Chapter 23

1K 100 28
                                        

***EJ's POV***

I reached the front of our gate. Wooden gate lang naman ang karamihan sa village na ito tulad sa Western countries na hindi uso ang mga secured na bakod.

Nakita kong may ilaw ang loob ng aming bahay.

May tao?

Hindi kaya ibinenta na nga ni Uncle Charles 'to?

I need to know 'coz I need the documents inside badly.

Pumunta na ako sa front door at pinindot ang doorbell.

Abot-abot ang aking kaba.

Sana hindi.... sana hindi pa ito naibenta... Kailangang makuha ko ang mga papeles.

Nagulat ako sa biglang pagbukas ng pinto.

Ngunit mas nagulat ako sa mismong taong nagbukas nito.

Halos panawan ako ng ulirat nang mapagsino ito....

...........

"G-grace?! Hon?!"

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko....

Nanaginip ba ako?

"EJ? Edward?! Hon you're back! Oh my God you're back!"

"P-papaanong nangyari---?"

"Hon I'm sorry! I'm really sorry..." at bigla na lang itong yumakap sa akin at humagulhol na ng iyak.

I hugged her back.

My wife!

She's here! She's alive!

Buong akala ko ay patay na ito?

Bigla akong bumitaw sa kanya. Tinignan ko ang kabuuan niya...

Hindi pa rin ako makapaniwala.

Saka ko lang napansin ang hawak niyang tungkod.

Pilay siya?

Oh God! Is it because of the accident?

Guilt flashed inside my mind...

"Hon! I'm sorry... I'm sorry if I lied to you... I'm sorry if I left you." patuloy na pag-iyak nito.

"No... Hon.... Ako dapat ang mag-sorry. It's my fault why it happened to you... I was a total mess then. Napabayaan kita... Kayo ng---"

"Mommy!"

Biglang may sumigaw na bata sa likuran niya.

Kumapit ito sa mga binti ni Grace habang nakatingin sa akin.

"Baby? Is he our baby?"

Hindi ko na mapigilang mapaiyak.

Nandito sa harapan ko ang aking mag-ina. Buhay na buhay!

Is this a miracle?

Ngunit nakita kong umiling si Grace.

"No, hon... Pasok ka muna... Let's talk..." pinahid nito ang kanyang luha at tumalikod na. Tumakbo naman ang bata sa loob ng bahay.

Sinundan ko naman si Grace habang naglalakad ng pa-isa isa.

Sobrang awa at konsensiya ang naramdaman ko. Alam kong dahil sa aksidente kaya siya napilay. And that was because we fought during that night.

Inalalayan ko siyang maglakad hangang sa naupo kami sa sofa.

Iginala ko ang paningin sa loob ng bahay. Wala naman itong masyadong ipinagbago.

Dance For LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon