Chapter 18

1.1K 107 18
                                    

💥💥💥WARNING! May pagka-SPG to! Mga minors, below 18 SKIP THE LAST PART!💥💥💥

***EJ's POV***

I woke up early. Kailangan kong magawa ang mga dapat kong gawin sa araw na ito.

Uunahin ko na munang puntahan si Mr Lepanto.

I got our clients' addresses sa ipinadala sa akin ng aking imbestigador.

Kailangan ko silang kausapin isa-isa para maisalba ang negosyo. Ayon kay Christian, at least 40% ang investment nila sa kabuuan ng lahat ng investments sa kompanya. Malaking kawalan nga ang mga ito.

Pagbaba ko ng kusina ay nakita ko na agad si Dana na nagluluto ng breakfast.

Ang bango ng niluluto niya.

"Kape?" agad naman ako nitong napansin.

"Yes, please."

Umupo na ako sa hapag-kainan.

Di ko maiwasang pagmasdan ito mula sa kanyang likuran habang nagtitimpla ng kape.

Bagong paligo ito at tila kay bango niyang tignan. Mamasa-masa pa ang mahaba nitong buhok na umaabot sa kanyang bewang.

Nakaramdam ako ng kakaiba lalo pa nang ilapag niya na ang tasa ng kape sa mismong harapan ko.

I could smell her scent na tila nakakapagpawala yata sa aking katinuan.

"Lalamig na iyang kape mo."

Napaayos naman ako ng upo.

Maya-maya ay isa-isa na niyang inilagay ang mga pagkain sa harap ko.

Fried rice, ham, eggs and bacon. May toasted bread din at may vegie salad pa.

"Ang sarap."

Ngunit hindi ko napansin na sa kanya pa pala ako nakatingin habang sinasabi iyon.

Bigla na lamang itong tumalikod na tila napaso.

"Join me."

"Tapos na ako."

"Please?"

Humarap naman ito sa akin.

Ako na ang kumuha ng plato at kubyertos niya.

Napilitan naman itong umupo at saluhan ako.

"Masanay ka ng kasabay ako... Mas nakakaganang kumain kapag may kasabay, di ba?"

Tinignan lang ako nito.

"Here."

Inabot ko sa kanya ang pagkain.

"You need to eat a lot. Madaming energy ang makoconsume mo mag-ayos dito... tapos pag-uwi mo mag-aalaga ka pa sa anak mo... You need to be healthy... Maraming pagkain diyan. Wag kang magpapagutom."

Hindi siya sumagot.

"Siyanga pala. I'm giving you one of my ATM cards. Doon ko na lang ipapasok iyong sahod mo. Actually may laman na iyon... You can buy stuff for yourself... and for Reyn... Don't worry, I'll compensate you sa lahat ng ginagawa mo and you just need to be loyal to me... I mean... don't interact with Donny at sa lahat ng malalapit sa kanya... and I can give you whatever you want in return."

Napatingin siya sa akin.

"I think that's quite simple right?"

"Bakit ba ang laki ng galit mo kay Donny?"

"It's better that you don't know."

Tumahimik na rin ulit siya.

I'm done eating at tumayo na ako.

Dance For LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon