Mayroong lihim na pagtingin,
Sa babaeng sa iba naman nakatingin,
Babae na malayo ang agwat ng edad sa kanya,
Umaasa na sana naman ay mapansin s'ya.Maxrill Won nagsisimula nang magparamdam,
Ng nadarama at damdamin n'ya nais ng ipaalam,
Sa babaeng dati n'yang itinuturing lang na ate,
Pero ngayon ay iginagalang na n'ya bilang babae.Mga salitang kanyang pinapahaging,
Nagpapahiwatig na nais s'yang makapiling,
Kapatid lang ang turing nito sa kanya,
Isip at puso nito ay mapapabago pa kaya n'ya.
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems For Love Without Limits By:Maxinejiji
PoetryAng istorya ito ay isinulat ni Maxinejiji, Love without limits. Ibinalik na n'ya ito muli sa pangalawang pagkakataon.☺ Unang napublished ito noong March 2017 at ibinalik n'ya ngayong March 2019. Dahil sa pagsubaybay ko sa mga istoryang likha n'ya...