(Author's Note: Apologies po sa sobrang delay ng update. Sobrang busy lang talaga. 😊)
***Dale's POV***
Lumipas ang mga araw at naging normal pa rin ang takbo ng buhay namin.
Nasanay na rin akong makita si EJ tuwing umaga sa bahay. Tinotoo nito ang kanyang sinabi na sa bahay siya mag-aalmusal kasama ng aming anak.
Sa opisina naman ay mas naging magaan na ang pagtatrabaho ko bilang PA at legal assistant ni Boss. Lumabas na ang natural na pagiging masayahin nito dangan nga lamang at limitado pa rin lalo na kapag may ibang empleyado kaming kaharap. Nakagaanan ko na rin siya ng loob katulad kay Donny. Malaki kasi ang pagkakapareho nila ng ugali. Parehong mabait at maalalahanin, dagdag pa na parehong magandang lalaki ang mga ito.
---
Napatigil ako saglit sa aking ginagawa nang may kumatok sa pintuan. Wala naman si Boss ngayon dahil may ka-meeting ito sa labas."Come in."
Bumukas ang pintuan at nagulat ako nang mapagsino ang pumasok.......
...si Tita, ang mommy ni boss.
"Good morning po Tita! Napadaan po kayo? Wala po si Sir ngayon... may meeting po sa labas. Pero maya-maya po nandito na iyon."
"Good morning, iha! I know na wala siya dito. Kaya nga ako nandito. Hahaha. Ayaw noon na dinadalaw ko siya lagi. Nagmumukha daw siyang mama's boy."
"Ganoon po ba? Upo po muna kayo. Do you want coffee Tita? Or juice?"
"Naku wag ka ng mag-abala. Napadaan lang talaga ako. Gusto ko lang bisitahin ang kompanyang ito... and of course I would like to invite you again sa bahay sa weekend. Isama mo naman ang baby mo."
"Sige po Tita. Tignan ko po kung wala akong lakad this weekend. I'll let you know po."
"Masyado na kasi akong nabo-bore sa bahay. Balak ko nga sanang mag-enroll ng zumba or ballroom dancing. Feeling ko kasi tumataba na ako sa bahay."
"Ay maganda po iyang pagsasayaw Tita. Para mas lalo kayong maging fit and healthy. Ahmmm kung gusto ninyo po..... ako mismo magtuturo sainyo?" wala sa loob na nasabi ko.
"Talaga? Marunong ka?"
Tumango ako pero bigla din akong natahimik. Sasabihin ko bang dati akong dancer sa club?
"Wow! Sige. Sa bahay natin gawin this weekend. Naku! Nakaka-excite naman!"
"Sige po Tita. I'll let you know po if okay ako this weekend."
Nagkwentuhan pa kami pero maya-maya lamang ay nagpa-alam na rin ito.
Hapon na nang bumalik naman ng opisina si boss. May dala pa itong meryenda.
"Ms Marquez, tikman mo ito. Kumain kami ng kliyente while doing the meeting. Sa kanya din ang resto kaya ipinag-take-out pa ako. Masarap iyan."
"Naku Sir wag na po. Bigay ninyo na lang po kay Tita."
"Nope. Para saiyo talaga iyan."
Napatingin ako sa kanya.
"Galing nga po pala dito si Tita kanina."
"Really? Bakit di siya nagsabi sa akin?"
"Ayaw ninyo naman daw po ng dinadalaw."
"Si mommy talaga. Napakadaldal. For sure kinulit ka na naman niya."
"Niyayaya niya po ako sa weekend."
"Pagpasensiyahan mo na si Mom. Di ko rin kasi siya masisisi. I know nalulungkot siya. Noong nawala si Dad, she tried her best na ipakita sa akin na life must go on... Pero I could feel her sadness at times..."