***EJ's POV***
I am checking on the profiles ng mga clients na nisend sa akin ni Christian.
They're our old clients. Mga kaibigan pa ang mga ito ni Dad.
I plan to visit each of them tomorrow para kausapin... I'm pretty sure they still know me.
Hopefully I can do something about it...
Hay Donny... What have you and your family done to our business?
.... and now your girl Daniela.... anong plano nila?
I was forwarding the same files to my investigator nang biglang...
"Mama?"
"Oh you're awake little one..."
"Mama ko?"
Napakalambing ng boses nito.
"Nasa baba si Mama..."
Pupungas-pungas itong tinignan ako.
"Are you hungry? Gutom ka na ba?"
Tumango naman ito.
"Come on... I think may cereals ako doon... Pwede naman yata iyon saiyo.."
Tumayo siya sa kama at akmang nagpapakarga.
This boy is such a sweet.
Yumakap ito sa leeg ko and I felt something weird.
"D-do you miss your Dad?"
Napatingin ito sa akin.
"Namiss mo ba ang Daddy mo?"
Nakakunot ang noo niya.
"Nasaan ang Daddy mo? Hmmnn ang papa mo?... Tatay?"
Nagulat ako nang umiling siya at tila nalungkot.
"W-wala kang Papa?"
I suddenly felt sad for him.
Umupo muna kami sa kama.
I don't know but I asked him again for confirmation.
Umiling lang siya.
For some reason ay parang may humiwa sa dibdib ko...
Di ko mapigilang maawa sa kanya... at sa kanyang ina.
So Dana has been raising him all alone?
I got up at muling kinuha si Reyn para bumaba.
Her mom is now cleaning the living room.
"Mama!"
"Oh gising na pala ang baby love ko!"
"Karga karga!"
"Saglit baby. Punas lang si Mama ng pawis... Gutom ka na ba?"
"Opo.."
"Naku gatas lang yata ang dala ko sa bag... Gusto mo umuwi muna tayo?"
"May cereals sa ref. I think pwede iyon sa kanya.."
Napatingin siya sa akin.
"Ako na ang magpi-prepare." I volunteered.
"No... ako na.."
"It's okay... Ako na... Have some rest first."
"Salamat... Lika ka na baby.... Uhmmnn... Napasarap tulog mo noh? Mwah! Mwah! Napasarap ang tulog ng cute na cute na baby love ko."
"I labyu Mama."
"Love you too, anak."
I couldn't help but smile sa naririnig ko habang papunta sa kusina.
