Chapter 34

1.1K 113 30
                                    

***Dale's POV***

Maaga akong gumising kinabukasan. Gusto ko kasing sulitin ang oras kasama si baby Reyn lalong- lalo na kapag ganitong weekends.

Bakas sa mukha ng anak ko ang kaligayahan na makasama ako sa araw na ito. Ako ang nag-asikaso sa kanya simula ng paggising niya. Sinamahan ko siyang maglaro ng mga laruang dinala ni EJ galing sa mansiyon.

Pagkatapos mananghalian ay tila nakaramdam si Reyn ng antok kaya agad ko na siyang pinatulog.

Maya-maya ay namataan kong nag-ring ang cell phone ko sa ibabaw ng mesita.

Si Boss?

Sabado ngayon pero bakit siya tumatawag?

"Ms Marquez.."

"Yes Sir. Napatawag po kayo?"

"Ah pasensiya na pero I would be needing you today sa isang meeting... It will take an hour or two... I know this is your time for your son pero sana maintindihan mo... Napaka-importanteng kaso nitong hahawakan natin."

Natahimik ako saglit.

"Ah wala pong problema, Sir. Parte naman po iyan ng trabaho ko. Sige po. What time at saan po ba tayo magkikita? May ipapa-prepare po ba kayong documents?"

"No need. I have everything in here. This is one of my confidential clients. I'll meet you up sa mall na lang in an hour. Just text me kung nakarating ka na."

"Okay po. Sige po magbibihis na po ako."

"Thank you. See you."

Binilin ko muna kay Judy si Reyn. Tutal tulog pa naman ito. Baka paggising niya ay nakabalik na rin naman ako.

Nagtaxi na ako simula sa kanto ng Remedios hangang sa mall kung saan kami magkikita ni Boss.

Pagkadating na pagkadating ko sa mall ay napagpasyahan kong i-text siya kaagad. Ngunit pagbukas ko ng cellphone ay maraming missed calls na pawang galing kay EJ ang nabungaran ko. Hindi ko ito napansin dahil naka-silent ang cellphone ko.

Ano naman kayang problema ng isang ito?

Hay mamaya na nga siya. Baka nandito na si Boss. Kailangan ko ring magprepare kahit papaano sa meeting.

Nag-send na ako ng message kay Boss.

On the way na raw siya.

Nagpasya akong mag-ikot ikot muna.

Nagulat na lang ako nang may isang kamay na humawak sa braso ko.

"Dale? Nandito ka lang pala?!"

"EJ?"

"I've been calling you a lot of times kanina pa. Bakit ayaw mong sagutin?"

Naramdaman ko ang galit sa boses nito.

"Ah sorry naka-silent kasi ang phone ko kagabi pa."

"Anong ginagawa mo dito? Nasaan si baby Reyn?"

"Ah... Nasa bahay... May meeting lang kasi ako saglit... Uuwi din ako agad."

"Saturday? May trabaho ka pa? Paano na si Reyn? Wala ka ng oras sa kanya?"

"EJ. Ngayon lang to. Importante lang kasi ito... May meeting kami ng boss ko..."

"Boss mo? Meeting? Anong klaseng meeting iyan? Look Dale... Kung hindi mo na kayang bigyan ng oras ang anak natin. Better give him to me. Kaya ko siyang bigyan ng oras na hindi mo na kayang maibigay..."

"No! EJ, nagtatrabaho ako para sa anak ko. Sinisiguro ko saiyong hindi ako nagkukulang sa kanya..."

"At ano ito sa tingin mo ha? Sabado, nakikipagkita ka sa boss mo imbes na makasama mo ang anak natin?"

Dance For LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon