***EJ's POV***
I'm missing them already.
Parang bumalik sa dati ang kalungkutan sa loob ng mansiyon.
I couldn't persuade Dale to stay with me kaya hindi ko rin makasama ang anak ko.
Maybe I should be focusing on my plans first para madivert itong nararamdaman ko.
I dialed Christian's number.
"Sir, buti po napatawag kayo. Na-receive na po ni Sir Donny iyong subpoena na pinadala ng korte. I've seen his reaction. Nagulat siya... at hangang ngayon he seems to be restless and worried."
"Hindi si Uncle Charles ang nag-receive?"
"Si Donny na kasi officially ang namamahala ngayon."
"Stop with the 'official'. Wala silang karapatang pamahalaan ang kompanya ko."
"I'm sorry, Sir."
"Sige. Just update me. One day I'll pay a surprise visit."
"Natuloy na rin po pala ang investment ni Mr Chua. Nandito po halos araw-araw ang anak niya... I think they're engaged already... You better hurry up Sir. Mukhang matinik din itong si Mr Chua at anak niya."
"I know. Sige... I'll prepare for it."
Bigla kong naisip si Grace. She could be a strong witness ng pinagdaanan ko sa kamay ni Uncle Charles. Alam kong makakatulong iyon ng malaki sa kaso para mabawi ko na ng tuluyan ang kompanya.
I decided to go to our house and see her.
Hindi na ako nag-doorbell at dumiretso na ako sa loob ng bahay.
Naabutan ko ang kanyang katulong na binabantayan si baby Wency habang naglalaro.
"Hello little buddy!"
"Hello Tito EJ!" tumakbo ito para yumakap at humalik sa akin.
Lalo ko tuloy namiss si baby Reyn.
"Nasaan si Grace?" tanong ko sa katulong.
"Nasa kwarto po, Sir."
Agad naman akong pumanhik sa kwarto. Nakaawang lang ang pintuan nito at nadidinig kong nakikipag-usap sa telepono ang asawa ko.
"Yeah, I'll see you... Oo bumalik na siya. Ako na ang bahala." dinig kong sabi nito.
"Hon..." tawag ko sa kanya.
Bigla itong nagulat pagkakita sa akin at agad pinatay ang telepono.
"May kausap ka?"
"Ah... Yeah... My friend.. Si Maurene... Gusto niya akong makita."
"I see."
"Bakit ka nga pala nandito?"
"This is my house, right?"
"No. I mean. Ba't naisipan mong umuwi?"
"Again, I can come home anytime I want... Ayaw mo ba?" at ngumiti ako sa kanya.
"Hindi naman sa ganoon... I know nasanay ka na doon sa tinitirahan mo noong mga panahong wala ako... I'm sorry..."
"Wala ka ng dapat ipag-sorry hon, okay?"
Nilapitan ko siya at niyakap.... like I always do... I want some cuddling.
Pero bakit tila wala na ang dating init na agad kong nararamdaman kapag kayakap ko siya?
"Ah hon... Kain ka muna... May binake pala akong cake kanina... Tikman mo.."
"Paano kung ibang cake pala ang gusto ko? Hmmnnn?"
![](https://img.wattpad.com/cover/175534947-288-k456707.jpg)