***EJ's POV***
Ilang araw nang hindi pumupunta si Dana sa bahay...
I understand her.
Napasobra ang sinabi ko sa kanya. I admit I was too insensitive.
Pero umaasa pa rin akong babalik siya.
I remember her last statement before she left the house.
"Hindi ako si Dana...
Dale ang pangalan ko..."
Dale? So iyon ang totoo niyang pangalan?
Para saan naman iyong Dana? I don't know why she keeps on disguising.
Parang kulang na ang araw ko kapag hindi ko ito naaabutan sa kusina paggising ko kinaumagahan.
Honestly, I'm missing her... pati na rin ang anak niya...
I tried dialing her number..,,
Pero hindi niya ito sinasagot.
Bigla kong naaalala na Biyernes pala ngayon...
She has a dance class!
Bigla akong nabuhayan ng loob.
Nagbihis ako...
I don't know but I tried confirming it first with Daniela... alam kong nandoon din kasi siya.
"Hello Daniela.."
"Oh Edward... ba't napatawag ka?" halos pabulong na sagot nito.
"Are you in the studio?"
"Ha? Ah eh wala... Nandito ako sa office ng boyfriend ko... Di kasi tuloy ang dance session namin today... Absent daw iyong instructor..."
"Absent?"
"Yup... Kaya tatambay na lang muna ako dito... Why nga pala... Are you planning to visit me there? If you want magkita na lang tayo somewhere.... boring naman dito eh..."
"Ah no... Some other time na lang... May pupuntahan pala ako..."
"Ah okay sige... Just let me know..."
"Okay bye."
Absent siya?
Why?
Hindi ako mapakali.
Napilitan akong lumabas ng bahay at hanapin siya.
Pinark ko lang sa may kanto ng Remedios ang kotse at pasimple akong lumabas ng sasakyan...
Wala namang nakapansin sa akin nang maglakad ako papunta sa dulo ng kalsadang iyon.
I'm not sure kung saan dito ang bahay nila kaya naisipan kong magtanong-tanong.
"Ah Manang... Magandang hapon po... May kilala po ba kayong D--Dale?"
"Dale? Si Dale ba? Yung maganda? Yung may anak?"
"Opo... Siya nga po..."
"Kaw ba ang tatay ni Reyn?"
Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Napagkamalan pa tuloy ako.
"Pasensiya na medyo magkahawig kasi kayo... parehong gwapo..."
Ngumiti na lang ako.
"Ah kasi... Wala sila diyan... Nasa hospital... Noong isang araw pa... Kakagaling nga lang din doon ng anak kong si Judy..."
"Po? Sino pong naospital?"
My heart suddenly beats fast.
"Yung bata... Dengue daw yata..."
