Chapter 43

916 91 12
                                    

***Dale's POV***

Nakalabas na ako ng ospital at makalipas ang dalawang araw ay napagdesisyunan ko ng bumalik sa trabaho. Kahit anong pigil ni EJ na huwag akong pumasok ay wala rin itong nagawa. Ang dami ko na kasing nakatambak na trabaho.

"Dale! O anong nangyari saiyo? I'm so worried about you. You never answer my calls. Kahit si Edward din. Akala ko ay may masamang nangyari na saiyo. Kumusta ka? Where have you been?" Bungad sa akin ni boss nang makita niya ako pagkapasok niya ng opisina.

"Sorry po Sir. May nangyari lang po kasi. Pero okay naman na ako. Akala ko rin po kasi nagkausap na kayo ni EJ."

"No. He didn't bother replying to my messages. Siguro nga dahil tungkol saiyo ang tinatanong ko. That man! Ano ba kasing nangyari?"

"Iyong... iyong problema po niya doon sa uncle niya...."

"What about it? Wait.... You mean sinugod niya ang tiyuhin niya?"

"Ako po kasi ang may kasalanan..."

"What?"

"Gusto ko po kasing magkausap na muna sila ng maayos ng pinsan niya... Inisip ko po na baka sakaling magawan ng paraan... Kaso iba po ang nangyari..."

Napatigil ako. Dapat ko bang ikuwento sa kanya? Sabagay siya naman ang humahawak ng kaso.

"Huh?! You risked your life para lang magkausap sila?"

"Yun lang po kasi ang tangi kong maitutulong sa kanila."

"Then what happen?"

"Ano po kasi... Pinag-mimeet ko sana sila sa isang lugar para magkausap...kunyari kaming dalawa ang magkikita pero silang magpinsan talaga ang magkikita. Hindi naman po kasi papayag si EJ na makipagkita ng basta na lang kay Donny... So iyon po..... Kaso etong si Donny.... Sa bahay nila kami dinala... Kasama ko pa si baby Reyn."

"Oh my God Dale! Sobrang delikado ng ginawa mo... Para mo na ring ipinain ang sarili mo sa kapahamakan. Did you even think about yourself and most especially your son?"

Kita ko ang pag-aalala sa mukha ni boss.

"Di ko na po naisip iyon... Ang gusto ko lang talaga ay magkaayos na silang pamilya..."

"I know and I understand your concern pero... hay naku! Oh tapos ano nangyari?"

"Napilitan po si EJ na puntahan kami ni Reyn doon. Ang kaso nandoon ang mga magulang ni Donny... Ayun... Nagkalabasan na sila ng sama ng loob... Tapos.... muntik ng barilin ni EJ ang uncle niya sa sobrang galit kung hindi lang umawat si Donny... Kaso...... ako naman iyong natamaan ng bala."

"What?! See?! Yan na nga na ang sinasabi ko. My God Dale! Eh kumusta ka na? Ayos ka na ba? So you mean kakagaling mo lang sa hospital niyan? Eh bakit pumasok ka na?"

"O-okay naman na po ako Sir. Daplis lang naman po ito."

"Daplis lang? Nila-lang mo lang iyan? What if something worse happened? Dale naman. Isipin mo ang kapakanan mo. Hindi masamang tumulong sa ibang tao. Pero isipin mo ang sarili mo. May anak ka. Dapat hindi ka na nakikialam sa away nila... Look what happen."

"Pareho po silang malapit sa akin. Di ko rin kasi kayang tiisin na nag-aaway sila."

"Nandoon na ako... Pero sana isipin mo... Sobra ang galit ni Edward sa pamilyang iyon... I don't know about his uncle pero kung mapatunayan na totoo ang ginawa niya kay Edward... then his Uncle must be a criminal... Dapat kang matakot sa kung anong kaya niyang gawin. Baka idamay ka niya... I'm just concerned about you."

Napatingin ako sa kanya.

"Ayokong mapahamak ka Dale. I promise na ilalaban ko ang kaso ni Edward... pero sana huwag ka ng makisali please... I don't want you to get hurt and even your son."

Dance For LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon