Chapter 25

1.1K 117 28
                                        

(Author's Note: Guys for now eto na muna. I'm not sure pero tingin ko sobrang magiging busy ako this week sa work. Basta update na lang ako pag may time ulit. Thanks po sa support! 🙏❤️)

***Dale's POV***

Nagising akong nananakit ang ulo.

Sinubukan kong bumangon ngunit naramdaman kong may mabigat na bagay na naka-patong sa bewang ko.

Akala ko ay si baby Reyn ito at sumanday lang sa akin.

Ngunit laking gulat ko dahil hindi paa ni baby Reyn iyon...

... kung hindi ay isang braso... isang brasong nakayakap sa bewang ko.

Hindi!

Si EJ?

Paanong nangyaring nandito siya?

Hindi ba't sa bahay nila ng asawa niya siya natulog kagabi?

Natutulog pa rin ito at sobrang lapit ng aming mga mukha.

Napansin ko ring komportableng naka-ipit sa gitna namin si Baby Reyn. Parang mas lalong napasarap ang tulog nito.

Sinubukan kong alisin ng dahan-dahan ang kanyang braso...

Nagulat ako nang magsalita ito.

"Stay still.... Isang oras pa please..."

Gising siya?

Pinagmasdan ko ang mukha nitong nakapikit...

Bakit nasa tabi namin siya? Bakit nakayakap siya sa bewang ko?

Nagmulat ito ng konti...

Hindi ako makakilos. Sobrang lapit ng kanyang mukha. Amoy ko na ang kanyang hininga.

"One more hour please.....?" tila nanaginip nitong sabi tsaka ipinikit ulit ang mga mata.

Hindi nito tinangal ang brasong nakayakap sa bewang ko.

Wala akong nagawa kung hindi sundin na lang ito.

Ninamnam ko na lang ang sandali. Hindi ko man aminin pero may dulot na saya sa puso ko ang nangyayari.

Hindi ko namalayang napasarap din ang pagtulog ko.

Nagising na lang akong wala na sila pareho sa tabi ko.

Napabangon ako bigla nang makita ko ang oras sa bedside table.

Alas diyes na!

Dali-dali akong lumabas ng kwarto at bumaba sa kusina.

Nakita kong may nakatakip na pagkain sa mesa.

Siya ba ang nagluto?

Pero nasaan sila?

Nasaan ang anak ko?

Umakyat ulit ako sa itaas. Inisip kong nasa kwarto sila ni EJ.

Ngunit laking dismaya ko nang di ko sila makita sa loob.

Nasaan sila?

Saan niya dinala ang anak ko?

Bigla akong nagpanic.

Hinalughog ko ang buong bahay ngunit hindi ko sila makita.

Lumabas ako ng bakuran.

Bigla akong kinabahan nang makita kong wala sa garahe ang sasakyan niya.

Saan sila nagpunta?!

Tumakbo ako sa itaas at hinanap ang cell phone ko.

Agad kong tinawagan si EJ.

Dance For LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon