***Dale's POV***
Hangang ngayon ay iniisip ko pa rin ang offer sa akin ni Mamang.
Baka ito na ang simula ng pag-asa kong tuluyang makabangon sa lusak.
Inalok niya akong magtrabaho sa kaibigan niya bilang substitute na dance instructor. Aalis daw kasi ang kaibigan niya papuntang America na mismong dance instructor. Bale sa isang dance studio ako nito magtatrabaho para magturo sa mga estudyante niyang maiiwan. Dangan nga lang at panandalian lang ito. Mga dalawa o tatlong buwan at tuwing Biyernes at Sabado lang ang schedule.
Alam kong kaya ko ang trabaho pero ang makihalubilo ulit sa ibang tao sa umaga ang hindi ko yata kakayanin. Nangangamba akong may makaka-kilala sa akin na isa sa mga naging customers sa club. Ngunit ang sabi naman ni Mamang, karamihan ay mga modelo at dancers ang aking tuturuan kaya malayong may makakilala nga sa akin.
Lingo ngayon ng umaga at nasa bahay lang ako kasama ng anak ko at si Judy.
"Baby pogi, lika! Nood tayo ng cartoons." yaya ni Judy sa anak ko.
Agad naman tumalima ang anak ko at hinanap ang remote controller ng aming maliit na TV. Nakakatuwang pagmasdan na memorized niya na ang mga cartoon channels.
"Ang galing galing naman ng baby ko."
"Pati nga po pagsasalita nagaya niya na Ate."
Maya-maya nga ay ginagaya niya ng magsalita ang mga characters sa palabas.
Nagugulat akong nangingiti habang pinagmamasdan siya. Mas magiging magaling pa yata siyang mag ingles keysa sa akin.
"O kayo na muna diyan ha. Lalabhan ko lang iyong ibinabad kong mga damit. Siya nga pala Judy, pabili muna ng meryenda natin."
"Sige po Ate. Pero pwede ko po bang isama sa labas si Reyn? Malapit lang naman po iyong tindahan ng bananacue."
Nagdalawang isip ako bago pumayag. Ayoko din kasing nai-expose ang anak ko sa labas. Baka pagmulan pa siya ng tsismis ng mga ususera dito sa lugar namin.
"Sige pero balik agad kayo ha?"
"Opo Ate. Lika na baby pogi. Come to Ate..."
"Lez go!" nagulat pa ako sa sagot ng anak ko.
Nangingiti na lang akong sinundan sila ng tingin habang papalabas ng bahay.
Naisipan kong simulan na ang paglalaba.
Muli akong nahulog sa pag-iisip kung kukunin ko nga ba ang offer ni Mamang o hindi.
***EJ's POV***
"Christian I need more details. Bakit bumabagsak na ang negosyo?"
"Sir, I have the details. Nakalimutan ko lang ibigay saiyo iyong folder noong isang araw. Kasama dapat iyon ng flash drive. Kanina ko nga lang din nakita sa kotse ko."
"Busy ka ba? Can we meet today?"
"Okay lang po Sir, kakatapos ko lang po magsimba. Nandito ako sa Baclaran ngayon. Nasa kotse ko naman iyong folder."
"Sige I'll meet you somewhere ngayon... I'll call you back."
Nagmamadali akong nagbihis at sumakay ng aking kotse.
I pressed the button and the gate opened automatically.
As usual ay pinaharurot ko ito paglabas ng gate dahil ayokong may makakilala sa akin.
Sa di inaasahang pagkakataon ay may papatawid na dalagitang may kasamang bata sa tapat mismo ng gate.
Muntikan ko na silang hindi makita.
