Yaz feel be like
Mayroon silang bisita,
Itong magkapatid magkapareho kung umasta,
Si Montrell bago umalis tila nagbanta.Inihatid ako pauwi ni Maxrill,
Sa paghalik sa 'kin, s'ya'y aking pinigil,
Nararamdaman n'ya gusto kong matigil.Si Maxwell ay tinawagan ako,
Sa tanong n'ya tungkol kay Maxrill ay nagtaka ko,
Bakit alam n'ya na balak akong halikan nito?May nagbigay ng kape sa akin,
Gregory ang pakilala nito sa 'kin,
Hindi ko alam ang aking sasabihin.Sa ginawa ni Maxwell kami ay nabigla,
Mas lalo akong natulala,
Sa nangyari hindi ako makapaniwala.Pagkatapos ng trabaho ko,
Sa office n'ya ay nagpunta ako,
Sabi ni Wilma,wala gamit ko rito.Kaya nagpunta ako sa penthouse n'ya,
Hindi ko inaasahan na makikita ko s'ya,
Napapalunok ako dahil sa kanya.Naaawa ako sa kanya,
Halata ang pagod sa itsura n'ya,
Tinanong ko kung kumain na ba s'ya.Ang gamit ko balak ko lang sana kunin,
Doon muna raw ako, sabi n'ya sa akin,
Uniform ko lalabhan n'ya raw, sabi pa n'ya sa 'kin.Maliligo raw s'ya kasabay ako,
Nagulat ako nang buhatin n'ya ko,
Na para bang isang sako.Hindi na ko nakatanggi sa kanya,
Kita ko ang paghanga sa mga mata n'ya,
Gusto kong paniwalaan s'ya."I like you a lot" biglang sabi n'ya,
Sa iba ay nagseselos daw s'ya,
Ako ay nagugulat sa kanya.Isa't isa ay pinaliguan namin,
S'ya ang naglagay ng lotion sa akin,
Sa kanya, ako ay gumanti rin.Sa mainit na sandali kami'y nagsalo,
Sa laban na ito ay pareho kaming nanalo,
Pero sa aming pagtulog may biglang nanggulo.Sumakal sa 'kin, sino s'ya?
Sa amin ano ang pakay n'ya,
Kinakabahan ako dahil sa kanya.
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems For Love Without Limits By:Maxinejiji
PoetryAng istorya ito ay isinulat ni Maxinejiji, Love without limits. Ibinalik na n'ya ito muli sa pangalawang pagkakataon.☺ Unang napublished ito noong March 2017 at ibinalik n'ya ngayong March 2019. Dahil sa pagsubaybay ko sa mga istoryang likha n'ya...