Chapter 22

1K 99 7
                                    

***Dale's POV***

Hinayaan ko na lang si EJ sa gusto niya. Pansamantala pa rin kaming naninirahan sa mansiyon.

Okay na rin naman sa akin dahil napag-isip isip ko na kung tutuusin ay may karapatan naman ang anak ko at may obligasyon naman talaga si EJ kay Reyn. Yun nga lang at hindi nito alam.

Bahala na, pasasaan ba't malalaman niya rin naman ang katotohanan.

Masaya si Reyn na kasama si EJ. Tila nakahanap nga ito ng kalinga ng isang tunay na ama. Minsan nga ay hindi ko na namamalayang napapaluha na pala ako kapag nakikita ko silang masayang naglalaro. Hindi matatawaran ang kasiyahang nakikita ko sa mukha ng anak ko. Dumadaan ang mga araw na mas lalo silang napapalapit sa isa't-isa. Minsan ay ipinapasyal ni EJ si Reyn, siyempre kasama ako. At kapag umaalis si EJ ng bahay, pagbalik nito ay si Reyn agad ang hanap para bigyan ng kung ano-anong pasalubong.

Sa ngayon tahimik naman ang buhay namin... Tuloy pa rin naman ang pagtuturo ko ng sayaw tuwing Biyernes at Sabado. Iniiwan ko na lang si Reyn kina Judy sa maghapon kapag mga ganoong araw.

Di ko maiwasang mahulog na rin ang loob ko kay EJ lalo pa't sobrang pag-aalala ang ipinapakita nito sa anak ko. At wala na rin naman siyang ipinapakitang masamang ugali sa akin simula noong nandirito na kami sa bahay niya.

Masayang-masaya ako para sa anak ko. Kaya bilang ganti sa ipinapakita niyang kabutihan ay sinusunod ko na ang gusto niya. Todo iwas na ako kay Donny kapag nagsasalubong ang aming landas. Inaasikaso ko na rin ang pang-araw araw na pangailangan niya. Ako na nga rin minsan ang pumipili ng kanyang susuotin kapag nakikipag-meeting kung kanino man sa labas at hindi ko naman siya makitaan ng pagtangi.

"Dale, I have a meeting with Attorney today. Matatagalan siguro ako but I'll make sure na dito ako magdi-dinner. Wait for me, please."

"Sige."

"Baby, aalis na si Tito EJ. Asan ang kiss ko?"

Agad namang tumakbo ang anak ko para bigyan siya ng halik.

"Don't be naughty ha? Wag mong pasakitin ang ulo ni Mama ha? Pumapangit kasi si Mama kapag mainit ang ulo." sabay ngiti nito sa akin.

Napasimangot naman ako.

"See?"

Letse na to. Nakukuha pang magbiro.

"Alis na ako. By the way, may gusto ka bang ipabili? Dessert maybe?"

"Wala."

"Okay. Bye. Bye little buddy!"

"Bye Tito EJ."

***EJ's POV***

So far I'm loving the feeling of having them both in my house... lalo na si Baby Reyn. Naging stress reliever ko na ito. Hindi na ako inaatake ng anxiety. Makita ko lang siyang nakatawa ay parang okay na ang lahat. The child is indeed a blessing to me. Feeling ko gumaan bigla ang buhay ko... and of course... add her mom...

Napapangiti na lang ako sa ginagawa ni Dale. Siya na ang kusang nag-aasikaso ng mga gagamitin ko kahit sa pagligo.

She's indeed a wifey material.

Well who knows? After kong malagpasan ang lahat ng problema ko... Maybe... Maybe I would have the guts to try and ask her to be with me not as my employee but.... as my partner. Sana ay pumayag siya.

She treats me everyday in a civil and professional way... Medyo iwas pa rin siya sa akin.

Bibihirang pagkakataon ngang biruin ko ito dahil nag-aalala akong baka di na naman kami magkaintindihan. But nonetheless, masaya pa rin ako... The house became a home... They bring colors to it... and so to my life.

Dance For LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon