Chapter 19

1K 99 15
                                    

***Dale's POV***

Ano na namang katangahan ang ginawa mo Dale?!

Nagpadala ka na naman sa nararamdaman mo?!

Di ka na natuto!

Ngayon lang nagsumiksik sa isipan ko ang nangyari.

Nanghihina akong napaupo sa hagdanan pagkalabas ng kanyang kwarto.

Kanina, nang ipinagkanulo ko na naman ang sarili ko sa kanya... tila nasa ilalim ako ng isang mahika.... o sumpa na yatang matatawag iyon...

Bakit hindi ko siya matangihan? Bakit ganoon ang reaksiyon ng katawan ko sa tuwing magdidikit kami? Bakit hindi kayang labanan ng isip ko ang katawan ko?

Hindi naman ako lasing! Siya ang nasa impluwensiya ng alak, ako iyong nasa katinuan. Pero bakit ko nagawa iyon? Nasa katinuan pa nga ba ako?

Akala ko noong una ay nananaginip lamang ako... pero ang lahat ng iyon pala ay totoo?

Paano pa ako haharap sa kanya bukas?

Baka mas lalo niyang isipin na isa nga akong mababang uri ng babae... na mabilis ibigay ang sarili sa kung kani-kanino.

Lumayo na lang kaya ako? Kami ng anak ko? Lalo lang kasing nagiging komplikado ang lahat.

Umuwi akong tuliro na agad napansin  ni Judy.

"A-ate, okay lang po kayo?"

"Ha? Oo naman."

"Mukha po kayong maysakit. Kumain na po ba kayo? May pagkain ka pa po diyan sa mesa."

Napatingin ako sa kanya.

Kahit papaano naman pala may nagmamalasakit pa rin sa akin.

"Salamat Judy. Sige kakain na lang ako."

Tumalikod na ako at umupo na sa harap ng maliit naming mesa.

Di ko mapigilang mapaluha sa mga nangyayari.

---
Mabigat ang pakiramdam nang bumangon ako kinabukasan. Di naman kasi ako nakatulog sa sobrang pag-iisip.

"Mama!"

"Good morning, baby! Ang aga mong nagising ah."

"Mama, sama! Gusto ko car car. Gusto ko laro airplane."

"Gusto mo maglaro ng airplane?"

Naalala siguro nito ang mga laruan sa mansiyon.

"Hmmmnnn.... Ganito na lang baby love. Uuwi si Mama ng maaga tapos ibibili kita ng airplane, okay ba iyon?"

"Yeeeyyy. Bili Mama airplane!"

"Kaya magbehave ka kay Ate Judy ha... para mamaya may airplane ka na..."

"Opo Mama... alabyu!"

"I love you too, baby!"

Maya-maya ay nag-ayos na ako papunta sa mansiyon.

Sana wala siya ngayon. Sana may nilalakad siya. Sana wala siya sa bahay. Nanalangin ako habang binabagtas ang kaniyang bakuran.

Nakapasok na ako sa loob ng bahay ngunit tahimik ngayon dito.

Baka umalis nga siya.

Dumiretso muna ako sa kusina.

Naabutan ko pa ang pagkaing niluto ko para sa kanya kagabi.

Hindi siya kumain? Hindi siya bumaba?

Nandito ba siya?

Hindi ko tuloy alam kung magluluto pa ako o hindi na.

Dance For LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon