag-school, noh? Papa will look for the best school for you."

"Yeeyyyy. School na ako... Papa, hatid mo ko sa school?"

"Siyempre."

"Always?"

"Always."

Nakakatuwa silang pagmasdan.

"Sige na EJ. Umuwi ka na. Baka mamaya pag-tsismisan ka pa ng mga tao sa labas."

"I don't care about them. Pero yeah... I have to go. Ikaw na muna ang bahala kay baby. Just text me of anything, Dale."

Dance For LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon