***Dale's POV***
"Ms Marquez, the appointment tomorrow... It's at 3pm, right?"
"Let me check Sir... Ah yes po."
"You will come with me. As what have been discussed to you by Vivian, may mga meetings and appointments ako na kailangan mo kong i-assist."
"Yes po."
"And by the way, wag ka na palang magbaon bukas... 'coz we'll have our lunch at home... Tutal malapit doon iyong place."
"Po? Sa bahay ninyo po?"
"Yeah. My mom is dying to meet you din. Ewan ko ba, mag-isa lang kasi siya sa bahay bukod sa mga maids... Vivian has been there a lot of times, too. Don't worry. You will like my mom."
Bigla akong nahiya at kinabahan.
Sa bahay nila kami magla-lunch?
"Don't stress yourself about it. Mom is so cool." Napansin niya yata ang aking pagkabalisa.
"Ha? Ay hindi po... Nabigla lang po ako."
"Free yourself tomorrow morning. Natapos mo na rin yata iyong pinapagawa ko. Just be ready for the lunch and the meeting in the afternoon. Kahit mga 10am ka na pumasok, that's fine with me."
"Okay po."
Sa wakas... hindi ako magmamadali bukas. May time pa ako para makasama ko ang anak ko. Miss na miss ko na si baby Reyn. Minsan kasi tulog na ito kapag dumarating ako. Buti na lang at lagi siyang maagang nagigising. Iyon na lang ang mga oras na nagkakasama kami.
---
Dumating ang kinabukasan."Are the files complete?"
"Yes, Sir. Okay na po."
"Let's go?"
Pumunta na kami sa basement parking.
Di na rin ako nagtaka nang pinasakay niya ako sa isang napakagarang lamborghini.
Dumiretso na kami sa bahay nila or better to say, mansiyon.
Napakaganda at napakalawak ang hardin nito. Punong-puno ng mga magagandang halaman at iba't-ibang klase ng bulaklak. May malaking fountain pa sa gitna.
"Those are my Mom's plants and flowers. Siya mismo ang nagtanim ng mga iyan. Architect and Landscape designer din ang mommy ko noong kabataan niya and Dad was a lawyer and a businessman."
Napakayaman nga nila.
Pero hindi mo makikita sa pag-uugali niya. Napakabait at napaka-humble ni Boss. Kahit strikto ito ay mahal na mahal siya ng kanyang mga empleyado dahil sa taglay na pagmamalasakit at kabaitan sa mga ito. Pantay-pantay ang turing niya sa amin.
"Here we are." nang mai-park na niya ang sasakyan.
Inalalayan pa ako nitong bumaba.
"Mom?"
"Good morning, Sir. Good morning, ma'am. Nasa kusina po si Madam, Sir. Hinahanda niya na po iyong lunch."
"Ang mommy ko talaga. Sige. Come on Ms Marquez, follow me. Gutom na rin ako. Wag kang mahihiya. Feel at home."
Napatango lang ako. Hindi naman maiaalis sa pakiramdam ko ang hiya. Parang hindi yata ako nababagay sa lugar na ito.
Nakarating kami sa dining area.
"Anak! Iha! Nandiyan na pala kayo. Tamang-tama, handa na ang pagkain. Hello! You must be my son's new PA, right?"
"Dale na lang po. Opo. Nice to meet you po."
![](https://img.wattpad.com/cover/175534947-288-k456707.jpg)