Chapter 41

1K 97 16
                                    

***Donny's POV***

"Bro!?"

Napatigil at napatingin ako kay Edward nang marinig ko ang putok.

Nagulat at napatingin din siya sa akin.

"Donny..."

"Ahhhh! Ahhhhh!!!!

si Mommy!

Nagsisigaw siya!

"Oh my God! Oh my God! Natamaan ang kaibigan mo anak!"

Kaibigan?

Sinong kai....?

Dale?

"Dale!!!"

Nakita ko ang dugong umaagos sa katawan niya habang nakahandusay siya sa sahig at walang malay.

Hindi!

Si Dale ang tinamaan ng bala!

"Bro, si Dale! May tama ng bala si Dale!"

Sigaw ko kay Edward na ngayong tulala at di makapaniwala sa nagaganap.

"Bro! Dalhin natin siya sa hospital!"

"Dale..." Tila bigla naman itong natauhan.

"Dale! Dale, I'm sorry! I'm sorry! Oh my God! Dale!"

"Mama... Mama! Papa!"

Napalingon naman ako sa pamangkin ko. Tila naiintindihan niya ang nangyari sa mama niya.

"Donny, take Reyn with you! Sumunod kayo sa akin!"

Binuhat nito si Dale at nagmamadaling lumabas ng bahay.

Bitbit si Reyn ay nagmamadali din akong sumunod sa kanila.

Ako na ang nag-drive ng sasakyan ni EJ papuntang hospital.

Abo't-abot ang kaba ng dibdib ko.

"Bilisan mo, Donny!"

"Eto na!"

I can understand what he feels dahil iyon din ang nararamdaman ko.

May tama ng bala si Dale.

Diyosko 'wag naman sana!

"Mama! Mama!"

Nag-iiyak na si Reyn na nasa tabi ko.

"Reyn baby, we're here. Your Mama is here. She'll be fine, son. Upo ka lang diyan ha. I'll get you later."

"Mama..."

Napatingin ako dito.

"Dadalhin natin ang Mama mo sa hospital, baby. Don't cry. She'll be okay." Ginulo ko ang kanyang buhok. Lumuluhang tumango naman ito.

Napatingin din ako sa rearview mirror.

Si Edward din ay tahimik na lumuluha. Siguro ayaw niyang iparinig kay Reyn ang pag-iyak niya.

Dale...

Samu't-saring bagay na rin ang pumapasok sa isip ko. Hindi pa rin tuluyang nagsi-sink in sa utak ko ang mga nangyari at rebelasyon galing kina Dad kanina.

Parang sasabog na ang utak at dibdib ko.

Totoo nga ba? Totoo nga bang hindi nila ako anak?

Napaluha na rin ako nang di ko namamalayan.

Hindi. Hindi ko na muna dapat iniisip ang mga bagay na ito. Ang importante ay makarating na kami ng hospital.

Agad namang ipinasok sa emergency room si Dale pagkadating namin.

Dance For LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon