***Dale's POV***
Dumating ang weekend. Nag-iisip ako kung tutuloy pa akong magturo kay Tita ng Zumba. Tila tinatamad ako.
"Mama! Mama! Play po tayo sa park?"
Napatingin naman ako sa anak ko. Nami-miss na siguro nito ang mamasyal kasama ang papa niya.
"Lika nga kay Mama."
Lumapit naman ito at agad akong niyakap. Napaka-sweet niya talaga.
"Sige titignan natin mamaya ha. May lakad kasi dapat ngayon si Mama."
"Mama.... where's Papa?"
"Ha? Ah... eh... Di pa nagtitext ang Papa mo baby, eh."
Nasaan na nga ba si EJ? Wala man lang siyang text kung pupunta kay Reyn o hindi.
"Hayaan mo baka pumunta siya dito maya-maya. Laro ka na lang muna baby ha? May aayusin lang si Mama sa kwarto..."
Ginulo ko ang kanyang buhok at bumalik na siya sa paglalaro.
Pumunta naman ako ng kwarto at nakita kong umiilaw ang aking cellphone sa ibabaw ng mesita tanda ng may tumatawag.
Hayyy ba't nai-silent ko na naman ito?
Si Donny?
"Hello, napatawag ka? Kumusta?"
"Dale, pwede bang ngayon na kami mag-usap ni Edward? Gusto ko kasing matapos na ito. Hindi ako makapagtrabaho sa opisina hanga't hindi ko naayos ang gulo namin. Dale, please..."
"Ahm... Wala pa kasi siya Donny. Hindi pa nga nagtitext kung pupunta dito..."
"Ganito na lang. Kunyari magkita na lang kayo sa labas tapos doon na kami magtatagpo? Hindi ka naman siguro mahihindian ng isang iyon."
"Sabagay. Sige.. Mag-aayos na muna ako."
"Ahm... Dale, pwede ko bang makita rin ang pamangkin ko? Dalhin mo siya please? Hindi ko pa siya nakikita. Sabi mo di ba one time ipapakilala mo siya sa akin."
"Ay sige... Dalhin ko na lang si Reyn para mamasyal na rin kami pagkatapos. Kanina pa nga ako kinukulit na lumabas."
"Sige sunduin ko kayo."
"Magkita na lang tayo sa kanto ng Remedios. Give us an hour. Paliliguan ko pa si baby."
"Okay. See you. Thanks Dale!"
"Okay."
---
"Baby Reyn, siya nga pala si Tito Donny."
Mataman naman itong tumingin kay Donny at tila kinikilala ito.
"Hello baby boy! Ang pogi mo naman. Naku kamukha mo nga ang daddy mo."
"Tito Donny?"
"Pinsan siya ng Papa mo baby."
"Good guy si Tito Donny, Mama?"
"Yes baby. I'm a good guy. Lagi kang naki-kwento ng Mama mo sa akin. Di ko akalain na pamangkin pala kita."
Napangiti na lang ako sa sinabi ni Donny.
Sumakay na kami sa kanyang sasakyan.
---
Medyo may kalayuan na ang binabagtas ng sinasakyan namin. Ang akala ko ay sa may mall lang kami pupunta."Saan tayo pupunta Donny?"
"Don't worry, alam ni EJ ang pupuntahan natin. At malapit na tayo. Okay ka lang ba baby Reyn?"
Tumango naman ang anak ko.
Nagulat na lang ako nang tila sa isang mansiyon papasok ang sasakyan.
"Sa-saan to?" tanong ko sa kanya.
"This is our house. Gusto kong makilala rin nina Mommy si baby Reyn at gusto rin kitang ipakilala sa kanila."
"Ha? Dito kayo magkikita ni EJ? Hindi kaya magalit iyon? Ang alam ko kasi.... ayaw niyang makita..... ang mga parents mo..."
"I know.... Pero gusto kong matapos na ang lahat ng ito Dale. Kung hindi kami magkakaharap-harap... Walang mangyayari... Lalo lang lalala ang gulo at lalalim ang galit niya na hindi ko alam kung saan nagsimula..... I'm just hoping na magpakita si Edward ngayong kasama kita at ang anak ninyo.. I doubt naman na uurong siya..."
Sana nga makipag-kita na si EJ. Medyo kinakabahan ako sa mangyayari... Pero sana magka-ayos na nga ang pamilya nila...
Tinext ko si EJ nang makapasok na kami sa bahay nina Donny.
Agad naman itong nagreply at tinanong kung nasaan kami.
Hindi ko siya masagot agad. Hindi ko alam kung papaano sasabihin sa kanya.
Nang bigla itong tumawag.
"Answer him Dale." Si Donny.
Bigla akong natigilan. Kinakabahan ako sa sasabihin ko sa kanya.
"Let me."
At kinuha nito sa kamay ko ang cellphone.
"Hello bro! I'm with Dale and baby Reyn. Punta ka dito sa bahay."
Hindi ko narinig kung ano ang isinagot ni EJ pero sa nakita kong paglayo ng tenga ni Donny sa cellphone ay alam ko na agad na nagalit ito at sinigawan niya si Donny.
"Calm down bro, I just wanna talk to you... At ito lang ang alam kong paraan para makipagkita ka sa akin. Let's settle this once and for all!"
Nakatingin ako sa kanya habang kinakausap niya si EJ.
"Don't worry I won't do any harm sa mag-ina mo. Importante din sila sa akin... Just go here and let's settle this... We'll wait for you..."
At pinatay na nito ang tawag.
"Hintayin na lang natin siya."
"Pumayag siya?" tanong ko kay Donny.
"He got no choice." at ngumiti pa ito.
Buti pa ito si Donny mukhang kalma lang. Nai-imagine ko na kasi ang mukha ni EJ habang kausap nito kanina si Donny. Malamang salubong na naman ang mga kilay nito at naniningkit ang mga mata.
Hayyysss EJ!
***EJ's POV***
Dale! What do you think you're doing? Ayokong mainvolve kayo ni Reyn sa gusot na ito... What are you even thinking?
Hindi ako makapaniwalang magagawa ito ni Dale.
Anong akala niya? Mapapatawad ko ng ganoon-ganoon lang ang mga taong sumira ng buhay ko?
Ayokong maka-enkwentro ni isa man sa pamilya ni Donny. Baka kung ano lang ang magawa ko.
Pero naroon ang mag-ina ko? Baka kung anong maisipang gawin sa kanila nina Uncle. Baka saktan nila ang ang mag-ina ko.
Hindi ako papayag!
Kailangang maiuwi ko sina Dale at ilayo sa kanila.
Sila na lang ang meron ako... Hindi ako papayag na mawala pa sila sa akin.
Haaaayyy Dale!
Dali-dali akong nagbihis. Kinuha ko din ang baril na matagal ng nakatago sa drawer. Gagamitin ko ito sa oras na idamay nila ang mag-ina ko.
Magbabayad sila sa lahat ng ginawa nila sa akin at sa pamilya ko!
Ito na ang oras na magkakaharap-harap kami.
Humanda sila! Ngayon nila mararamdaman ang lahat ng ipinaramdam nila sa akin!
Puno ng galit ang dibdib ko habang binabagtas ang daan patungo sa bahay ng aking tiyuhin.
I couldn't help but teared up habang unti-unting bumabalik lahat ng alaala ng mga kahayupang ginawa nila sa akin...
Mga hayop sila! Magbabayad silang lahat!!!
![](https://img.wattpad.com/cover/175534947-288-k456707.jpg)